- 1 year ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
01:00Nakakuha po tayo ng informasyon at na-identify po natin yung mga suspects na dalawang personality.
01:08Weeks dati na rin pong involved sa ibang krimen dito sa Pasay.
01:15At nakuha natin ang kanilang mga mukha at nakuha rin po natin ang kanilang mga cellphone numbers.
01:22And because of technology, na-track po natin.
01:25Sa Ligaspe, Albay, natuntun ang sospek.
01:28Before sila pumunta sa Albay, dun sa Ligaspe, itong mga tao ko, nakausap na po namin ang kanya asawa.
01:37So, isa rin po yung asawa niya na nag-convince para sumuko po sa ating mga kapulisan.
01:43Positibo siyang kinilala ng mga biktima matapos silang mag-arap-arap kanina sa police station.
01:48Wala rao kasing suot na helmet o mask ang sospek na pumasok sa bahay nila.
01:52Pero ang sospek, maring itinatanggi ang paratang.
01:55Hindi po talaga ako yun.
01:56Pero sa tingin niyo po, bakit kayo yung tinaturo ng mga biktima?
02:00Kasi po, dati ko pong nakasama sa kaso si Ashley po.
02:07Nasa bahay rao siya nang mangyari ang krimen.
02:09At kaya umuwi ng Albay ay para sumali sa tournament ng bilyar.
02:12Ang isa namang sospek na si Alias Ashley na siyang nanggahasa o manong sa dalawang masahista patuloy na pinagahanap.
02:18Kinumpirma rin ang mga polis na dati itong karelasyon ng isa sa massage therapist na nakatira sa apartment.
02:24Pero wala rao ang dating karelasyon sa apartment na mangyari ang krimen.
02:28Kabisado rao ni Alias Ashley ang compound dahil napasmasok siya roon noong magkarelasyon pa sila.
02:33At kung paano nakapasok ang mga sospek sa compound?
02:35Actually, one way git lang po yun. Hindi ka pwedeng pumasok pag walang susi.
02:39So mayroon po silang nasundan na isang biktima tapos sunod-sunodan na po sila pumasok sa loob ng boarding house.
02:48Para sa GMA Integrated News, Miko Wahe ang inyong saksi.
02:53Hawak na ng motoridad ng sospek sa pagpatay sa nakalitan niyang motoristas sa Cavite noong Merkules.
02:59Ang kay DILG Secretary John Vic Remulia sumuko ang sospek.
03:03Kiniharap muna siya sa media saka itinurn over sa PNP.
03:07Sinapahan ang sospek ng reklamang murder.
03:10August 27 na makita sa video ang mga driver ng dalawang sasakyan na tila nagdidiskusyon.
03:16May itinutok ang driver ng pulang kotse saka humarurot palayo.
03:21Binaril na pala noon ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital.
03:25Pang-isang linggong ulan na ibinuhos lang sa loob ng tatlong oras.
03:33Alpo sa lokal na pamahalaan ng Quezon City, yan ang dahilan kaya't hindi kinayan ang drainage ng nusod ang pambihirang ulan na bumuhos noong Sabado.
03:42At dagdag ng LGU, hinitugma ang ilang proyekto ng DPWH sa inilatag na Drainage Master Plan para sa syudad.
03:50Saksi, si Maki Pulido.
03:55Sa maikling oras lang, rumagasa ang tubig sa iba't ibang bahagi ng Quezon City nitong Sabado ng hapon.
04:03Sa time-lapse CCTV video na ito, makikita kung paano sa loob lang ng mahigit at lumpung minuto,
04:08lubog na sa baha ang mga gamit sa loob ng bahay ni U-Scooper Zai.
04:12Lumutang naman ang SUV nito sa Mother Ignacia.
04:15Sobrang bilis po talaga nung akit po ng tubig.
04:19Kasi parang mga 20 minutes po lang po agad, nagpastao na po yung ano eh.
04:24Sobrang bilis po talaga.
04:25Walang kawala pati mga pasahero ng bus na ito sa bahagi ng Quezon Avenue.
04:29Maka taas ang mga binte!
04:33At malalim!
04:34Yan na!
04:35Ayon sa Engineering Department ng City Hall, may mga lugar sa syudad na binaharin kahit hindi naman itinuturing na flood prone.
04:42Tulad sa bahaging ito ng Barangay Quirino 3A,
04:46ang pinakaikinalulungkot ni Teacher Delilah na baha ang mga librong ginagamit niya sa pag-sutor ng mga bata.
04:52Kaya maaring hindi na muling magamit.
04:53Iba pa rin talaga yung meron talaga silang binubukla at binabasa.
04:59Kaya super lungkot po talaga kami na ganyan ang niyari.
