Skip to playerSkip to main content


Na-Lunes-an na ang traffic sa North Luzon Expressway o NLEX dahil sa bahang nagsimula pa nitong Sabado.


Ilang oras nang stranded ang maraming sasakyan doon at may mga naglakad na.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nalunesa na ang traffic sa North Luzon Expresswayo, Enlex, dahil sa bahang nagsimula pa nitong Sabado.
00:07Ilang oras nang stranded, ang maraming sasakyan doon at may mga naglakad na.
00:13Mula po sa San Fernando, Pampanga, nakatutok live si June Benaresor.
00:17June!
00:21Vicky, hindi lang ubos gasolina at diesel, kundi mauubos din ang pasensya ng mga motoristang dadaan
00:29dito sa bahang bahagi ng North Luzon Expresswayo, Enlex.
00:33Ang mga motorista at pasahero, tinitiis ngayon ang napakahabang pila ng mga sasakyan
00:38na umabot pa sa 7 hanggang 10 kilometro.
00:46Sa drone video na ito, halos walang patid ang pila ng mga sasakyan na ipit sa matinding traffic
00:51sa northbound at southbound lane dahil sa bahasa ilang parte ng North Luzon Expresswayo, Enlex.
00:59Walang magawa kahit ang mga ambulansya.
01:01Paano na kaya kung may mga pasyenteng sakay na kailangang madala agad sa ospital?
01:08Halos walang pinag-iba ang tagpo hanggang hapon, pero ang mga nasa unahan,
01:13pinili ng mag-U-turn na binuksan ng otoridad.
01:16Hanggang alas 4 kasi kanina, tanging malalaking sasakyan lang ang nakatatawid sa baha.
01:23Kaya yung mga kailangang umihi, walang ibang mapuntahan kundi sa gilid-gilid.
01:28Pero mas mahirap ang sitwasyon kung babae ang inabot ng tawag ng kalikasan.
01:33Marami na rin ang napilitang maglakad para makarating sa pinakamalapit na gas station na merong palikuran.
01:40Sa tagal ng hintayan, marami ang nauhaw at nagutom.
01:44Mabuti na lang, biglang naglabasan ang mga nagtitinda.
01:47Sa Enlex sa San Fernando Toll Plaza, southbound entry, mga malalaking sasakyan lang ang pinapapasok.
01:53Kaya halos tumigil din ang traffic sa Jose Abad Santos Avenue sa San Fernando, papasok ng expressway.
02:00Bago mag-alas 6 ng gabi, ang buntot ng heavy traffic sa Enlex southbound, abot na sa San Fernando entry.
02:07Ang sobrang lalala na traffic ay epekto ng pag-apaw ng Pampanga River
02:11na nagpabaha sa bahagi ng San Cebon Interchange at ilalim ng Tulaok Bridge.
02:16Sabi ng pamunuan ng Enlex, sinisikap naman nilang maalis ang tubig.
02:20Ang ginapuha po namin dahil tumalas din po yung tubig,
02:22tinaasal po natin itong mga sunbagging po natin para tuloy-tuloy po yung pump out natin ng tubig.
02:27Tuloy-tuloy po yung pumping out po namin ng tubig.
02:30Gayunman, paliwanag ng mga otoridad kung bakit di maalis-alis ang tubig.
02:34Pumapanik e. Pati yung matataas na lugar nadadamay na.
02:37Kasi nagbabackflow yung tubig dahil hindi nga makalabas sa Manila bay.
02:41So talagang ang San Fernando, nagbabackflow yan dahil hindi na sila makababa.
02:46Dahil puno na yung makabebe masantol, yung mga nasa downstream natin.
02:51Talagang ang San Cebon, lubog lahat e.
02:53Barangay niyan.
02:54Alas ang gambewang din yung tubig.
02:56Tapos, yung tuloy na ginagawa na mababa na nadana ng Enlex,
03:01talagang lubog.
03:02Kahit anong gawing pump ng Enlex, talagang umiikot lang yung tubig.
03:07It's really the volume of water. So right now, napuntahan talaga ang tubig.
03:11Kahit maglagay pa tayo ng mga pumps dyan na pinipilit namin gawin nung nakaraang itong overnight,
03:18since kagabi hanggang ngayon, e kung wala din namang tupuntahan yung tubig,
03:22yung tubig babalik, ganit babalik.
03:25Banda tanghali, pinagbawalan ng dumaan ang mga light vehicle dahil sa baha.
03:31Nangyari na rin ito tatlong taon na nakararaan.
03:33Ang ginawang solusyon, itinaas ang binabahang parte ng Enlex.
03:37Itinaas din ang Tulaok Bridge para hindi sumabit ang matataas na sasakyan.
03:42Pero naulit na naman ngayon ang problema.
03:45Makikipagpulong daw sa Sekretary Vince Nison sa management ng Enlex para humanap ng solusyon.
03:50Kailangan magkaroon tayo ng mga infrastructure na pagdadalhan ng napakadaming tubig
03:57na nanggagaling hindi lamang sa Pampanga River at sa bundok,
04:01kundi nanggagaling na rin sa dagat, sa Manila Bay.
04:05Hindi na pwede yung every year na rin paulit-ulit na rin itong nangyayari.
04:13Vicky, bago mag-alas 6 ng gabi ay pinayagan ng makadaan yung mga SUV sa leftmost lane
04:19sa bandang Tulaok at San Simón Interchange, southbound at saka northbound.
04:26Sa isang pahayag naman ay nilabas ng Metro Pacific Torways Corporation.
04:31Kasama raw ko sa kanilang long-term plan ay yung pagtataas muli ng binabahang bahagi ng Enlex.
04:37Pero bago magawa yan, ay kailangan din munang itaas ang Tulaok Bridge.
04:41Dicky.
04:42Maraming salamat sa iyo, June Veneracion.
Comments

Recommended