00:00Patay matapos matraps sa sunog ang isang 16 taong gulang na nasa autism spectrum sa Valenzuela.
00:08Naiwan siya at mga nakababatang kapatid dahil kinailangang mamasada ng ama
00:12habang umalis sa kanilang tahanan ang ina noong bisperas ng bagong taon.
00:17Inaalam pa ng mga otoridad ang mitya ng sunog pero hindi inaalis ang posibilidad
00:22na may kinalaman ito sa lighter na ginagawa mo ng pampakalma ng biktima.
00:28Nakatutok si Oscar Oida Exclusive.
00:36Ganun na lang hinagbihis ng isang mag-asawa nang tumambad sa kanila ang bangkay ng kanilang 16-anyos na anak.
00:46Nasawi ang bata ng masunog ang kanilang inuupahang bahay sa barangay Malanday, Valenzuela City, pasado las 8 kaninang umaga.
00:54Ang biktima na isang person with autism ay naiwan sa bahay kasama ng mga natutulog na nakababatang kapatid nang mamasada ang kanilang ama.
01:04Sa inisyal na imbisigasyon ng Bureau of Fire Protection, lumalabas na sa kusina sa ikalong palapag ng kanilang bahay, nagsimula ang sunog.
01:24It's still under investigation. We cannot give official statement kung ano yung talagang naging cause.
01:31Pero nagsimula ito possible doon sa yung kalan na may open frame na kalan.
01:37So doon yung possible kasi yun yung nakita na seat of fire na pinakamalaking damage.
01:42Merong super kalananan doon.
01:44Labis naman ang pagsisisi ng ina ng biktima na umalis sa tahanan nitong bisperas ng bagong taon matapos makatampuhan ang asawa.
02:03Hindi naman napigilan ng iba pang pamilyang nadamay sa sunog na ilabas ang kanilang sama na loob sa ina ng bata.
02:10Walang sinisisi. Walang sinisisi. Walang sinisisi. Walang kaming kalayin naman sa kanil mo.
02:15Ikaw ba kung ina ka, kung may puso ka kahit maglayas ka, pwede mong kunin yung anak mo, pwede mong isama.
02:22Dagdag pa nila, lighter umano kasi ang iniaabot na pampakalma ng ina sa tuwing sinusumpong ang anak.
02:30Lagi niya po kasing binibili ng lighter yung anak niya, lighter na maliit. Lagi po niya sinisindihan yun.
02:36Nung naglayas po siya, yung naglayas po siya, sinabihan po namin yung dalawang anak niya na bantayan niyo yung kapatid niyo, baka maglaro ng lighter.
02:47Ayon sa BFP.
02:49Hindi natin pwedeng i-rule out right away na pacifier niya.
02:52Pero yun din, based sa aming pagtatanong sa mga eyewitnesses at saka dun sa naimbestigahan natin na eyewitness dito,
02:58medyo nagka-calm down nga daw po yung ating victim kapag nahahakita siya ng flame.
03:04Bukod sa pamilya ng biktima, may apat na ibang pamilya pa ang nadamay sa sunog.
03:10Very vulnerable sectors ang mga persons with disabilities.
03:13So, hindi natin dapat pababayaan na may iiwan sila sa bahay na unattended.
03:18Para sa GMA Integrated News, Oscar Oida, Nakatutok, 24 Oras.
03:24Sa Iloilo, na uwi sa magkasunod na aksidente,
03:29ang pagtulong lang ng dalawang lalaki sa babaeng nabangga ng motorsiklo.
03:35Nakatutok si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
03:38Kita ang kumpulan ng mga tao sa gitna ng kalsada sa baragay Botong Oton, Iloilo, nitong Samado,
03:47para tulungan ang babaeng nabangga ng motorsiklo.
03:51Maya-maya, biglang may dumating na taksing mabilis ang takmo
03:54at inararo ang dalawang lalaking groomesponde lang sa naunang aksidente.
03:59Sa investigasyon ng polisya, unang nabangga ng motorsiklo ang isang babae habang tumatawid sa kalsada.
04:06Tinulungan siya ng mga bystander pero dalawa sa mga sumaklolo ang nabangga ng taksi.
04:11Dahil sa pagkabangga, nagtamo ng mga sugat at gasga sa mukha, ulo at iba pang bahagi ng katawan ng tatlo.
