00:00Ang P50 mo noong March 2020 at March 2021 pwede nang bumili na mahigit isang litro ng gasolina.
00:08Pero noong March 2022, pumalo ang presyo ng gasolina sa P71 kada litro punsod ng tensyon sa pagitan ng Ukraine
00:16at Russia noon.
00:17Nagtaas-baba naman ang presyo ng gasolina mula 2023 hanggang 2024 habang nagpapatuloy ang gulo sa Middle East.
00:25Noong March 2025 naman, bumaba na ang presyo ng gasolina sa P60 kada litro.
00:32Pero ngayong March 2026, tuluyan nang lumobo ang presyo ng gasolina.
00:37Katunayan, ayon sa projection ng Department of Energy o DOE, posibleng itong pumalo sa lampas P80 kada litro.
00:46Ang itinuturong sanhi ang nangyayaring gulos sa Middle East.
00:50Matapos atakihin ng United States at Israel ang Iran, nagdesisyon ng Iran na isara ang Strait of Hormuz na isa
00:58sa mga pangunahing daanan para sa kalakalan ng langis.
01:01Dahil dito, isa sa lubhang apektado ang Pilipinas.
01:06Ayon kasi sa DOE, 98% ng imported crude oil ng bansa ay nanggagaling sa Middle East.
01:14Dahil sa Middle East conflict, tumaas ang presyo ng krudo sa world market.
01:19Ayon sa Reuters, nasa $92 o mahigit 5,000 piso ang Brent Crude Futures kada bariles.
01:27Sa pagtaas na ito sa international market, tataas din ang presyo ng petrolyo sa Pilipinas na ibinibenta ng mga oil
01:33company.
01:34Sa ilalim kasi ng Oil Deregulation Law, hindi kontrolado ng DOE ang presyo ng langis.
01:40Ibig sabihin, malaya ang mga kumpanya na magtakda ng presyo ng gasolina at diesel.
01:46Layunin kasi ng batas na ito na gawing competitive ang merkado.
01:50Sa ilalim ng Oil Deregulation Law, hindi na direkt ang nagtatakda ng presyo ang gobyerno.
01:55Sa halip, market-driven na ang presyo ng petrolyo, kaya mabilis itong tumataas o bumababa, depende sa pandaigdigang supply at
02:03demand.
02:04Bawat linggo, sinusuri ng mga oil company ang galaw ng presyo ng krudo at fuel products sa international market.
02:11Kinukwenta ang average trading price sa nakaraang linggo at isinasama rin ang palitan ng piso at dolyar.
02:17Kapag tumaas ang gastos sa pag-angkat ng langis, nagkakaroon ng price increase.
02:22Kapag bumaba naman, may rollback.
02:24Karaniwang tuwing Martes ipinapatupad ang bagong presyo ng gasolina, diesel at kerosene sa mga gasolinahan sa buong bansa.
02:33Gayunpaman, may responsibilidad pa rin ang DOE na bantayan ang galaw ng presyo sa merkado.
02:39Pero kung mag-stabilize man ang presyo ng krudo sa mga susunod na linggo,
02:43mananatiling apektado ang presyo ng gasolina sa bansa,
02:46dahil sa nananatiling mababang value ng piso laban sa dolyar.
02:50Ito ay dahil halos lahat ng langis na ginagamit ng bansa ay inaangkat at binabayaran sa US Dollars.
02:56Kaya kapag mas mahina ang piso, mas maraming piso ang kailangan para makabili ng parehong dami ng langis,
03:03na kalaunan ay naipapasa sa presyo ng gasolina at diesel sa mga gasolinahan.
03:08As of March 10 kasi, nasa halos 59 pesos ang halaga ng isang dolyar.
03:18Dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina, kaugnay ng kaguluhan sa Middle East,
03:23nanawagan na ang Piston Transport Group na ibasura na ang Oil Deregulation Law at ang Fuel Excise Tax.
03:30Ayon sa Piston, lalulugi na raw ang mga jeepney driver kung saan ang iba ay napipilitang tumigil na sa pagpasada
03:38o di kaya'y magbawas ng oras ng biyahe.
03:40Pero maliban sa mga driver at operator, aaray din sa pagtaas ng presyo ng petrolyo ang pinoy commuters kung hindi
03:48maagapan ng sistema.