00:00Hindi dapat ipinagpaliban ang barangay at sangguni ang kabataan elections ayon po yan kay Vice President Sara Duterte.
00:07Kaugnay naman sa sabpina ng kapatid niyang si Davao City Mayor Baste Duterte sa kanyang impeachment trial,
00:14eh hindi raw alam ng bise kung tetestigo ito.
00:17Nakatutok si Dani Canareces ng GMA Regional TV.
00:24Ipinasabpina ng Senate Impeachment Court si Davao City Mayor Sebastian Baste Duterte.
00:30Para maging testigo, kaugnay sa hindi umano, may paliwanag na yaman ng kapatid niyang si Vice President Sara Duterte.
00:37Sinubukan naming kunan ang pahayag ang alkalde kaugnay nito, pero wala pa siyang tugon sa GMA News.
00:44Sabi naman ng bise, hindi niya alam kung haharap ang kapatid.
00:48Wala akong info kung a-attend siya, pero ang napag-usapan namin noon at that time,
00:57merong supina sa kanya.
00:59So sinubihan ko siya, bago pa man lumabas na sabi ko, may supina sa iyo.
01:04At sinabi niya, ang kausapin niya noon, city legal.
01:09Tinanong din ang bise kung dadalo siya sa pagdinig.
01:12Well, depende. Wala pa namang pagpapatawag sa akin eh.
01:16At yun, sabi ko nga, ang impeachment ay isang legal na process at yung pagpunta ng ating mga abogado doon,
01:27ay yun yung aking appearance at participation doon sa proseso na yun.
01:33Hindi na nagkomento ang bise kaugnay sa voting threshold sa impeachment court.
01:38Iwan ko na lang sa spokesperson ng defense team kung ano yung comment nila.
01:46Kasi baka meron silang mga iniisip na posibleng masabi ko na hindi pwede sabihin sa voting ko.
01:54Ayon sa bise, ipinauubayan na niya sa kanyang legal team ang impeachment at iba pang kinahaharap na kaso.
02:00Yung legal na mga problema ko tulad ng impeachment at iba't iba pang kaso, binigay ko sa mga abogado na
02:10para at kasudin nila.
02:11And kami sa office of the vice president ay tuloy-tuloy lang sa trabaho namin.
02:16Sa tingin din ng bise, hindi ro dapat ipinagpaliban ang barangay at sangguniang kabataan elections.
02:22Dapat siya hindi pinaspawn pero siyempre kung ano yung nasa batas, yun yung masusunod.
02:30So kung merong postponement ay yun ang masusunod at yun ang susunod din ng commission on election.
02:37Sinabi yan ang bise sa pagdalo niya sa paglagda ng memorandum of agreement sa pagitan ng office of the vice
02:44president at city government of Davao para sa peace initiatives sa lungsod.
02:48Mula sa GMA Regional TV, Dani Kareneses, Nakatutok 24 Horas.