Skip to playerSkip to main content
24 Oras: (Part 2) Day 43 ng Impeachment Trial; Suntukan sa Ortigas; 12°C sa Benguet; Kinuyog na minor, nanaksak, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nauwi sa suntukan ang alitan ng dalawang motorista na kapwa palabas ng isang mall sa Ortigas.
00:07Nagkaayos din naman sila kalaunan, pero wala silang takas sa parusa ng Land Transportation Office.
00:14Nakatutok si Marisol Abduraman.
00:21Agaw-exena kahapon sa labas ng isang mall sa Ortigas ang dalawang lalaking ito na nagpapambuno.
00:27Kahit pumapagitna ng mga gwardya, ayaw pa rin paawat ng dalawa.
00:31Dinala sila kalaunan sa himpilan ng polis siya.
00:34Ayon sa Quezon City Police, nagsimula raw ang alitan ng palabas na ng mall ang kotse, pero humarang sa kanyang
00:41daanan ang rider.
00:42Parahas silang palabas, pa-exit, nauna yung kotse at kasunod po itong motor at gumusina nga po itong motor kaya
00:51parang nairita po itong driver ng kotse.
00:54Nag-asagot na daw ang dalawa hanggang nauwi sa suntukan at nagpambuno.
00:59Pero tila na hemasmasan daw ang mga ito, nang dalhin na sa police station.
01:03Hindi na po nag-file ng cases or complaint against each other yung dalawang driver dahil nagkaayos na rin po
01:11sila.
01:12Pero kahit nagkaayos na, hindi pa rin sila nakalusot sa Land Transportation Office.
01:17Nagkaayos man, meron pa rin daw silang pananagutan ayon sa LTO.
01:21Hindi nila dapat ginagawa yun.
01:24Kung pinoprovo ka, huwag ka nalang bumaba ng sasakyan.
01:27O umiwas ka, kung hindi mo maiwasan, pumunta ka sa police station o kung saan mang traffic enforcer,
01:33ireklamo mo, pero huwag kayong makikipag-away.
01:36Kasi kung makikipag-away sila, talagang irevoke yung license nila.
01:40Bakit? Kasi improper person to operate a vehicle po yan.
01:43Hindi nila makontrol yung sarili nila eh.
01:45Ayon si LTO, nagkaalarman na ang mga sasakyan at mga lisensya na nagsuntukang mga driver.
01:51Pag nakaalarman po ang sasakyan, hindi nyo pwedeng ibenta, hindi nyo pwedeng isanla, at pwede nyo ma-impound na po
01:59yan.
02:0090 days automatic ho suspendido yung kanilang driver's license.
02:04Pending ho sa investigation o yung release ng resolution nung kaso, hindi pa ho yun yung mismong parusa.
02:11Marisol Abduraman, nakatutok 24 oras.
02:16Wala pa sa sukdulan ang epekto ng super elminyo sa bansa,
02:20pero umabot na sa halos 10 bilyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura.
02:26Kabilang sa mga pinakanapuruhan ang produksyon ng palay at mais.
02:32At nakatutok si Bernadette Reyes.
02:37Nagkabitak-bitak na mga lupa sa Haru at Mina Iloilo.
02:41Tuyot na rin ang mga tanim na palay dahil sa epekto ng super elminyo.
02:45Sa probinsya pala ang P290 million pesos na ang pinsala sa agrikultura.
02:51At sa buong bansa, aabot yan ang halos 10 bilyong piso.
02:55Mahigit tatlot kalahating bilyong piso dyan, pinsala pa lang sa palay.
02:59Katunayan, mahigit 600,000 metric tons na mas mababa ang produksyon ng palay nitong third quarter
03:05kumpara sa parehong panahon noong 2025.
03:08Pero simula pa lang yan ang kalbaryo.
03:11Yung epekto sa palay, ang projection by the end of 2026,
03:17pwede kumabot up to 1 million metric tons.
03:20Iba pa yung posibleng maging damage ng El Niño outside of 2026.
03:25Ramdam na ng mga rice traders at millers ang epekto niyan.
03:29Sa warehouse na ito dito sa Bulacan, noong nakaraang taon po, dati ay puno raw ito ng mga bigas at
03:35palay.
03:36Pero dahil raw po sa epekto ng El Niño, ay naramdaman nila ang pagbaba ng supply mula sa kanilang mga
03:41traders.
03:42At hindi lamang supply, pati raw po presyo ay apektado na rin.
03:46Dapat peak season ang harvest ng palay.
03:49Ngayon, almost mga nasa 70 to 60 percent, ganoon na lang yung dami.
03:56Minsan naguunahan pa kami sa dating ng palay.
03:58Medyo mataas po ngayon compared sa mga last year, yung mga presyo.
04:04Pero pinakamalaki ang pinsala sa mais na abot mahigit limat kalahating milyong piso
04:09o kalahati ng kabuang pinsala sa agrikultura.
04:13Mais pa naman ang pangunahing pakain sa baboy at patuka sa manok.