05:04Katumbas ng isang linggong ulan ang 134.2mm na ulang buho sa Quezon City sa loob lang ng tatlong oras noong Sabado.
05:13Ayon sa pag-asa, sa peak nito na 2pm hanggang 3pm, 96.6mm ng ulan ang ibinubos.
05:20Pero ang kaya lang ng drainage system ng syudad, 50mm per hour lang.
05:25The condition of the drainage system is, well, it's not sufficient.
05:30Saturday's heavy rainfall, nakapag-record po tayo ng around 100,000 cubic meters of flood.
05:35Dahil hindi kinaya ng drainage system, umapaw ang tubig sa kalsada at naipon ito sa mabababang lugar.
05:42Higit 14 billion pesos na ang nagastos ng DPWH para sa mga flood control projects sa Quezon City mula noong 2022.
05:50Pero hindi yan tugma sa drainage master plan ng syudad na kailangan ng 27 billion peso budget.
05:56Paniwala ng City Hall, kung tugma lang sana yan, ay hindi sana ganun katindi ang baha nitong Sabado.
06:02Dahil sa master plan nila, may plano para sa bawat flood prone area batay sa geohazard map.
06:08Ang Mother Ignacia Avenue halimbawa, kailangang tayuan ng retention fund batay sa master plan.
06:13Had all of those funds been utilized towards implementing our drainage master plan,
06:19ang tingin ko, considerably lessened ang flooding natin.
06:22Ang problema, ayon kay Mayor Joy, ang ibang na inspeksyon nilang proyekto, hindi na nga tugma, nagpapalala pa ng pagbaha.
06:29Ang creek na ito halimbawa, natambakan na nga ng construction debris, sinimento pa ang ilalim.
06:35Eh, diba isa sa mga solutions nga para maiwasan yung flooding is dredging.
06:41Bakit nila sinisimento, bumababaw ngayon yung creek.
06:44Para kay Dr. Mahar Lagmay, Executive Director ng UP Resilience Institute at NOAA Center,
06:50mas maigi at mas matipid sana kung hindi ang pagtatayo ng infrastruktura ang unang maisip na solusyon sa mga pagbaha.
06:57Sa halip, pag-aralan mo na raw dapat ang mga daluyan ng tubig.
07:00At mas maigi kung hindi kada syudad lang, kundi para sa buong Metro Manila.
07:04Pwede rin tayo magprotekta ng mga parks, mga existing open spaces, lalo na kapag kakatabi ng ilog.
07:14Sa ibang bansa, ang tawag dyan, make room for the river.
07:17Pag may open spaces tayo, napipreserve natin yung mga grasslands.
07:21Pwede pang magkaroon ng better infiltration.
07:24Ang isang puno ay ilang galundin ang i-intercept yan.
07:27Pag-aaralan mo muna at pag napag-aaralan mo, na-exhaust mo lahat ng other possibilities, pati urban planning.
07:34I-capacitate mo yung mga tao doon na nakatira.
07:37Meron people-centered early warning system na alam nila ang gagawin.
07:41Kasama ng pag-aaral ang paggamit ng teknolohiya para makita kung uubra nga bang disenyo ng mga planong itayong infrastruktura.
07:48Pwede mo naman isimulate.
07:50Ilagay yung structure, yung proposed structure na decay or whatever.
07:55Bago pa ito itayo at paggastusan, we can use computers to do that.
08:00There are formulas to determine the speed of the flow of water, yung discharge rate niya, yung papano siya aapaw.
08:09Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
08:15Wala pa pahayag ang DPWH upos na sinabi ng Quezon City LTU.
08:19Samantala mga kapuso, ginisa sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee,
08:24ang mga kumpanyang may kontrata sa mga flood control project ng DPWH o Department of Public Works and Highways.
08:31Inissueha naman ng show cost order ang may-ari na isa sa mga construction company
08:35dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig.
08:37Sa saksi, si Sandra Aguinaldo.
08:43Yung mga flood control projects, kailan kayo nag-engage na flood control projects sa DPWH?
08:50Siguro mga 2016 onwards.
08:53Please make sure of yourself.
08:55Yes pa, 2016 onwards pa.
08:572016 onwards?
08:58Yes pa.
09:002016 pa rin nagsimulang gumawa ng flood control projects sa DPWH o Department of Public Works and Highways,
09:07si Nazara Diskaya, ang kumpanya nilang Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation,
09:13kasama sa listahan ni Pangulong Wongbong Marcos na mga kontraktor na may pinakamaraming proyekto sa gobyerno.
09:19Kasama rin sa listahan ng St. Timothy Construction Corporation.
