Skip to playerSkip to main content
  • 7 minutes ago
Pamahalaan, tiniyak na sapat ang pondo para tugunan ang posibleng epekto ng 'very strong' El Niño sa bansa | Ulat ni Kenneth Paciente

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://thao.funnymoment.net/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://thao.funnymoment.net/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:01Sapat ang pondo. Yan ang tiniyak ng pamahalaan para matugunan ang Super El Niño.
00:07Ayon sa Malacanang, 6.2 billion pesos ang nakalaan para sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng Super El Niño
00:14at kasalukuyang hamon sa enerhiya.
00:17May 39.82 billion pesos din sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund para sa mga karapat-dapat na
00:24gastusing kaugnay ng mga kalamidad, kabilang ang climate-related events.
00:28Pati sa 2027, iminungkahin na ang pagdaragdag ng pondo para sa paghahanda at pagtugun sa epekto ng Super El Niño.
00:36For 2027, nag-propose po na magkaroon ng increase para sa DNDRRMF sa halagang 45.67 billion.
00:49At magkakaroon din po ng budget na 9.885 billion.
00:59Ito po ay-propose para sa quick response funds for frontline agencies.
01:05At inaasahan din po na magkakaroon din para sa budget ng 11.18 billion for NFA rice, buffer stocking, 4
01:18.5 billion for crop insurance, covering around 2.34 million small farmers and fisher folk,
01:24and 46.356 billion for NIA, including 30.47 billion pesos for irrigation, restoration and development.
01:37Ipinunto ng palasyo na hindi na bago ang El Niño sa Pilipinas.
01:40Pero inaasahan mas magiging matindi ito ngayong taon, butsud na rin ang climate change.
01:45Bagaman hindi nito magagaransya na hindi makakaranas ng water shortage, particular na sa Metro Manila,
01:51sinabi ng pamahalaan na pinaghahandaan na nito ang posibleng epekto ng pagbaba ng water allocation ng National Water Resources Board
01:59sa 44 cubic meters per second simula ngayong buwan.
02:02Handa po tayo dyan. Kung ano man po ang mangyayari, kailangan din pa rin natin paghandaan.
02:08Kung gano'ng ito katindi, yun ang dapat natin paghandaan.
02:11Hindi ko masasabi kung hindi natin maranasan yung sobrang tagtuyot at ang kailangan lang po talaga natin ay magprepara.
02:21At yun po ang ginagawa ng gobyerno.
02:22Sabi ng Maynilad, walang malawakang water service interruptions na ipatutupad ang kumpanya.
02:27Stable po ang ating water supply, so wala naman po tayong nakikita ang kinakailangan na water service interruptions.
02:34Malaking bagay po dito, Ma'am Clay, yung ginagpag-prepare ng Maynilad ahead of the El Niño para po ma
02:43-ensure na tuloy-tuloy ang ating water sa west zone.
02:47Binabawasan na nila ang pagdepende sa anggat dam at kumukuha na ng tubig mula sa Laguna Lake.
02:52Nagre-recycle na rin sila at isinasa ilalim sa treatment ang wastewater.
02:56Puspusan din ang pagkukumpuni sa mga tubo para maisalba ang mga tumatagas na tubig.
03:01Kung may water service interruptions man sa ilang lugar, paglilinaw ng Maynilad, bahagi ito ng maintenance activities para matiyak na
03:08sapat ang supply ng tubig.
03:09Ang Manila Water, siniguro rin ang 24-7 na supply ng tubig. Gate nito, kahit ibinabasa 42 cubic meters per
03:17second noon ang alokasyon ng tubig, nagawa pa rin nilang mahatiran ang sapat na supply ang mga consumer.
03:23Dagdag pa ng Malacanang, puspusan din ang koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno sa Climate Change Commission para magkaroon ng
03:30mas maayos na preparasyon hinggil sa Super El Niño.
03:33Pero binigyang din nito ang mahalagang papel ng publiko sa pagharap sa epekto ng fenomenon.
03:40Pero of course, kailangan din po natin ngayon ang tulong din ng ating mga kababayan.
03:46Kung paano kayo makakapagtipid ng inyong tubig sa inyong kabahayan, yan po ay malaking tulong.
03:54Kung may mga leak na dapat maayos sa inyong kabahayan, ay dapat nang maisaayos din po.
04:01Mga simpleng gawain na makakatulong ng malaki para matugunan din natin ang epekto ng Super El Niño.

Recommended