00:00Higit 140 billion pesos na housing loans ng Pag-ibig Fund noong nakarang taon na ating pag-uusapan
00:07kasama si Ginoong Jack Jacinto, Vice President ng Public and Member Relations Group ng Pag-ibig Fund.
00:13Sir Jack, magandang tanghali po.
00:16Magandang tanghali po si Queng, Director Nicolette and Sir Joshua.
00:22At magandang tanghali po sa lahat po ng nanonood at naikinig po sa atin.
00:26Sir, umabot po sa mahigit 140 billion pesos ang narilis na halaga ng housing loans ng pag-ibig.
00:33Gaano kalaki po ang kaibahan nito kung ikukumpara po natin sa mga nakalipas na taon at ilan po ba ang mga naging beneficaryo?
00:41Opo, tama po kayo ano.
00:43Itong nakaraang 2025, itong nakaraang taon, nakapag-release po tayo ng pag-ibig housing loans na umabot sa 140.54 billion pesos.
00:57At ito po ay mas mataas by 8%.
01:01Higit po ito sa ating na-release noong 2024.
01:06Noong nakapag-release naman tayo ng almost 130 billion pesos.
01:12So, magandang malita po ito dahil mas marami po tayo nga na-release na halaga.
01:19Mas lumaki po yung halaga ng housing loans na na-release po natin sa pag-ibig fund.
01:23At ang mahalaga po diyan ay yung pong mga miyembro po natin na nakinabang rito na umabot sa 90,727.
01:34Mahigit po sa 90,000 po na ating mga pag-ibig fund members ang nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng kasarili nilang bahay.
01:44Nabili po nila sa tulong ng ating napahiram sa ilalim ng ating pag-ibig housing loans.
01:50Maging yung mga miyembro po natin na nakapagpa-renovate at nakapag-contract ng kanilang mga bahay.
01:58Sir Jack, linawin lang po natin sa kabuuan halaga po ng 140 billion pesos.
02:02At nabanggit nyo nga po nasa 90,000 plus members na binipisyuan ito.
02:07Nasa ilang units po na pondohan ito?
02:09At mula sa anong housing loan programs po ito?
02:13Opo, ang napondohan po nitong kabuuan na housing units ay 90,727 housing units.
02:23At mula po rito sa 90,727 housing units, kasama po dyan ay 7,056 socialized housing units
02:33na pinakinabangan naman po ng mga low and moderate income members po natin.
02:41At ngayon din po ay maliban sa mayroon na silang sariling bahay.
02:47Yung pong kanilang binabayarang monthly payments ay napakababa
02:52sapagkat sila po naman yung nag-e-enjoy at nakatamasa ng subsidized 3% interest rate per annum sa kanilang pag-ibig housing loan.
03:05Sir Jack, ano naman po yung nakikita ninyong dahilan ng pagtaas ng housing loan availment ng pag-ibig?
03:11Ay una po sa lahat, kaya yung pong ating pagpapanatili ng affordability ng pag-ibig housing loan.
03:22Yun po talaga ang ating mandato at yun po ang aming tugon sa direktiba po ng ating Pangulong Marcos
03:29na gawing affordable at accessible yung pag-ibig housing loan program para magamit ng ating mga miyembro para makabili ng sarili nilang bahay.
03:42So yung pong affordability sapagkat nitong nakaraang taon ay in-implement din po natin yung pong special subsidized 3% interest rate per annum
03:56sa ilalim po ng pag-ibig housing loan para po sa expanded pambansang pabahay para sa Pilipino housing program.
04:05At in-implement din po natin yung pong mga special promo rates po natin for housing loans up to 1.8 million pesos.
04:14Ang promo rates po dyan ay pinababa pa sa 4.5% interest per annum at yung pong ating mga acquired assets na isinailalim pa natin
04:27at inalok pa natin sa ilalim po ng super sale.
04:30Sa kabuhuan po itong mga programang ito na naghahatid ng mura, accessible at dekalidad na pabahay
04:38at murang pautang para sa pabahay sa ating mga miyembro.
04:41Ang dahilan kung bakit po napanatili natin at napataas pa natin ang halaga ng naipahiram sa ilalim ng pag-ibig housing loan.
