-Lisensya ng driver ng MPV na may bawal na blinking light, suspendido nang 90 araw; rehistradong may-ari, pinagpapaliwanag
-QCPD-CIDU: 2, arestado dahil sa pangingikil umano sa isang Korean at kanyang pamilya; ilang pasaporte at dokumento, nabawi
-Oil price hike, ipatutupad bukas
-Rochelle Pangilinan, tampok sa "Child no. 82" na napapanood ngayon sa Cinemalaya Festival 2025
-8, sugatan matapos masalpok ang isang pampasaherong jeep ng isa pang jeep sa Salitran Intersection
-UP NCPAG: May "Shadow" flood control projects na aabot sa P115.26B ang budget ngayong 2025; Palaki nang palaki ang pondo mula 2022
-Ilang nakaligtas sa lindol, emosyonal na dumalo sa unang Sunday Mass matapos ang Magnitude 6.9 na lindol sa Bogo, Cebu
-Lalaking nag-donate ng P19 para sa mga biktima ng Magnitude 6.9 na lindol sa Cebu, hinangaan ng volunteers
-INTERVIEW: DR. TERESITO BACOLCOL, DIRECTOR, PHIVOLCS
-26 teams, naglaban-laban sa 3rd leg ng 2025 PDBF Phl Dragon Boat Regatta
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-QCPD-CIDU: 2, arestado dahil sa pangingikil umano sa isang Korean at kanyang pamilya; ilang pasaporte at dokumento, nabawi
-Oil price hike, ipatutupad bukas
-Rochelle Pangilinan, tampok sa "Child no. 82" na napapanood ngayon sa Cinemalaya Festival 2025
-8, sugatan matapos masalpok ang isang pampasaherong jeep ng isa pang jeep sa Salitran Intersection
-UP NCPAG: May "Shadow" flood control projects na aabot sa P115.26B ang budget ngayong 2025; Palaki nang palaki ang pondo mula 2022
-Ilang nakaligtas sa lindol, emosyonal na dumalo sa unang Sunday Mass matapos ang Magnitude 6.9 na lindol sa Bogo, Cebu
-Lalaking nag-donate ng P19 para sa mga biktima ng Magnitude 6.9 na lindol sa Cebu, hinangaan ng volunteers
-INTERVIEW: DR. TERESITO BACOLCOL, DIRECTOR, PHIVOLCS
-26 teams, naglaban-laban sa 3rd leg ng 2025 PDBF Phl Dragon Boat Regatta
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Kita ang patay-sinding reverse flight ng MPD na yan sa Makati City.
00:05Siyam na pong araw sinuspindi ng Department of Transportation ang lisensya ng driver na yan
00:10dahil sa posibleng paglabag sa Land Transportation and Traffic Code.
00:15Bawag din po sa ilalim ng Presidential Decree 96 ang paglalagay ng mga flashing device
00:20kulad ng blinker sa mga sasakyan.
00:22Pinadalhan na rin ng show cost order ang nakarehistro may-ari ng sasakyang na huli ka.
00:28Pinapupunta po siya sa tanggapan ng Land Transportation Office sa biyernes para magpaliwanag.
00:33Kailangan din daw niyang dalhin ang sasakyan para ma-inspeksyon.
00:40Arestado ang dalawang nireklamo ng pangingikil sa isang Koreyano at kanyang pamilya sa Quezon City.
00:46Ang modus ng mga sospek magpanggap na kaya nilang mag-ayos ng working visa at iba pang dokumento ng mga biktima.
00:55Balitang hatib ni James Agustin.
00:58Sa loob ng Kamkaringal inaresto ng pulisya ang isang babae at isang lalaki na inireklamo ng pangingikil sa isang Koreyano at kanyang pamilya.
01:07Ayon sa Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD,
01:10mapapasunang working visa ng Koreyano kaya niya kinuang serbisyon ng dalawa na nakilala sa social media.
01:16By June 2025, nakontak nila itong sospek natin.
01:23Nagkaroon sila ng deal, transaction, etc.
01:26And nag-release sila ng paunang bayad na $168,800 doon sa ating sospek.
01:33Plus yung passport and additional documents para doon sa processing
01:36noong kanilang working visa and alien certificate of registration.
01:44Halos tatlong buwan daw ang lumipas, pero wala pa rin silang natatanggap ng mga dokumento.
01:49Nang i-verify sa Bureau of Immigration, doon na-discovery na walang application na isinumiti.
01:54Nagsumbong na sa pulisya ang biktima matapos magpadagdag ng bayad ng mga sospek
01:58kaya na ikasang entrapment operation.
