Warrant of arrest laban kay Rep. Romualdez kaugnay ng ₱7-B plunder case na inihain ng Ombudsman, inilabas na ng Sandiganbayan


Pinaaresto na ng Sandiganbayan si dating House Speaker Martin Romualdez. Kasunod ‘yan ng paghahain ng kasong plunder ng Ombudsman laban sa kaniya.


Kaunyan ‘yan sa pagtanggap umano ni Romualdez ng mahigit ₱7 Billion kickback sa mga maanomalyang flood control project. 


Dawit sa asunto si Zaldy Co at tatlong iba pa.



24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:05Pinaaresto na ng Sandigan Bayan si dating House Speaker Martin Romualdez.
00:10Kasunod yan ng paghahain ng kasong plunder ng ombudsman laban sa kanya.
00:15Kaugnayan sa pagtanggap umano ni Romualdez ng maigit 7 billion pisong kickback
00:19sa mga manumalyang flood control project.
00:22Dawit sa asunto si Zaldico at tatlong iba pa.
00:25Mula po sa Sandigan Bayan, makibalita na tayo sa live na pagtutok ni Maki Pulido.
00:31Maki!
00:35Mag-aala sa is ng gabi ay opisyal na sinabi ng Sandigan Bayan 3rd Division
00:41na nakitaan nila ng probable cause sa kasong plunder
00:44sina dating House Speaker Martin Romualdez, dating Congressman Zaldico
00:48at iba pang akusado sa plunder.
00:50At dahil dyan ay nag-issue ang korte ng warrant of arrest laban sa kanila.
00:59Halos 10 buwan mula ng simulang investigahan,
01:02si dating House Speaker Martin Romualdez,
01:04kaugnay ng anomalya sa flood control projects,
01:08nagpunta si Assistant Ombudsman Nico Clavano sa Sandigan Bayan
01:11para sampahan siya ng kasong plunder.
01:14Bit-bit niya ang 113 pages na resolution na nagbedetalyan ng akusasyon
01:19na sangkot si Romualdez sa 7.4 billion peso kickback scheme mula sa mga proyekto.
01:25Kasama rin kinasuhan si na dating Representative Zaldico
01:28na nuoy chairman ng House Appropriations Committee na tumatalakay sa national budget
01:33at patlong iba pa.
01:35Marami pong katastigo, you have the ones that funneled the money.
01:44Kanina ay nabigyan ako ng pagkakataong sumama kay Clavano
01:48nang bumiyahin sila mula sa kanilang opisina papuntang Sandigan Bayan.
01:52Sabi ni Clavano, nagtikpan ng porsyento si Romualdez kay Co
01:55kung magkano ang kickback na dapat niyang matanggap mula sa mga proyekto.
01:59For all the infrastructure projects that Zaldi had a hand in,
02:06the speaker would have a percentage.
02:09So, kinutahan niya yung si Congressman Zaldico
02:13who conveniently at the time was the head of appropriations.
02:19So, he would be in the best position to, how would you say,
02:26para imando lahat ng budget.
02:28Ang 7.4 billion pesos na kickback umano na nakapaloob sa isinampang plunder case,
02:35bahagi lamang daw ng kabuang natanggap na kickback ni Romualdez.
02:39Sa imbesigasyon ng ombudsman, ang halagang tinitingnan nila
02:42aabot daw ng 56 billion pesos.
02:46The subject amount ma'am is about 56 billion pesos.
02:49This comprises of all the deliveries that he allegedly received from 2022 to 2025
03:01in his several residences.
03:04And we have affidavits and statements to support that.
03:10Each delivery was accounted for.
03:12They can even describe the size of the maletas.
03:18Para agad may tago at malinis ang pera,
03:21ipinambili umano ito ng mga ari-arian at share sa mga korporasyon.
03:25Ang palasyo sinasabing ginagalan nilang pagsampan ng kaso kay Romualdez,