04:17Kaya ibinaba ang taripa sa imported na mais.
04:20So kung mas mababa ang taripa, ibig sabihin, mas magiging mura yung mais.
04:25Alam naman natin, for pork, for poultry layers, malaking bahagi niyan, up to 70 percent ng feed formulation na mais.
04:35Sa labing walong bilyong pisong inilaan ng pamahalaan para ibsan ang epekto ng Very Strong El Niño,
04:41pinakamalaki o halos labing isang bilyong piso para sa pansuporta sa produksyon tulad ng binhi, fertilizers at mga makinarya.
04:49Ang iba para sa insurance, pautang, irigasyon at cloud seeding para umulan.
04:56For those areas na talagang extremely affected by El Niño at limited yung source ng tubig,
05:03we're coordinating again with DSWD.
05:06And on the side of DA, alternative livelihoods.
05:10Livestock instead na magtanim or magtanim ng legumes, yung nakangailangan ng less tubig.
05:17Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.
05:26Mga kapuso,
05:27randam niyo na ba ang bagyang paglamig ng simoy ng hangin sa gabi o sa madaling araw?
05:32Dahil pa rin yan sa amihang umiihip sa malaking bahagi ng Luzon.
05:37Sa katunayan, bumagsak na sa 12 degrees Celsius,
05:40ang pinakamababang temperatura sa Lachonidad Benguet kaninang umaga.
05:44Mas malamig yan kumpara kahapon na nasa 20 degrees Celsius.
05:48Bukod po sa amihang, patuloy rin ang pag-iral ng Easterlies,
05:52pero kabaligtaran ng amihang na tuyo at malamig na hangin.
05:56Dala naman ito ang mainit at malinsang ang parakon sa natitirang bahagi ng bansa.
06:00Ang amihang at Easterlies, parayong pwedeng magdala ng pagulan.
06:04Basa sa datos ng Metro Weather,
06:06sa umaga, may tsyansa ng ulan sa Mindoro Provinces, Palawan, Antiquet, Caraga.
06:09Sa kapon, may mga pag-ulan na rin sa ilang bahagi pa ng Mimaropa, Bicol Region,
06:15Samar at Naita Provinces, Zamboanga, Peninsula, Soxargen at Dabao Region.
06:19Maging handa pa rin ang Metro Manila sakaling magkaroon ulit ng mga biglaang pag-ulan.
06:30Sa impeachment trial, habang kay Vice President Sara Duterte,
06:35iginiit ng prosekusyon ang nakasaad sa saligang batas
06:39na dapat mamuhay ng simple ang public officials gaya ng BSE.
06:45Kasunod yan ang malalaking credit card transactions ng second gentleman
06:49gaya ng 200,000 pisong ginastos niya para sa mga sapato sa mga kabataang kalahok
06:56sa isang basketball tournament.
06:58Pero ang punto na yan, pinalagan ng ilang Senator Judd.
07:03Nakatutog si Sandra Aguinaldo.
07:08Tinalakay sa paglilitis kanina ang pinuna ng prosekusyon ng malalaking credit card transactions
07:14ni Manases Carpio, ang asawa ni Vice President Sara Duterte,
07:18kabilang dito ang ibinayad na mahigit 200,000 pesos para sa isang hapunan sa Japan noong 2023.
07:27Hiniharap ng depensa ang isa sa kasama daw sa restaurant na si Attorney Anel Martin Antero.
07:33Kwento niya, labing isa raw sila noon kasama ang iba pa nilang kaibigan.
07:38Magkano po yung naging bail niyo sa nasabing restaurant?
07:41Sa pagkakaalala ko po, mahigit 200,000 pesos po.
07:45Paano niyo po alam kung magkano yung bail, sir?
07:49Natatandaan ko po quite vividly yung bail namin kasi sa toon lang na nagulat po ako kami in general
07:56dahil hindi po namin akalaing ganun po kamahal yung babayaran po namin.
08:00Sabi ni Antero, nagambaga naman umano sila pero credit card ni Carpio ang ginamit sa pagbabayad.
08:07Kampi po ang nagbayad. Nagambag-ambag po kami.
08:10It's just so happy na yung credit card po ni Attorney Manz yung nagamit po sa pagbayad.
08:15Meron po mga iba kaming mga kasama na wala na rin pong cash.
08:20So nag-agree na lang po kami na maggamit na lang ng credit card.
08:24At ang napagkasunduan, gamitin na lang po yung credit card ni Attorney Manz.
08:27Naalala ko po ang naging share ko po noon nasa apat na lapad.
08:32So that's 40,000 yen po.
08:34Yung tanong po, kung yung asawa ng Vice President ay kayang kumain 200,000 sa isang meal, sa isang kainan,
08:46sa isang upuan,
08:48yan po ba ay leading a modest life?
08:51Kindly wind up, Attorney Lendon, kindly wind up, Attorney Ligutan.
08:55You are, I refuse to use the word perorating but you're bordering on that.