02:01Itong ating Korean national na complainant, gusto niya nang bawiin yung pera
02:06tapos yung kanilang passport.
02:09Pero itong ating mga sospek is ayaw nang i-release.
02:13And sinabihan sila na magbigay na lang kayo ng additional $70,000
02:17para mag-push through na itong ating processing ng inyong working visa.
02:21Na bawiin mula sa mga sospek ang mga dokumento ng biktima
02:24gaya ng passport at alien certificate of registration.
02:28Sa embisikasyon ng pulisya, may iba pang posibleng na biktima
02:30ang mga sospek sa parehong modus
02:31na hinii kahit pa nila magsampan ng reklamo.
02:34Yung sa lalaki is, ang pakilala niya is a nephew
02:38of a high-ranking police officials.
02:41Sa lahat ng mga conversation na nakita namin doon sa kanyang cellphone,
02:45laging yun ang pambungad niya.
02:46May contact daw sila allegedly doon from the inside ng Bureau of Immigration.
02:51Tumanggi magbigay ng pahayag ang mga sospek
02:53na sinampanan ng reklamong rabere extortion
02:55at usurpation of authority.
02:57James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:01Beep, beep, beep!
03:07Sa mga motorista, humabol na sa pagpapakarga dahil may oil price hike muli bukas.
03:14Ayon sa ilang oil companies, may 80 centavos na dagdag sa kada litro ng diesel.
03:1920 centavos naman ang itataas ng gasolina.
03:22May dagdag din po na 20 centavos sa kada litro ng kerosene
03:25ang Shell, Caltex at Sea Oil.
03:27Dahil sa oil price hike bukas,
03:30tinatayang magiging halos 50 pesos hanggang mahigit 66 pesos
03:34ang kada litro ng diesel sa mga gasolinahan sa Metro Manila.
03:38Mahigit 50 pesos hanggang halos 71 pesos naman ang gasolina,
03:43habang mahigit 73 pesos hanggang halos 90 pesos ang kerosene.
03:47Happy Monday mga mare at pare!
03:55Isa si Kapuso star Rochelle Pangilinan sa mga mapapanood ngayon
04:00sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2025.
04:06Kabilang si Rochelle sa cast ng pelikulang Child No. 82.
04:10Ayon kay Rochelle, espesyal sa kanya ang kanyang role roon bilang isang nanay.
04:14Sik-sik din daw sa aksyon, comedy at drama ang kanilang pelikula
04:19na dapat panuorin ng viewers.
04:21Marami din daw natutuhan si Rochelle sa paggawa niya ng pelikula.
04:25Full support naman sa premiere night ng film
04:27si Kapuso stars Sanya Lopez at Andrea Torres.
04:34Huli kam sa Dasmarinas, Cavite.
04:37Hinintay ng mga motoristang yan ang green lights sa Salitran intersection.
04:41Kabilang po dyan ang isang pampasaherong jeep na papasok sana sa main road.
04:47Maya-maya, biglang sumulpot ang isang pampasaherong jeep at sinalpok ito.
04:52Naararo pa ang jeep ng ilang metro.
04:55Walo ang nasaktan sa aksidente na binigyan po ng pangunang lunas ng City Rescue Group.
05:01Hawak na raw ng Traffic Investigation Office ang kopya ng CCTV video para sa investigasyon.
05:06Nanawagan ang UP National College of Public Administration and Governance
05:18na mas lawakan pa ang investigasyon sa maanumalya umanong flood control projects.
05:24Bukod daw kasi sa ghost projects, mayroon din daw shadow flood control budget.
05:30Balitang hatir ni Darlene Kai.
05:31Sa gitna ng pagsisiyasa at sa mga maanumalyang flood control projects,
05:39tila may hindi raw tayo napapansin.
05:42Sa pag-aaral kasi ng UP National College of Public Administration and Governance,
05:46o UP NCPAG, tip of the iceberg pa lang daw,
05:48o kakarampot na bahagi pa lang ito ng mas malalim na issue sa korupsyon.
05:52Bukod daw sa mga pondong nakalaan para sa flood management program ng DPWH,
05:57may 115.26 billion pesos na flood control budget na tinawag nilang shadow flood control budget.
06:05Tinamit lang namin yung term na shadow kasi nakikita lang yung flood management program.
06:12Sa budget kasi ng DPWH, meron silang flood management program.
06:16At doon lang nakafocus, yun yung 250 billion.
06:18Pero meron din silang yung tinatawag na convergence and special support program.
06:24At nandun, sa loob nun, may mga iba-ibang programa.
