00:00Malaking hamon ang pagpaparami sa mga endangered species tulad ng Palawan hornbill.
00:10Kaya malaking tagumpay na maituturing sa larangan ng bird conservation
00:13ang hindi lang isa, kundi dalawang unang captive breed ng isang grupo sa naturang uri ng ibon.
00:21Nakatutok si Jonathan Andal.
00:25Matapos ang mahigit isang taon at dalawang bigong tangka,
00:29tagumpay na nakapagpisa ng sisiw ang Palawan hornbill ng Catala Foundation Inc.
00:36At hindi lang isa, kundi dalawa, ang unang captive breed nila ng endangered Palawan hornbill.
00:42Over three months, nag-stay yung mother.
00:46Unique yung breeding ng Palawan hornbill, yung babae pumapasok.
00:51Tapos nag-seal siya ng kanyang nest box.
00:55Tapos isang maliit lang na slit ang iniiwan nila na enough for the male hornbill to bring them food.
01:04So very dependent talaga sila sa pagbigay ng pagkain ng lalaki doon sa loob ng nest box.
01:12Marami rin doon challenges bago naging matagumpay ang captive breeding.
01:16Yung artificial nest box design, kung ano yung desk na design para ma-occupy nila.
01:25So ibig sabihin, gusto namin isimulate yung nasa natural properties talaga.
01:33Yung nutrition din nila kasi nasa captivity.
01:36Ang dalawang sisiw umalis na rin sa kanilang artificial nest box noong July.
01:41Pero tuloy-tuloy pa rin ang pagbabantay ng Katala Foundation sa Species sa ilalim ng Philippine Cockatoo Conservation Program.
01:48Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok 24 oras.