03:29na pinsan ni Pangulong Bongbong Marcos.
03:32Ang sa Pangulo naman po ay kung sino po ang dapat na managot ay dapat na panagutin.
03:40Kung ano po ang isinisigaw ng ebedensya, dapat lamang pong itong mailahad.
03:451.30 ng hapon ni Raco Langcaso at napunta sa Sandigan Bayan 3rd Division.
03:50Nakanda na kanina sa Sandigan Bayan ang magsisilbing background
03:54sakaling kailanganin kuhanan ng magshot ang mga kinasuhan.
03:58Pero ang kampo ni Romualdez, agad nakain ang musyon para hindi mag-issue ng Warrant of Arrest
04:04at musyon para ipasura ang kaso.
04:12Halos buong hapon nag-abang dito ang isang team ng PNPCIDG
04:16para sa kanilang kopya ng Warrant of Arrest.
04:20Kaalis lamang nila.
04:21In fact, bago nito ay nagdala pa nga sila katulad ng nabanggit ko
04:24na nagdala pa sila rito ng background para sa mugshot
04:27para kung sakali daw na idala rito si dating Speaker Martin Romualdez
04:32ay dito na raw tatapusin ang booking procedure.
04:35Emil?
04:35Maki, ipinaaresto na nga ng Sandigan Bayan
04:38si dating House Speaker Martin Romualdez
04:40sa gitna ng inihain mosyon ng kanyang kampo.
04:43Anong sabi ng Sandigan Bayan?
04:45Kaugnay nito.
04:49So, Emil, wala pa talagang official na pahayag dyan
04:53ang Sandigan Bayan 3rd Division.
04:55Pero kung titignan natin yung mga nakaraang kaso
04:58regarding the flood control projects,
05:02pagkatapos ng return of warrant,
05:05ay mag-iissue ng commitment order.
05:08At itong mga mosyon na ito na inihain,
05:10katulad ng inihain ng mga kampo ni Romualdez,
05:13ay didinggin pa rin ito ng korte at saka sila mag-iissue
05:17ng kanilang resolusyon.
05:19Emil?
05:19At may informosya na ba kung nasaan ngayon si Romualdez?
05:24Kapag hawak na ba siya ng mga otoridad,
05:26saan siya idedetain?
05:28Maki?
05:31Wala tayong exact information kung nasaan ngayon si Romualdez.
05:37Ang pagkakasabi lamang sa atin ay nasa isang hospital siya
05:40at papunta na doon ang isang arresting team
05:43para isilbi ang warrant of arrest.
05:46Ngayon kung sakaling hawak na siya,
05:48kailangan ng return of warrant.
05:50Nitong, ano, ibig sabihin,
05:52ibabalik itong warrant of arrest sa korte.
05:54Kasama dapat yung akusado.
05:57At doon lamang natin actually malalaman
05:59kung saan talaga siya ikukulong.
06:01Dahil mag-iissue ang korte,
06:03ang third division ng commitment order.
06:05Doon na lamang natin malalaman kung saan.
06:07Pero kung pagbabasihan natin yung mga previous cases
06:10on flood control projects,
06:12lahat sila ay inisuhan ng commitment order
06:15sa BJMP Men's Dormitory sa Payatas sa Quezon City.
06:20Emil.
06:20Mula po sa Sandigan Bayad,
06:22maraming salamat,
06:24Maki Pulido.
06:25Sa katala, mga kapuso,
06:26naglabas ng payag ang kampo ni dating House Speaker
06:28at ngayon, kongresistang si Martin Romualdez,
06:31kaugnay ng 7.4 billion peso plunder case
06:34na isinampalaban sa kanya.
06:36Ayon sa kanyang abugado,
06:38haarapin ni Romualdez sa mga aligasyon laban sa kanya.
06:41Iginit din niyang ang pananagutang kriminal
06:43dapat mapatunayan sa paumagitan ng ebidensyang
06:46iniharap sa korte.
06:48Dagdag niya,
06:48hindi humihingi ng special treatment si Romualdez.
06:51Ang hinihingi lamang niya'y kaparehong due process
06:54at patas na paglilitis
06:56na ginagarantiyah sa bawat Pilipino.
07:03Paglilitis

Recommended