06:28Ang sabi ng UP NCPAG, tuloy-tuloy ang paglaki ng shadow flood control budget mula 2022 hanggang 2025.
06:36Karamihan daw sa pondong yan nakalaan para sa pagpapagawa o maintenance sa mga dike,
06:40revetment, riverbank protection, drainage system at iba pa.
06:44Ipinapakita raw nito ang malaking bahagi ng flood control spending
06:47ay nangyayari sa labas ng pangunahing programa para rito.
06:51Dagdag ng UP NCPAG, pwedeng maituring na flood control projects ang mga kalsada.
06:56Malinaw raw na nakasaad sa General Appropriations Act o GAA
07:00na ang lahat ng road infrastructure projects ay dapat mayroong sapat na drainage system
07:05at isinasaalang-alang ang mga pagulangdulot ng climate change.
07:09Kaya sa loob ng maraming dekada,
07:11ipinatutupad daw ng DPWH ang pinakamalalaking flood control project sa bansa
07:17sa pamamagitan ng mga proyekto sa kalsada.
07:19Ngayong 2025, P541.98 billion pesos ang budget para sa road programs.
07:26Practically, yung road construction is the single biggest investment natin for flood reduction.
07:35But it is not really reported as such.
07:38Kasi nakafocus lang doon sa mga dikes and dams.
07:41When in fact, sa batas, nakalagay ng mga kalsada ay para talaga din mabawasan ang pagbaha.
07:46Dapat din daw tignan ang mga tulay na iniutos sa GAA
07:49na dapat ay kakayanin ang epekto ng lindol at ibang kalamidad.
07:53Tuloy-tuloy rin daw ang paglobo niyan mula P20 billion pesos noong 2011
07:57hanggang P248.8 billion pesos ngayong 2025.
08:01Yung mga probinsya na may mga pinakamaraming number of projects na flood control,
08:11sila din yung mga probinsya na may pinakamalaking damage from the different disasters.
08:21Kung talagang ang pagbuo ng mga projects na yun is to reduce,
08:25dapat mababawasan rin yung impact.
08:27Pero sa data na nakita namin, walang ganong epekto.
08:32Halimbawa, ang albay na nagbuhos ng mahigit 16.2 billion pesos para sa 273 flood control projects mula 2018
08:41nagtala ng pinakamalaking pinsala sa improstruktura sa bansa
08:46na nakakahalaga ng 7.3 billion pesos sa loob ng 6 na taon.
08:51Panawagan ng UPNC PAG,
08:53lawakan ng Independent Commission for Infrastructure ang kanilang investigasyon.
08:56Dapat din daw siguruhin ang pagpapatupad ng mga pangmatagalang reporma
09:01para mapigilan ng korupsyon sa mga programang may kinalaman sa improstruktura.
09:06Opesyal na raw ipinadala ng UPNC PAG ang findings sa kanilang pag-aaral sa DPWH.
09:10Plano rin daw nilang magsumite sa ICI.
09:13Sa isang mensahe, sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na hindi niya pa nakikita ang item sa 2025 budget.
09:20Pero, ire-recommenda raw niya sa ICI na siyasatin ito.
09:23Isasama rin daw niya ito sa sarili nilang investigasyon sa ahensya.
09:28Patuloy na hinihingi ng GMA Integrated News ang panig ng ICI.
09:32Darlene Kai, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:46Nakatutok po ang ilang ahensya ng gobyerno sa pagsasaayos ng mga heritage site
09:51na napinsala ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu.
09:55At live mula sa Medellin, Cebu, may ulot on the spot si Nico Sereno ng GMA Regional TV.
10:02Nico?
10:05Connie, nagsagawa ng initial inspection sa mga nasirang simbahan ng ilang concerned agencies.
10:11Kahapon, naging emosyonal ang ilang diboto sa pagdalo sa unang Sunday Mass matapos yumanig ang magnitude 6.9 na lindol
10:21sa Archdiocese Sun Shrine of Santa Rosa de Lima sa Daan Bantayan.
10:25Matindi ang tinamong danios ng simbahan kaya sa ground isinigawa ang misa sa ilalim ng mga ten.
10:30Sa kanyang homily, binigyang din ang parish priest ang mahigpit na pananampalataya sa gitna ng mga hamon sa buhay.
10:38Kahapon din, nagsagawa ng inspection sa nasirang simbahan.
10:41Kabilang itong experts na affiliated sa International Council for Monuments and Sites.
10:47Nagsagawa rin ng rapid assessment ang mga taga National Historical Commission of the Philippines o NHCP sa simbahan.