04:50Sir, ano pa po ang magandang epekto ng housing loan accomplishment po na ito?
04:55Hindi lamang sa pamahalaan kundi maging sa mga miyembro po ng pag-ibig.
05:00Ay, para sa amin po, napakahalaga po nito dahil sabi ko nga po,
05:04Sir Queng and Sir Joshua, ito po yung mandato po namin na pagka po mayroong miyembro na nag-apply
05:12o nagpahayag ng kanyang interest na mag-apply for a pag-ibig housing loan,
05:20ay batid po namin na ito po yung pangarap ng ating miyembro na magkaroon ng sariling bahay.
05:27Kaya po, ito po yung pagtupad sa aming mandato at kami po yung natutuwa,
05:36naging susi po kami sa katuparan ng pangarap ng ating mga miyembro na magkaroon ng sariling bahay.
05:41At maliban po riyan, asik po nga yun, Sir Joshua, yung pong housing industry,
05:52patuloy po natin pinapasigla po ito sa pamamagitan po sa pag-finance ng housing loans ng ating mga miyembro
06:00dahil ang pagpapatayo ng bahay ay nangangahulugan din po ng karagdadang trabaho para sa ating mga kababayan.
06:10So marami pong naikinabang rito, maliban po, of course, una na po yung beneficyo ng ating mga miyembro
06:17na magkaroon ng sariling bahay, ngunit on a larger scope, yung pong tulong po nito sa ekonomiya
06:23sapagkat marami pong na-degenerate na trabaho ang industriya po ng pabahay.
06:30Okay, Sir Jack, kumustahin din namin yung performance ng pag-ibig pagdating naman sa loan collections?
06:36Ay, tama po kayo. Tama po kayo, Sir Joshua, sapagkat mahalaga po na yung ating pinapahiram,
06:43pero po ito ng miyembro eh, so dapat po yung ating pinapahiram ay ating napokolekta
06:47at ipapahiram muli sa ibang mga miyembro na balak humiram sa ilalim ng pag-ibig housing loan
06:55at maging sa iba nating pag-ibig short-term loan program.
06:59Kaya, natutuwa rin po kaming ibalita na napatnatili po natin na mataas
07:04ang ating performing loans ratio.
07:08Katunayan po na sa around 93.5, 93.6% po ang ating performing loans ratio.
07:15O katupahulungan, ibig sabihin po niyan, ay tapat po.
07:21Karamihan po at higit sa nakararami po nating mga pag-ibig housing loan borrowers
07:26ay nagbabayad ng tama at sa oras ng kanilang monthly payment sa kanilang pag-ibig housing loans.
07:33Napakahalaga po nito para po maging sustainable at mapanatili po natin yung pag-ikot ng pondo
07:43para po sa ikabe-benepisyo pa ng iba pang mga miyembro.
07:47Sir, ano naman po yung advantages na pwede niyong i-share sa mga potential homebuyers
07:52at pag-ibig members na gusto mag-awail ng housing loan sa pag-ibig?
07:56Gano'n na po ba kadali yung pag-a-apply at pagpapa-approve ng kanilang loan?
08:01Ay, salamat.
08:01Alam po ninyo, isa po sa mga ginawa po natin last year, sa ilalim po ng pamumuno ng ating pag-ibig fund chairperson,
08:10ang secretary po ng Department of Human Settlement and Urban Development,
08:14secretary ko si Ramon Alili,
08:16ay sa ilalim po ng Expanded Pambansang Kabahay para sa Pilipino Program,
08:22ay mas pinadali po natin yung pag-ibig housing loan.
08:25Una po sa lahat, sa paghanap pa lamang po ng isang socialized housing unit, for example,
08:32ay makikita na po iyan ang ating mga miyembro online sa aming website.
08:37Ang tawag po natin diyan ay ang online, ang 4PH online sign-up facility,
08:43kung saan diyan po makikita yung mga available socialized housing units.
08:49Makikita po nila diyan kung nasaan yung property,
08:53kung gano'ng kalaki yung mga housing units at kung magkano ang monthly payments nito
08:58kapagka ito'y binili ninyo sa ilalim ng pag-ibig housing loan.
09:03At yan yung accessibility portion.
