00:00Nanalasa ang matinding dust storm sa Arizona sa Amerika.
00:04Sa isang time-lapse video, kita ang unti-unting pagdilim ng paligid dahil sa makapal na alikabok.
00:10Napahinto naman ang driver na yan sa gitna ng kalsada ng mag-zero visibility.
00:16Mahigit 200 flights ang nadelay sa Phoenix International Airport.
00:20Ilang istruktura rin ang nasira ng malakas na hangin.
00:24Nagkakaroon ng dust storm kapag may thunderstorms kung saan umaangat at kumakalat ang buhangin o alikabok mula sa mga tuyong lugar gaya ng disyerto.
00:34Madalas nangyari ito kapag summer monsoon season sa US Southwest.