10:54Parte ito ng pag-assess nila sa damage sa nangyaring lindol.
10:58Makikipag-usap pa ang pamahalaan sa Archdiocese of Cebu hinggil sa posibleng restoration ng simbahan.
11:28Investigate exactly what's going on structurally.
11:30As of now, we just want to know kung ano yung extent of damage.
11:35And yung purpose nito is makagawa din ng development plan or yung reconstruction plan.
11:42And how do we reconstruct this?
11:46So yun yung pag-uusapan and pagpaplanuhan.
11:48Connie, inihahalin tulad ng mga opisyalis ang nangyaring sa ngayon sa mga plano rin noon noong 2013 earthquake na sumira rin sa ilang mga heritage churches sa lalawigan ng Buhol.
12:05Pero anila, mahaba-haba pa ang proseso at nangailangan ito ng kooperasyon ng lahat ng sektor.
12:11Connie?
12:11Maraming salamat, Nico Sereno ng GMA Regional TV.
12:16Matatala nangingibabaw ang bayanihan at kabutihan ng ilang Pilipino.
12:22Kasunod pa rin po yan ng magnitude 6.9 na lindol sa northern Cebu.
12:26Kwento ni U-scooper Genevieve Abelgas, Caminero.
12:30May isang lalaking nag-abot ng 19 pesos sa kanilang donation drive sa Cebu City.
12:35Tinanong pa rin ng lalaki kung may fundraising pa sila ngayong araw dahil gusto rin niyang bumalik para mag-donate ng mga damit.
12:43Naantig si Genevieve at mga kapwa niya volunteer sa kabutihan ng lalaki.
12:49Ang isang sari-sari store owner naman ipinamigay ang mga panindan niya sa mga kapitbahay sa Bugos City na epicenter ng lindol.
12:58Pare-parehas na nawasak ang kanilang mga bahay sa barangay Pulambato.
13:02Sabi po ng may-ari ng tindahan, mas mahalaga raw na nakaligtas sila at may makakain silang magkakapitbahay.
13:13Update naman tayo sa mga naitalang aftershocks at mga lumitaw na sinkhole halos isang linggo matapos po ang magnitude 6.9 na lindol sa Cebu.
13:22Kausapin po natin si VBOX Director Dr. Teresito Makulkol.
13:26Magandang umaga at welcome po sa Balitang Halisir.
13:29Magandang umaga rin po sa inyo ma'am.
13:30Ilang aftershocks na ho ba as we speak ang naitala matapos po itong magnitude 6.9 na lindol?
13:37So as of 10 a.m. kanina, nakapagtala na po tayo ng 7,092 aftershocks following the magnitude 6.9 earthquake last September 30.
13:47So out of this 7,092, around 31 were felt events and ang pinakamataas na magnitude is magnitude 5.1.
13:57So normal po na maraming aftershocks after a major quake pero over time humihina at kumukunti po ang number habang bumabalik sa normal ang stress sa fault.
14:09Bago ho ba itong sinasabing bugo na nakita ho nating fault line?
14:17At ano ho ang nangyayari ba?
14:19Pa-explain lang po sa atin kapag nagkakanoon ho ng panibagong fault sa isang komunidad na?
14:25O ano ho ba ito madalas na nangyayari?
14:27Okay, so may na, yung team natin ay na-identify yung fault that produced na mag-6.9 event.
14:37Ito yung Bogo fault.
14:38So as of now, nakapagmapa na po sila ng around 6 kilometers.
14:42But a big part of this fault ay nasa dagat.
14:45Kaya tinatawag natin yung Bogo Bay fault kasi ang epicenter ay nasa dagat din.
14:49So most of Cebu is made up of limestone so mahirap ma-identify yung fault na ito kasi yung limestone kasi in limestone areas, yung limestone would dissolve and would erode easily.
15:09So nag-create ito ng sinkholes, caves, and cracks that can hide or erase the fault markers or the fault traces.
15:16So again, but with the Bogo 6.9 event, nagpakita ulit sa atin yung Bogo Bay fault.
15:26Wala ang activity ito for the last, since 1600s.
15:31Okay.
15:32And it means that wala activity for the last 400 years.
15:35Okay, pero just to be clear, meron na rin ho kayong nakita sa inyong mapa ng Bogo fault, pero hindi lang siya evident until now.
15:43Well, may mga linear features tayong nakikita, but then again, kapag sa limestone areas kasi, this can be mistaken as limestone features.
15:54Meron pa ho ba tayong mga iba pang sinisiyasat sa ngayon?