04:17Maayos ang kanilang kalagayan sa ospital ayon sa polisya.
04:20Paliwanag ng 65-anyos na taksi driver sa polisya,
04:24hindi niya nakita na may mga tao sa kalsada dahil umuulan.
04:28Ito rin ang depensa ng rider na nakabangga sa babae.
04:31Ang hambal sa mga bystanders, prior sa pag-ano sa taksi sa Ila,
04:37may nag-assign ng may VA sa ahead sa Ila.
04:41Galing kahit iwala, ayaw, matalopang dan, kahit kumudamo, walang nang ulan.
04:44Inaresto ang nakabanggang driver at rider pero pinakawalaan kalaunan matapos magkaareglo ang magkabilang panig.
04:52Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News,
04:55Kim Salinas, nakatutok 24 oras.
04:59Pirmado na ni Pangulong Bongbong Marcos ang pambansang budget para sa taong 2026.
05:07Vinito o inalis ang ilang items sa ilalim ng unprogrammed appropriations
05:12na nagkakahalaga ng mahigit 92 billion pesos
05:15pero may mga umalma pa rin sa mga natira.
05:19Nakatutok si Ivan Mayrina.
05:20Hindi tayo napapayag na mapunta sa kurakot ang salaping pinaghirapan ng bawat Pilipino.
05:30Pakakuyan ni Pangulong Bongbong Marcos matapos pirmahan ng halos 6.8 trillion pesos
05:35sa pambansang budget para sa 2026.
05:38At dahil nabisong bahagi ng mga budget para sa mga nakalipas na taon,
05:42ay napunta sa mga maanumalyang proyektong pang infrastruktura.
05:45Mahipitan niyang sinuri ang budget ngayong taon.
05:48Paraan niya iwas kurakot.
05:50Vinito ng Pangulo ang 7 items sa ilalim ng unprogrammed appropriations
05:54na mahigit 92 billion pesos ang halaga.
05:57Kabila naman sa itinira, sa ilalim niyan,
05:59ang pondo para sa AFP modernization,
06:01pondo para sa obligasyon ng gobyero sa mga foreign assisted project,
06:05at pondo para sa risk management.
06:07We will not allow the unprogrammed appropriations
06:10to be misused or treated as a backdoor for discretionary spending.
06:16Its utilization is provided with safeguards
06:19and is only available when clearly defined triggers and tests are met
06:24and will be released only after careful validation.
06:27Kailangan natin ma-meet yung requirements or even triggers.
06:32One is when we have an excess revenue,
06:35that's the time that we can also unlock the unprogrammed appropriations.
06:39Approved kay Sen. Ping Lakson
06:41ang tatlong natira sa unprogrammed appropriations.
06:44Pero si ACT Teachers Partialist Representative Antonio Tinio
06:47naniniwalang posibleng pa rin ang katiwalian
06:50hanggat may natitirang unprogrammed appropriations.
06:53Tinawag naman niyang Shadow Pork
06:55ni ML Partialist Representative Laila de Lima.
06:59Ngayon pa lang,
07:00balak na yung questionin ni Calaocan 2nd District Representative Edgar Arise
07:03sa Korte Suprema.
07:04Ang aking position,
07:06all unprogrammed funds in any form are unconstitutional.
07:11We're already drafting the petition.
07:14Mahalaga din na matunduan na ito
07:17na ma-define na talaga ng Korte Suprema
07:19kung talaga bang ang ganitong uri ng pagbabudget
07:25na walang katapat na source of financing
07:27ay labag sa ating konstitusyon.
07:32Pero nanindigan sa Sen. President Tito Soto
07:34na isa ang 2026 budget
07:36sa pinakamalinis na budget na napirmahan.
07:39Tinawag naman itong People's Budget
07:41ni House Speaker Bo G.D.
07:43Pinaamalaking bahagi ng budget
07:44ay napunta sa sektor na edukasyon.
07:46Kabilang sa 1.345 trillion peso budget ito
07:50ang pag-hire ng mas maraming guru
07:52at non-teaching personnel
07:53at pagpapatayo ng halos 25,000 na classroom.
07:57Pinakamalaking health budget naman
07:58sa kasaysayan ng bansa
07:59ang 448 billion pesos para sa taong ito.
