00:00At hanggang sa mga oras nga na ito ay puno ng mga relista ang EDSA People Power Monument,
00:07isa po sa mga pinagdarausan ng protesta ng bayan kontra katiwalian.
00:11Ibat-ibang sektor at personalidad ang nagtungo sa EDSA at nakatutok doon live si Marie Zumali.
00:18Marie, sa anong sitwasyon dyan ngayon?
00:19Pia, Ivan, ikulong na mga korakot, tama na sobrang na ikulong na yan ang nagkakaisa at malakas na panawagan ng mga relista
00:35ang nagtungo dito sa People Power Monument dito sa EDSA para papanagutin ang mga sangkot sa Flood Control Projects Camp
00:45at itong nga mga nagpunta rito ay hindi nagpatinag sa lakas man ng ulan o kahit sa tindi ng sikat ng araw.
00:57Maaga nagmarcha at iba pang sektor ng lipunan sa pangungunan ng tindig Pilipinas, Siklab at Akbayan Youth dito sa People Power Monument
01:07para sa Trillion Peso March.
01:10Sigaw nila panalagutan na mga korakot at sangkot sa mga anomalya sa Flood Control Project.
01:16May mga dumayo pa mula sa probinsya para dumalo sa kilos protesta.
01:20Kabilang din sa mga dudmulo si dating Associate Justice Antonio Carpio.
01:26Marami rin mga pare, madre at mga reliyoso ang nakibahagi sa pagtitipon.
01:31Nagtaos ng misa na pinangunahan ni Diocese of Cubao Bishop,
01:35Elias Ayuban at Concelebrated na maraming mga pare mula sa iba't ibang Dioceses.
01:42Bago mag-alas dos ng hapon, nagmarcha na rin pa People Power Monument yung mga galing at sa Shrine.
01:48Kabilang si na Sen. Kiko Pangilina, Sen. Bam Aquino, Rep. Laila de Lima, mga retired generals,
01:55mga artista at iba pang sektor ng lipunan para sa main program.
01:59Sinimulan nito ng ecumenical service at interfaith prayer.
02:03Isa-isa rin nagbigay ng mga mensahe ang ilang obispo kabilang na si Cardinal Ambodavid at iba pang mga personalidad.
02:12At bahagi nga ng mga binanggit nila na hindi ito politika, kundi usapin din ng moral at paninindigan.
02:21At ang gusto nila maipakita ngayon ay walang tatanggapin ang mga mamayan kung walang mapapanagot at makakasuhan
02:31at kung walang makukulong.
02:33At sinabi rin ni Rep. Shell Jokno na dapat buksan yung mga sal and na mga opisyal.
02:39Dapat may sa batas yung House Bill 4453 para bigyan ng ipin ang ICI at dapat maikulong yung mga sangkot.
02:48At panawagan nila sa mga sangkot sa anomaliyang ito sa korupsyon e umamin na sila at ilabas ang ninakaw na pera ibalik sa taong bayan.
02:59So hanggang sa mga sandaling ito, Pia Ivan ay nagpapatuloy pa rin yung kanilang programa, yung kilos protesta.
03:07Hindi rin naman nagsisialisan yung mga ralista rito.
03:11Kanina maraming mga nagtanghal, kabilang na dyan si Bayang Barrios, si Noel Cabangon, pati na rin yung Ben and Ben.
03:20At itong programang ito ay magtatapos sa isang call to action ng komunidad.
03:27Ibig sabihin, hindi matatapos dito sa kilos protesta na ito ang kanilang pagtitipon, ang kanilang panawagan.
03:35Kundi kailangan daw may mapanagot, makulong at talagang maibalik yung pera na ninakaw sa taong bayan.
03:43At magtatapos din yung kanilang programa sa isang finale song na bayan ko.
03:50So Pia Ivan, yan muna ang latest na sitwasyon.
03:53Mula pa rin dito sa People Power Monument sa EDSA, balik sa inyo dyan.