15:58Sa iba pahong area, sabi nun yun na madalas po sa limestone is very dangerous po ito dahil sabi nyo nga, kumbaga, hindi ganun katibay.
16:08Yes po, again, marami pong areas tayo na may maraming limestone.
16:14Ito rin yung nangyari sa Bohol.
16:18Bohol is made up of limestone and basically during the Magdi 7.2 event, nagkaroon po ng strong shaking and naglabasan yung mga sinkholes natin.
16:26Yung mga sinkholes ang dyan na yan, partly covered lang siya ng sediment and as a result of the strong shaking, nagbagsakan yung soil cover.
16:34So, ang rekomendasyon po ninyo ay hindi na pabalikin. Yung ilan po sa mga residente dyan, at pwede ho ba malaman yung update kung ano na ho ang napag-usapan po ninyo?
16:45Well, along that race, ang rekomendasyon po natin after natin na-identify yung Bogo Bay Fault ay dapat walang structure on top of the fault.
16:57Yung dyan naman sinasabi natin for other faults in the country, dapat may buffer zone tayo on both sides of the fault, which is 5 meters.
17:05Now, yung mga tao naman na nag-evacuate, for example, depende po yan sa assessment ng LGU.
17:14So, dapat siguraduhin nila, bago sila bumalik sa kanilang mga patahanan, na patatag at ligtas ang kanilang mga bahay, lalo na kung may bitak o gumagalaw ang, lalo na kung may bitak.
17:28So, they really have to consult their municipal or city engineers and seek for their advice.
17:33Kasi para sa amin, structurally comprised buildings should not be reoccupied unless certified safe by structural engineers.
17:41Sir, gayon po nga, syempre may mga developments na bago.
17:45Meron na rin po ba tayong mga direktiba mula po sa inyong tanggapan?
17:49Para sabihin na natin, mas maging maayos po yung urban planning kung sakasakali,
17:53doon sa hindi pa ganun ka-develop na mga areas na meron po tayo ngayon at maabisuhan kung talaga hong ito'y ligtas o hindi.
18:00Yes, tama kayo. Again, magandang kami po.
18:04Yung discovery ng BOGO fault is very important since it's clear now what is the source of the event that produced the magnitude 76.10 event.
18:14Hindi na ito un-on-fold.
18:17And itong pag-identify din natin ng BOGO fault can also make planning more accurate
18:22as soon as we'll be able to update our active faults map
18:25and mabigyan ng advice ang mga LGUs kung saan nandoon ang fault
18:30at paano itong maiwasan kapag nagpapatayo ng bahay, paaralan, and other critical infrastructures.
18:36Okay. Sabi po ni DOSC Secretary Renato Solidum kung sa West Valley fault po nangyari,
18:41yung kasing lakas na lindol, libo-libo po ang posibling nasawi.
18:45Bakit po kaya niya ito nasabi? Ano po ba ang nakikita ninyong koneksyon?
18:49Okay. Kasi based on the MMR study kasi that was conducted in 2004,
18:55in the event of magnitude 7.2 earthquake, around 33,000 ang maging casualty.
19:03Now, kapag 6.5 naman, ang mangyari sa West Valley fault, it would be around 23,000.
19:11Yung magnitude dito is 6.9. So it should be probably between 23,000 to around 33,000
19:19ang maging casualty because this is magnitude 6.9.
19:22Okay. So kailangan pa rin po siyempre natin na patuloy na magkaroon ng mga duck cover and hold
19:28and other exercises pa rin po, sir.
19:30Yan po ang ating antabayanan pa rin para mapatuloy po natin.
19:34Maraming maraming salamat po sa inyo pong binigay sa aming ora sa Balitang Hallie, sir.
19:39Maraming salamat rin po.
19:40Yan po naman si FIVOX Director Dr. Teresito Bakulcol.
19:48Matinding teamwork at koordinasyon ang ipinakita ng iba't ibang Dragon Boat Team
19:52sa 2025 PDBF Philippine Dragon Boat Regatta sa Manila Bay.
19:59Third leg na yan ang kompetisyon na pinaglaban-labanan po ng 26 na team.
20:04Ayon sa Philippine Dragon Boat Federation, ito ang magiging basihan ng national rankings
20:09at pagpipilian kung sino ang magiging pambato ng bansa sa World Championships.
20:14Ayon sa ilang atleta, bukod sa pagiging sport,
20:17efektibong ehelsisyo ito para mapabuti ang kalusugan.
20:21Ano man dawang edad o kasariyan, pwede sa Dragon Boat Racing
20:25basta't handang sumailalim sa training.