08:03Pasok na dyan
08:04ang 60 billion na pinapasauli
08:06ng Korte Suprema.
08:08297 billion pesos naman
08:09ang inilaan para sa agrikultura
08:11at kasama na dyan
08:12ang pondo para sa farm-to-market roads
08:15na dating nasa ilalim
08:16ng Department of Public Works and Highways.
08:19270 billion pesos naman ang pondo
08:21para sa social services
08:22kabilang ang para sa mga ayuda.
08:25Ang ilan sa mga yan
08:26tulad ng AICS,
08:27MYFIP at TUPAD
08:28na gagamit umano sa vote buying
08:30at pamumulitika
08:31ayon sa ilang mambabatas
08:33ng makabayan block.
08:35Pero sabi ng Ehekutibo
08:36naglagay naman ang probisyon
08:37na hindi pwedeng makialam
08:39o mamaggita ng mga politiko
08:40sa pamahagi ng mga ayuda.
08:42Politicians shall be barred
08:44from the distribution
08:45of any financial aid
08:47and we shall ensure
08:48that the support reaches
08:50the intended beneficiaries
08:51without patronage.
08:54Walang bawas, walang kulang.
08:56So susundan natin
08:58yung guidelines na yan
08:59under the
09:00General Appropriations Act of 2026.
09:03Wala yan dati.
09:04So ngayon, nandiyan yan.
09:05Malaking bagay ang paghigpit
09:07sa paggaso sa gobyerno
09:08sa pagbagal ng paglagunang ekonomiya
09:10noong nakaraang taon.
09:11Ibinaba na
09:12ng Department of Economy,
09:13Planning and Development
09:14o Dep-Dev
09:15ang mga growth targets
09:17ng bansa.
09:18Pero positibong
09:18makakabawi ang ekonomiya
09:20sa ikalawang bahagi
09:21ng 2026.
09:23Inaasahan ding
09:23maabot ang target
09:24ng single-digit poverty rate
09:26sa 2028.
09:28Kaisan ninyo ako
09:29sa pagnanais
09:30na masiguro
09:31ang bawat pisong buis
09:32ay mapupunta
09:33sa tamang proyekto
09:35at sa tunay
09:36na pangangailangan
09:37ng ating taong bayan.
09:39Magiging mas masino,
09:40mas maingat,
09:42mas responsable kami
09:44sa paggastos
09:45ng pondo ng bayan.
09:47Mahigit 5 trilyong piso
09:48ng halos 6.8 trilyon peso budget
09:50pupondohan ng buis
09:51at ibabang koleksyon
09:52o kita ng gobyerno.
09:541.6 trilyon peso
09:56sa manito
09:56ang kailangang utangin.
09:59Para sa GM Integrated News,
10:00Ivan Mayrina
10:01nakatutok,
10:0224 oras.
10:03Sinimula ng maniket
10:06ng Land Transportation Office
10:07sa mga e-bike
10:08at mga e-trike
10:09na nahuling dumaan
10:10sa ilang national roads
10:11sa Metro Manila.
10:12Ipatutupad na rin
10:13ang baan
10:13sa ibang pangulahing kalsada
10:14ano mang araw
10:16ngayong linggo.
10:16Pero,
10:17ngayon pa lamang,
10:18may mga apektado na raw
10:19ang biyake at kita.
10:21Nakatutok si Bernadette Reyes.
10:22Hindi tulad ng mga sinitalang
10:28noong biyernes
10:28sa ilang lugar,
10:29aktual nang tinikita
10:31ng 68 taong gulang
10:32na e-trike driver
10:33na bumiyahe sa service road
10:35ng Roas Boulevard kanina.
10:37Ngayong 2026,
10:39sinimula ng mahigpit
10:40na pagpapatupad
10:41sa pagbabawal
10:42ng mga e-trike
10:43at e-bike
10:43na bumiyahe
10:44sa ilang national roads
10:45sa Metro Manila.
10:47Dagdag na violation
10:48ang driver na ito
10:49dahil wala rin siyang
10:50driver's license.
10:51Tawag lang po
10:51ng pangangilangan niya na ma'am.
10:53Kagaya sa akin,
10:54may maintenance ako.
10:56Diyan na ako sa mga ikanto
10:57kasi kakain niya po
10:57sana ako doon sa
10:58dyan, kain niya sa mga tapat.