03:56Maraming salamat, Marie Zumali.
04:00Sumiklab nga po ang gulo sa pagitan ng polis at ilang grupo sa Ayala Bridge sa Maynila.
04:06At may nagsunog ng gulong ng truck at meron pang namato.
04:10Tinatayang magigit tatlong po ang sugatan dahil po dyan.
04:12At nakatutok live, si Jonathan Nanda.
04:16Jonathan?
04:18Pia, payapa na ang sitwasyon ngayon dito sa may bukana ng Ayala Bridge matapos magkagulo kanina.
04:24Itong nakikita mo sa likod ko, yan yung container van na sinunog kanina ng mga sangkot sa gulo.
04:30Ito po kasing Ayala Bridge.
04:32Pagtawid nyan, yan na yung kanto papunta doon sa Malacanang Complex.
04:36Kaya yan yung binarikadahan ng mga polis kanina.
04:39Namato kanina yung mga ng gulo.
04:42Pinaulan na nalang bato yung mga polis.
04:44Kaya kung makikita nyo, nabutas po yung street side na yun, na nakikita nyo sa inyong screen.
04:49Ang nakasulat dyan ay Romualdez Street.
04:52Ang sabi ng barangay, nakuha ng mga nanggulo yung mga pambato nila dito po sa may center island na ito.
04:59Kung makikita nyo, durog na.
05:01Dito daw, ito daw ay dinurog ng mga nanggulo kanina.
05:04At yung mga bato galing dito, yun yung pinambato doon sa mga polis.
05:07Pia na balot ng usok kanina ang bukana ng Ayala Bridge.
05:19Nagsunod kasi ang isang grupo ng mga kalalakihan ng gulong ng container truck na binarikada ng mga polis.
05:24Sabi ng NCRPO, gusto kasi ng mga nanggulo na makapasok sa Ayala Bridge mula Luneta.
05:29Pero hinarangan nito ng pulisya dahil kanto na ng Malacanang Complex ang nasa kabilang dulo ng tulay.
05:34Kanina, ipinorma ng mga polis ang kanilang pansalag ng namato ng bato at bote ang mga kalalakihang nakatakip ang mga muka.
05:41Ilang sandali lang, umabante ang isang grupo ng mga polis.
05:44Pinalibutan nila ang isang bumbero para makalapit sa container truck at maapula ang apoy.
05:49Hanggang nagkatakbuhan na ang polisya palusob sa direksyon ng mga nanggulong kalalakihan.
05:53May dumating kasing dagdag pwersa ng polisya galing Luneta.
05:57Kaya nagpulasan ang mga kalalakihan pero may ilang mga inabutan at pinagdadampot.
06:01Ayon sa PNP, nasa labimpitong individual ang hinuli ng Manila Police.
06:06Nasa tatlongpong polis naman ang sugatan, sabi ng NCRPO.
06:10Isa sa kanila ang polis na tinamaan daw ng likido galing sa ibinato sa kanilang galon na mabahu raw at mapanghe.
06:17Sabi ng kagawad sa barangay 663, ang mga bato at bote na ibinato ng mga nagprotesta galing daw sa mga paso nila sa barangay hall
06:24at sa mga bote ang ibibenta sana nila.
06:27Isang polis naman ang hinimatay raw at dinala pa sa ospital.
06:31Isang motorsiklo naman ng polis ang sinunog daw ng grupo ng mga kalalakihan.
06:36Dumating ang polis na may-ari ng motorsiklo pero tumangging magkomento.
06:39Ang sabi ng hepe ng NCRPO, maximum tolerance ang kanilang ipinatupad pero sumobra na raw talaga ang mga nanggulo kanina.
06:47Kaya kabilang daw sa isasampang reklamo ng NCRPO sa mga nahuli, direct assault, vandalism at destruction of property.
06:54Narito ang pahayag ng hepe ng NCRPO.