09:06At pagka naman sila ay tumuloy na at nagkaroon na at nabili na ang property
09:11sa tulong ng pag-ibig housing loan,
09:14makakaasa po sila na pananatilihin po natin mababa yung interest rates po natin.
09:19Ibig sabihin, para po mababa yung monthly payments
09:23at maging affordable yung kanilang monthly payments.
09:28Kasama po diyan yung longest payment term ng pag-ibig housing loan
09:34na up to 30 years kung gugustuhin po nila
09:37para lalong mas mababa yung kanilang monthly payments.
09:41Accessibility and affordability,
09:43yan po yung hinahatid po natin sa ilalim po ng ating mga programang pautang para sa pabahay.
09:50Sir, ano naman po yung dahilan sa pagpapanatili natin ng 3% subsidized housing loan rate
09:56sa kabila ng pag-aproba ng pamahalaan sa mas mataas na price ceiling
09:59sa ating mga socialized housing units?
10:04Opo.
10:04Ang mandato po ng pag-ibig fund.
10:07Dalawa po ang mandato namin.
10:09Una po ay bigyan ng pagkakataon ng ating mga miyembro
10:14ng makaipon para sa kanilang kinabukasan.
10:18At pangalawa nga po, itong magkaroon sila ng access
10:21sa murang pautang para sa pabahay.
10:25Yung sinasabi po natin ng 3% subsidized rate.
10:28Yan po ay talagang ating sinagawa para yung pagbili ng bahay ng isang miyembro
10:36ay abot kaya at realizable dahil affordable yung monthly payment ng isang miyembro
10:42sa pag-ibig housing loan.
10:45At napapanatili po natin ganyan kababa yung interest rate ng ating housing loan.
10:50Napapanatili po natin na affordable ang monthly payment
10:54sa pag-ibig housing loan ng ating mga miyembro
10:56sapagkat matatag po ang fiscal o financial standing ng pag-ibig fund.
11:02Ibig sabihin, kaya po natin magpahiram sa mababang interest
11:05dahil sa katatagan po ng pananalapit ng pag-ibig fund.
11:09At muli po, yan po ay bumabalik ating Kwenk, Sir Joshua.
11:12Bumabalik po yan sa patuloy na pagbabayad ng tama
11:19ng ating mga miyembro dahil tama, tulad po nang sinabi ko kanina,
11:23yung sustainability po, pagka po kami nagpahiram,
11:27dapat po ay ating yung makolekta.
11:29Pag nababayaran po ng ating mga miyembro ng tama
11:31yung kanilang mga loans, napapanatili po natin
11:35at napapaikot po natin yung pondo ng maayos
11:37at dahil po diyan, ay napapanatili po natin affordable
11:41at mababa yung interest rate ng ating pag-ibig housing loan.
11:45Director Rasek, mahalaga dito, napapakinabangan yung mga benepisyo.
11:50Mensahin nyo na lang po, Sir Jack, sa ating mga kababayan,
11:53sa mga miyembro, particular na o maging doon sa mga hindi pa miyembro
11:56ng pag-ibig na nakatutok sa atin ngayon.
11:58Maraming salamat po.
12:00Kami po ay natutuwa sa pag-ibig fund at nagpapasalamat.
12:04Nagpapasalamat po kami sa aming mga miyembro,
12:07sa aming mga stakeholders, sa ating mga partners,
12:10sa patuloy po ninyong pagtiwala sa pag-ibig fund,
12:13sapagkat patuloy po na lumalago ang inyong pondo.
12:17Patuloy na nyo na po riyan,
12:18yung pagpapahiram po natin ng record high
12:21na halaga ng housing loans para sa ating mga kapwa Pilipino
12:25upang magkaroon po sila
12:28at matupad yung pangarap nilang magkaroon ng sariling bahay.
12:33Marami pa po tayong benepisyong available sa ating mga miyembro
12:37at ang pag-ibig fund po ay laging handa na tumugon
12:41upang bigyan po at ihatid yung mga benepisyong
12:45kakapatan ng bawat manglagawang benepisyong.
12:49Alright, maraming salamat po sa inyong oras.
12:51Ginong Jack Jacinto,
12:52Vice President ng Public and Member Relations Group ng Pag-ibig Fund.