11:00Hindi rin malaman
11:01ng isa pang nahuling
11:02e-trike driver
11:03kung paano babayaran
11:04ang multa.
11:05Katwiran niya,
11:06nagatid lang siya
11:07sa main road
11:08dahil sa pakiusap
11:09ng pasahero.
11:10Nagpapatid po
11:11sa sakyan po.
11:13Kaya hinatid ko po
11:14doon wala masakyan po.
11:15May hirap na po
11:16yung lumakad po
11:16yung matanda.
11:18Kaya naglaaslog po
11:19kung nahihatid po po
11:20doon sa kanto.
11:21Pero alam niyo pong
11:22bawal na.
11:23Opo, bawal po.
11:24Pero para sa mga
11:25sumusunod tulad ni John,
11:27kapalit naman
11:27ang mas mahinang kita.
11:29Hindi na raw kasi sila
11:30makapaghatid
11:31sa mga pasaherong
11:32papunta sa Molo Airport
11:33dahil kailangan
11:34dumaan sa main road.
11:36Yung mga pasahero po namin
11:37na gusto magpapatid
11:38sa destination nila,
11:39hindi na namin mayatid
11:41kasi nga,
11:41pinagbawal na.
11:42Ayon sa Land Transportation
11:43Office,
11:44noong biyernes,
11:45mahigit sandaan
11:46ng mga e-trikes
11:47at e-bikes
11:47ang nahuling patuloy
11:49na dumadaan
11:50sa mga main road
11:50kahit na ipinagbabawal
11:52na ito.
11:531,000 pesos
11:54ang multa
11:54para sa obstruction
11:55of traffic
11:56at sa susunod
11:57i-impound na rin daw
11:59ang mga sasakyan.
12:00Turuan natin
12:01yung mga kababayan natin
12:02pumunta sa inner roads.
12:03Pero,
12:04kapag ganito pa rin,
12:05sabi ko nga,
12:06pahigpit tayo ng pahigpit
12:08hanggat ganyan pa rin,
12:10huwag natin antayin
12:10na dumating
12:11na mag-i-impound na kami
12:12at papunta ho kami doon.
12:14Bukod sa EDSA,
12:16C5 Road,
12:16Ross Boulevard
12:17at Quirino Highway
12:18mula Magallanes
12:19at South Luzon Expressway,
12:21ano mang araw
12:22ngayong linggo,
12:22ipagbabawal na rin
12:23ang e-trikes
12:24at e-bikes
12:25sa Commonwealth Avenue,
12:27Quezon Avenue
12:27at Marcos Highway.
12:29Malaking kawalan po, ma'am.
12:30Kasi po?
12:31Eh, mawawalan po kami
12:33ng trabaho eh.
12:33Malaking kawalan po namin.
12:35Mahawalan po kami
12:36na hanap buhay eh.
12:37Wala po ang unukuha namin
12:39na mag-awalan po namin.
12:41Problema rin ito
12:42para sa mga nakausap
12:44kong pasahero.
12:44Tulad ni Marivy Carlos,
12:46nahirap maglakad
12:47dahil sa iniindang sakit.
12:49Mahirapan kami.
12:50Kasi,
12:51lumabuin sa kayaan eh.
12:54Layo-layo pa eh.
12:56Ay, nihingal po ako eh.
12:58Hindi po akong makalakad
13:00ng mayos.
13:00Mahirapan po kami
13:01makaabang ng mabilisan
13:03ang sasakyan po.
13:03Sa ngayon,
13:04binabalangkas pa rin
13:05ng DOTR
13:06ang Joint Memorandum Circular
13:08kasama ang LTO,
13:09LTFRB,
13:10DPWH at DILG
13:12para sa mga panuntunan
13:14sa mga e-trikes at e-bikes.
13:16Yung guidelines,
13:17yung sa registration nila,
13:19yung pagla-license nila,
13:21para ma-iligal yung mga
13:23e-trikes at e-bikes na yan.
13:25At saka,
13:25mas malinaw kung saan pang
13:27mga areas silang pagbabawalan.
13:28Once na-regulate mo yan,
13:30may require din sila
13:31ng driver's license.