07:01Kagaya nga ng sabi ko kanina, we have observed maximum tolerance.
07:04Pero yung maximum tolerance na yun kung minsan is sumusobra na eh.
07:09Nakita nyo po, gusto nilang ma-penetrate eh.
07:11So alangan na mga titingin na lang po kami.
07:23Sa isang pahayag naman, sinabi niya Atty. Vic Rodriguez, dating executive secretary,
07:28na hindi raw napagkasundoan at pinahihintulutan ang nangyaring gulo sa Ayala Bridge.
07:33Wala raw silang kinalaman dito.
07:35Pia, ang sabi ng ground commander na dito ng mga polis eh,
07:39yung mga inaresto eh dinala sa ospital para sa medical exam,
07:43tapos posibleng dalin sila sa Manila Police District Headquarters sa UN Avenue.
07:47Yan muna ang huling balita mula rito sa Ayala Boulevard. Balik sa'yo, Pia.
07:51Marami salamat, Jonathan Andal.
07:55Mahigit limampung libo ang nakiisa sa kilos protesta kontra korupsyon sa Luneta sa Maynila.
08:00Kabila mga personalidad at mga artista sa mga nanawagan na panaguti ng mga umaabuso sa kabanang bayan.
08:08Nakatotok si Darlene Kai.
08:09Bumahan ang mga raliisa sa Kilometer Zero sa Luneta.
08:19Ang tawag sa demonstrasyon, Baha sa Luneta, aksyon laban sa korupsyon.
08:24Kita mula sa himpapawid kung paano na puno ang Rojas Boulevard.
08:28Kanya-kanyang bitbit ng signage at placard.
08:35Ang iba may suot pang kostyum at may dalang props.
08:38Tulad ng isang nagdala ng watawat ng Pilipinas na inaakyat ng buhaya.
08:42Panawagan ng lahat, panagutin at ikulong ang mga nagdakaw sa bayan.
08:47Libo-libong mga raliisa yung bumubuhos ngayon dito sa Luneta para lumahok sa kilos protesta.
08:52Galit na galit at emosyonal yung mga nakikita naming nandito ngayon dahil nga nananawagan sila ng pananagutan sa mga sangkot sa korupsyon.
09:01Kaya tama na, sobra na ang pandarambong sa bayan.
09:05Ang nandito po kasi sa rally mula sa iba't ibang saray ng lipunan.
09:10Ang iba ho ngayon, malalim yung galit ng tao.
09:14Naniniwala ang taong bayan na kailangang ipakulong ang lahat ng mga sangkot sa korupsyon.
09:23Ang makaibigang Paulo at Angelo, first time daw sumali sa rally.
09:26Di na raw nila matiis ang matinding bahas sa kanilang lugar sa Las Piñas.
09:30Lahat tayo para sa Pilipino nato, eto na yung parang ibangon naman natin.
09:35Bandang alas 9 ng umaga nagsimula ang programa.
09:38May cultural performances.
09:40Ilang personalidad din ang dumalo sa kilos protesta.
09:43Gaya ni na ML Partylist Representative Laila Delima,
09:46Gabriela Women's Partylist Representative Sara Elago,
09:49at Kabataan Partylist Representative René Co.
09:51Pati na ilang celebrity.
09:54May namigay naman ng libreng tubig at pagkain sa mga nagpoprotesta.
09:57Tire kang araw at maalinsangan kaya may ilang nahilo
10:00na agad inaksyonan ng mga nakastandby na ambulansya at medical personnel.
10:05Mahigpit din ang seguridad.
10:06Bantay sarado ng mga polis ang palibot ng luneta.
10:10Ayon sa Manila DRRMO, hindi bababa sa 50,000 ang nagprotesta sa luneta.
10:14Pagkatapos ng programa, sabay-sabay silang nagmarcha pa Mendiola.
10:19Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai, Nakatutok 24 Horas.