00:00Bistado ng mga operatiba ang halos kalahating bilyong pisong halaga ng hinihinalang shabu na isinilid sa isang makina mula Mexico.
00:10Nakatutok si Marisol Abdurama.
00:16Isa-isang inilabas ng mauturidad ang mga paketeng nasa loob ng industrial machinery na ito
00:21sa pangunguna ng Bureau of Customs ni Neuaquin International Airport
00:25kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na harang ang isang major shipment ng iligal na droga mula Guadalajara,
00:33Mexico.
00:34Halos kalahating bilyong pisong halaga ng hinihinalang shabu na nakatago sa industrial machinery ang na-intercept ng mga otoridad.
00:41Ang kabuan nito ay 73 kilos ng shabu at ang halaga nito ay hindi bababa sa 496 milyon pesos.
00:50Halos kalahating bilyon.
00:52At base sa director ng PDEA at director Carion, ito ay maiko-consider nating high grade na shabu.
01:02Kailangan magsagawa ng drug profiling para tingnan kung may connection ito sa iba pang shipments sa neiyan na nakitaan ng
01:08droga.
01:09Dahil kadarating po nito, ikumpara natin sa previous shipment na nagmula sa Mexico
01:14and then sa tulong ng ating mga chemist po sa laboratory through the conduct of impurity profiling.
01:19Tingnan natin kung may correlation po.
01:21Tumating ang shipment noong September 26 at na-flag kasunod ng natanggap na intelligence report na posibleng may laman itong
01:28droga.
01:29Agad nag-issue ng alert order para suriin ang shipment sa isang warehouse sa Pasay City nitong October 2.
01:35Ayan ay binantayan natin, sinobject sa x-ray at nakita rin sa x-ray na tama ang intelligence report.
01:43At later on, yan ay nakumpirma rin sa pamamagitan ng K9 unit ng PDEA.
01:51Ito ay naging matagumpay ang ating paghuli dito.
01:53Otherwise, ito ay mapupunta sa merkado.
01:56Nag-positibo rin ang shipment sa Shabu sa field testing.
02:00Positive ang field test for methamphetamine o Shabu.
02:05Base sa inisyal embesikasyon, peke ang pangalan ng shipper at address dito.
02:10Tiniyak din ang VOC na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa counterpart intelligence agencies nito sa buong mundo.
02:17Patuloy din daw ang pagbabantay nila sa mga pantalan at paliparan kung saan magkakaroon daw ng upgrade ng x-ray
02:24at scanning machines.
02:27Marisol Abduraman, Nakatuto, 24 Horas.