09:02Iniharap din ang depensa ang negosyanteng si Chadrin Parian na kasama naman daw ni Carpio sa biyahe sa Kuala Lumpur,
09:10Malaysia,
09:10kung saan nagbayad si second gentleman ng 250,000 pesos sa isang tindahan ng rubber shoes.
09:18Sabi ni Parian, nasa Malaysia sila para sa sinaliang basketball tournament na kanilang mga anak.
09:24Habang namamasyal, nagkayayaan daw tumingi ng sapatos ang mga bata.
09:29Binilhan daw ni Carpio ng rubber shoes ang mga bata na ilan sa kanila ay wala o manokakayang bumili ng
09:36sariling sapatos.
09:37Binilhan din daw ni Carpio pati na rin ang mga kasamang magulang at guardian.
09:42Nakita ko po, binayaran na po.
09:44Sino po yung nagbayad?
09:46Si Atty. Carpio po.
09:47I was near the counter when it happened, when he made the purchase.
09:53At ano po yung ginawa niyo nung nakita niyo yun?
09:56Natuwa po ako kaya kinunan ko ng foto.
09:58Inungkat ang prosecution ang nakasaad sa saligang batas na dapat,
10:02ang mga public officials ay namumuhay ng modest o simple at hindi magarbo.
10:08Sa ating saligang batas mismo, nakalagay doon Section 1 ng Article 11 ng Constitution
10:14na public officers and public employees are supposed to live modest lives.
10:20Objection, Your Honor.
10:21Ilang senador ang tumayo at umalmasa, pinatutunguhan daw ng prosecution.
10:26Prosecution, I'm warning you.
10:29I will not hide my disdain.
10:31I will not. I cannot.
10:34Kung ang isang public official ay yung sport ng anak niya,
10:37kailangan nang ibilin niyang sapato sa anak niya ay yung walang brand.
10:40Kasi otherwise, siya na itinuturing na living beyond their means and in an ostentatious manner.
10:47You seem to want to give the impression that as a law-abiding citizen,
10:52that I should not put my kids in sports because mapupuna ako.
10:57You are shaking your head but that is exactly what you are making it appear.
11:01At nakakahiya pala pagka ipasok ko sa sports yung mga anak ko dahil yung sapatos nila ipapansinin.
11:08At pag nagmalasakit ako, as I have.
11:11Diyan po sa kamara,
11:17meron po ba dyan mga nakakotse na mga halagang 16 million to 22 million?
11:24Wala po akong personal nakilala.
11:26Wala po kayong personal.
11:27Diyan po sa mga kasama po ninyo, mambabatas.
11:29Diyan po sa katabi nyo, meron po ba dyan nakakotse ng Mercedes-Benz,
11:34wagon, kulay itim?
11:37Wala po akong alam na may Mercedes-Benz.
11:39Wala po kayong alam.
11:40Siguro po, dapat una natin tingnan yung mga kasama natin dahil may kasabihan nga po tayo.
11:45Tingnan muna natin yung mga kasama natin bago tayo kumahol.
11:49Huwag na po tayong maglokohan dito.
11:52Sana alamin na natin talaga kung sino talaga dito yung nabubuhay talaga ng
11:56may 16 million, may 22 million, may maraming bahay dito, dito po sa bayan natin.
12:02Sa pagpapatuloy ng pagdinig, nagbawas ang depensa ng testigo.
12:06Hindi na rin nila iniharap ang iba pang bank officials na pinasabpina nila.
12:11Kaya sa loob ng apat na araw, ubus na ang 24 witness na inilista at pinasabpina ng depensa.
12:18It only manifests how the defense is now panicking.
12:25They're trying to re-strategize again their initial, probably initial,
12:30attempt to attack the case of the prosecution.
12:33Just dispensing with their testimonies.
12:35Because kung sa tingin naman namin, we will just, you know, prolong the proceedings.
12:40So pwede namang i-stipulate na lang or i-authenticate na lang.
12:43Wala namang sir siyang pang implication on the strength or weakness of your...
12:47No, no, no, no, because these are all documentary lang naman.
12:49Sa akin, ayoko na rin sayangin unang-una yung oras ng korte, oras ng prosecutors,
12:55at lalong-lalo na yung oras ng witness.
12:57Sandra Aguinaldo na Katutok, 24 Horas.
13:00Hindi direct ang sumagot si House Prosecution Spokesperson Representative Zia Adyong.
13:07Nanghinga ng reaksyon tungkol sa pahaya ni Sen. Judge Robin Padilla.
13:11Kung mayroon daw bang mga mambabata sa kamara na hindi simple ang mamuhay.
13:17Ang sabi ni Adyong, hindi problema kung may kakayahan ng isang tao na gumastor.
13:23Pero kung may mga politiko raw na mayroon mga unexplained wealth,
13:28dapat din silang magpaliwanag.
13:32Kung may mga politisyan o halimbawa na may mga unexplained wealth,
13:37eh talagang kailangan din nila magpaliwanag.
13:41Che fin.

Recommended