09:23Pero nag-divest na umuno siya rito, pati sa St. Gerard Construction, General Contractor and Development Corporation.
09:30Pero inamin niya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na may kaugnayan pa rin siya sa walong construction company na may kontrata sa gobyerno.
09:39How come you're still a chief operating officer, pati ang asawa mo sa ilang construction companies na ito?
09:46Hindi po ako COO ng mga companies po.
09:50Ma'am, you're under oath.
09:52Don't forget.
09:54Opo, CFO po, pero hindi ako COO pa.
09:58COO, so bakit po ikaw ang CFO pa rin kung ikaw, kung nag-divest na po kayo, official pa rin po kayo dyan?
10:10Sorry, tumutulong lang po ako dun sa mga ibang companies po.
10:13So you didn't divest totally?
10:15You're still a CFO according to you.
10:19Opo, pero hindi po ako nagmamanage po ng mga companies na yun.
10:25Ipinakita rin ni Senadora Riza Ontiveros ang mga calling card ng asawa ni Diskaya na si Curly mula sa iba't ibang construction companies.
10:33Sa walopang kumpanya, lumabas na kaanak din o empleyado ni Diskaya ang mga ito.
10:38Isa sa mga kumpanya, anak niya ang may-ari, may pinsan at pabangkin.
10:43Nung mag-divest kayo, sino yung taong doon nyo i-deny best po ang inyong interest sa korporasyon?
10:53Katulad sa St. Timothy, kay Maria Roma ko binigay po yung aking shares.
10:59Sino siya?
11:00Kamag-anak mo?
11:01She's the niece of my husband.
11:03Kamag-anak mo pa rin?
11:05Kayo pa rin, kayo-kayo pa rin yan.
11:06And who is this Marie-Tony Miligrito, the owner of Elite General Contractor?
11:13Pinsan ko po, Mr. Chino.
11:15From the left pocket to the right pocket.
11:18St. Matthew, nandito yung asawa mo, Pacifico Diskaya.
11:22Great Pacific.
11:25O, ikaw, nandyan o. Pangalan mo o.
11:28Si Sarah Rowena Diskaya.
11:31Hindi mo mapapagkaila eh.
11:33YPR General Contractor.
11:35Hmm. Nandito rin ang pangalan mo.
11:38Miss Sarah, alam mo magkang magsisinungaling ha?
11:41Amethyst Rison.
11:46Sino si Amethyst Rison? Sino si John Brian Eugenio?
11:50He's one of our employees.
11:52Oh, dami.
11:53Waymaker.
11:55Sino si Gerald William Diskaya?
11:57He's my eldest son.
11:58Nagtataka rin ang ilang senador kung paano na pagsabay-sabay na mga kumpanya ni Diskaya ang daan-daang proyekto sa gobyerno.
12:06Ang Alpha and Omega halimbawa nakakuha ng 71 projects noong 2022.
12:12Ang St. Timothy naman nasa 145 projects mula 2022 hanggang ngayong taon.
12:17Na o sisa rin ang tungkol sa pagsali sa bidding ng kanila mga kumpanya.
12:23Si Alpha and Omega and St. Gerard, hindi po sila nagsasali sa isang bidding.
12:28Pero yung ibang licenses, magkakasama sila minsan.
12:31And then, so minsan naglalaban-laban yung siyam?
12:34Yes, pa.
12:35Oh, so that is not a legitimate bidding.
12:38Dahil yung siyam na yun na naglalaban-laban sa isang award sa isang kontrata, iisa lang ang may-ari.
12:46So kahit sino dun, kahit sinong manalo dun sa bidding na yun, ikaw ang panalo.
12:52Dahil sa'yo lahat yun eh.
12:53Gate ni Diskaya, wala siyang kilala sa DPWH para makakuha ng maraming project.
12:58Ako na hindi ako naninawala na wala ko yung kontak sa DPWH.
13:03Hindi kami naninawala.
13:04Pati siguro si Minority Leader, hindi naninawala na wala ka yung kontak.
13:07Pati si Shervan, hindi naninawala na wala ka yung kontak.
13:10Ngayon, huwag ka tumingin sa akin.
13:14Wala naman nagtatanong.
13:15Sino ba tinitignan mo dyan?
13:19Magkano binibigay mong porsyento o advance sa mga tiga DPWH para mabiga ka ng proyekto?
13:28Wala po ako binibigyan sa DPWH po.
13:32Baka may ipakita ko sulat sa'yo.
13:36Maming ganon.
13:38Wala po ako talaga.
13:39Kasi hindi po ako nakipag-transact with the DPWH.
13:43At the end of the day, pag nagsinungaling ka, ipapakita ko yung sulat.
13:52Mayroon mo.
13:53Di ba umabot hanggang 40%?