13:33Nauunawaan nila yung mga
13:34traffic rules and regulations
13:37kung saan sila hindi pwede
13:38at pwede.
13:40Para sa GMA Integrated News,
13:42Bernadette Reyes,
13:43nakatutok 24 oras.
13:46Sakto sa pagbabalik trabaho
13:48at eskwela ng marami
13:50ang pagbubukas muli
13:52sa bahagi ng EDSA
13:53na isinaayos
13:54nitong holiday break.
13:56Ayon sa MMDA,
13:58natapos na ang paglalatag
13:59ng asfalto,
14:01kaya balik normal na
14:02ng operasyon
14:02sa inner busway lane
14:04mula Rojas Boulevard
14:06hanggang Orense
14:07sa Makati City.
14:08Muling paalala
14:09ng Transportation Department,
14:11mga pampasaherong bus lang
14:13ang pwedeng dumaan
14:15sa EDSA busway lane.
14:17Samantala,
14:18tuloy naman ang araw-araw
14:19na pagsasayos
14:20sa iba pang bahagi
14:21ng EDSA.
14:22Pero hindi yan
14:2324 oras gagawin,
14:26kundi mula
14:26alas 10 ng gabi
14:27hanggang alas 4
14:29ng madaling araw.
14:36Happy Monday,
14:37chikahan ng mga kapuso!
14:38Girl Boss for Real
14:40si Ashley Ortega
14:41at Faye Lorenzo.
14:42May time pa rin kasi sila
14:44sa negosyo kahit busy
14:45sa kanikanilang kapuso series
14:46na apoy sa dugo
14:48at hating kapatid.
14:50Makichika kay Atene Imperial.
14:51In this economy,
14:56mahalagang may iba't-ibang
14:58sources of income
14:59para hindi malagay
15:00sa alanganin.
15:01Ang ilang kapuso celebrities,
15:03may business ventures din
15:04para paikutin
15:06ang kinikita.
15:07Tulad ni Ashley Ortega
15:08na may candle business.
15:10Sabi ni Ashley,
15:11magandang passion
15:12o hilig mo rin
15:13ang papasukin mong negosyo.
15:15Marami talaga akong
15:15mga candle collection.
15:17Mahilig talaga ako
15:18kasi yun talaga yung time
15:19na I get to relax
15:21inside the house,
15:22inside my room.
15:23Mahilig talaga ako
15:24sa mga beauty and wellness.
15:26Si ating kapatid
15:26cast member Faye Lorenzo
15:28may dalawang businesses na raw.
15:30Kabilang ang paupahan.
15:32Nung nasa showbiz na nga ako
15:34dahil nakita ko
15:35na kailangan laging beautiful,
15:37kailangan laging maganda.
15:38Sabi ko,
15:39aesthetic clinic
15:40ang itatayun ko.
15:42Sabi ng dalawa,
15:43malaking tulong
15:44na meron silang
15:45business partners.
15:46Transparent din daw sila
15:48sa kanilang schedule
15:49para alam
15:50ang expectations
15:50from their side.
15:52Aminado silang
15:53kailangan ng effort
15:54para pagsabayin
15:55ang showbiz
15:55at pagnenegosyo,
15:57lalot busy sila
15:58sa kanya-kanyang teleseries.
16:01Si Ashley,
16:02bibida sa
16:02apoy sa dugo.
16:04Parang araw sa drama
16:05serie
16:05ang kanyang kasalukuyang
16:06hairstyle.
16:07Si Elle Villanueva
16:09at si Derek Monestero.
16:10Kasama ko rin
16:11si Miss Pinky Amador
16:12at marami pang iba.
16:13Excited na talaga ako.
16:15Lagi lang palaga
16:16na de-delay.
16:17So nung kinakot na yung
16:18hair ko,
16:18nung nagpabangsa,
16:19I was really excited.
16:20Hindi ako kinabahal.
16:21Si Faye naman,
16:22busy pa rin
16:23sa hating kapatid.
16:24Ang kanyang character,
16:26magkaka-change of heart
16:27nga ba?
16:28Abangan nila
16:29kung ano yung
16:30magiging twist
16:31ng character
16:32ni Nika.
16:32Kung masasama ba siya
16:35o kakampi na siya
16:36sa mabuti.
16:38Athena Imperial
16:39updated sa
16:39Showbiz Happenings.