00:00Halos 4 million SSS pensioner ang makikinabang sa paggulong ng multi-year adjustment sa kanilang mga pensyon sa susunod na buwan.
00:09Kasunod na rin ito ng Direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
00:13kabilang dyan ang nasa 2.6 million regular pensioner at disability pensioners at nasa 1.2 survivor pensioner.
00:22Ayon sa SSS, ang dagdag pensyon ay suportado ng komprehensibong actuarial studies kung saan magkakaroon ng dagdag pensyon ng mga pensioner sa loob ng tatlong taon.
00:34At kahit may dagdag na pensyon, ay walang dagdag na kontribusyon para sa mga miyembro ng SSS.
00:41Kasama sa cut-off ng pagtaas ng pensyon sa susunod na buwan ay mga pensioner na hanggang August 31, 2025,
00:48habang ang mga magiging pensioner matapos ng August 31 ay sa susunod na taon makakasama.
00:55Mula September ngayong taon, tatagal ang dagdag pensyon hanggang September 2027,
01:01kung saan 10% kada taon ang dagdag sa retirement at disability pensioners at 5% naman na dagdag sa death or survivor pensioners kada taon.
01:13Wala ko kayong gagawin.
01:14Kasi automatic ho to, dahil ang pensyon natin is true bank credit.
01:21So, magandang surpresa na lang ho, na pag tanggap nyo ho ng pensyon nyo, may increase na po yun.
01:28Wala ho ng tranche-tranche to.
01:30So, isang malaking programa ho to, this is first of its kind, na 3-year ang pension reform program.