13:55Wala po ako. Sa DPWH wala po akong kausap talaga.
13:59Sige, I will take your word for it.
14:01Ayon kay Diskaya, 23 years na silang kontraktor.
14:04Narinig po namin sa television, sinasabi nyo sa interview nyo eh dahil tinanong kayo kung anong naging gateway para gumanda ang buhay nyo.
14:11Sabi nyo kayo hindi naman nakakaangat nung araw.
14:15At tapos sabi ninyo ay noong DPWH na kami.
14:19Yun po yung sagot ninyo eh.
14:20So, at tinanong kung magkano at sabi nyo bilyon.
14:25We have been in the construction business for 23 years.
14:28So, I would presume na in the 23 years, pwede naman siguro kami po kumita.
14:33They spliced the video that was taken of me and just mentioned the DPWH.
14:41So, kontraktor na po kami for 23 years.
14:44Hindi rin pinalampas ang ilang senador ang pinakita nilang mahigit apat na pong magagarang sasakyan.
14:51Sabi ni Diskaya, 28 ang luxury cars nila, habang ang iba naman, service vehicles ng mga engineer na pag-aari ng kanilang mga kumpanya.
15:00Ang balita ko, dun sa interview mo, binili mo yung isang Rolls Royce dahil nagandahan ka sa payong.
15:07Tama ba?
15:07Sir, yes po.
15:11I have four kids that use it all the time.
15:14You bought that from the taxpayers' money?
15:17No po.
15:18Hindi po.
15:19Huwag na tayo maglukan dito.
15:22Natanong din si Diskaya tukos sa umunoy joint venture nito sa CLTG Builders sa Davao.
15:28Ang CLTG Builders ay sinasabing pag-aari ng ama ni Senador Go.
15:32Sabi ni Diskaya, naalala niya na may proyekto sila pero napakinabangan naman na raw ito.
15:38If meron pong deficiencies at meron silang pagkukulang, ako mismo po ang magre-recommenda sa committee ito na kasuhan sila.
15:46Kahit kamag-anak ko, kahit involved sa kahit na anuman pong pagkakamali, kasuhan niyo po sila.
15:54I am for accountability. Ayoko po ng kalukuhan kahit kailan.
16:00Nasa pagdinig din ang iba pang kontratista na kasama sa labin-libang pinangalanan ng Pangulo.
16:06Pinunteryan ng ilang Senador kung paano nakakuha ng maraming flood control project ang MG Samidan Construction.
16:13Gayong General Engineering A lamang ang kategorya nito at hanggang 300 million pesos lamang ang bawat proyektong pwedeng gawin.
16:20Nakakakuha ka ba more than or up to 300 million?
16:25Ay, hindi po, hindi po, dear honor.
16:27Hindi, kasi lalabas ito.
16:30You are under oath kapag napatunayan na with your category A nakakuha ka ng more than 300 million,
16:39then you will be charged as lying, baka makontem ka.
16:42So nakakasiguro ka na hindi ka nakakuha ng 300 million?
16:48Isang single project po yan, your honor?
16:51Kasi pag ang ginawa mo, bin-recap mo, ito yung splitting of contract.
16:59Kalimbawa, 500 million.
17:02Ang ginawa mo in cahoots with the DPWH District Engineer, 100-100-100,
17:09o in-split mo yung contract, then you were able to circumvent the law.
17:13O, malalaman po namin yun eh.
17:15Ang may-ari ng Wawao Builders na nauna nang naiugnay sa ilang ghost projects sa Bulacan,
17:20tubangkin saguti ng ilang tanong ng mga senador.
17:23I invoke my right for incrimination in your honor.
17:25Ano? Can you repeat your answer?
17:27Wow.
17:28Can you repeat your answer, Mr. Arevalo?
17:32I invoke my right for incrimination in your honor.
17:35My God!
17:36Dahil may mga asapin po na kakasuhan yung mga contract on the DPWH po,
17:40at parte ng ulot ng senador na magpag-recommend na ng paghahain ng kaso laban sa resource person,
17:46ang payo ng aking mga bukari, huwag magsalita sa panahon na ito.
17:48It is only answerable by yes or no, Mr. Arevalo?
17:53Biniverify pa po namin in your honor.
17:55I-issuehan naman ng show cause order ang may-ari ng Hightone Construction and Development Corporation
18:01dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig.
18:03Kasunod nito ang posibleng pag-aresto kung hindi pa rin dadalong.
18:07Pagkatapos ng pagdinig, sinubukan ang media na makapanayam si Nadiskaya at Arevalo
18:12pero tumanggi na silang magsalita.
18:14Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
18:20Mga kapuso, maging una sa saksi.
18:22Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.