00:00Nababahala rao si Pangulong Bongbong Marcos sa mga ulat na tumanggap ng pera mula sa China si Vice President Sara
00:06Duterte.
00:07Itinuturin niya itong pinakamataas na banta sa ating Republika.
00:10At mula sa Singapore, nakatutuklay...
00:14Jonathan?
00:17Pia, National Security Issue na kong ituring ni Pangulong Bongbong Marcos
00:21ang ulat ng umano'y pagtanggap ng pera mula sa China ni Vice President Sara Duterte.
00:27Sabi ng Pangulo sa press conference namin dito sa Singapore, ibang usapin na ito.
00:32Tungkol na raw kasi ito sa soberanya, siguridad at kaligtasan ng bansa.
00:38The most disturbing aspect of it is the Chinese money.
00:43That now rises to a national security issue.
00:48Kung totoo.
00:50If it is true, it is a national security issue.
00:54That's why ang nag-respond is the D&D.
00:57Na sinabi nila,
00:59we have to look into this.
01:01Nothing would make me happier
01:03than proof that it is not true.
01:07Then it's one less thing that I have to worry about.
01:11But if it is true,
01:13it is a threat at the highest level to the Republic.
01:20It would go straight to the top of our list of threats
01:26that are facing the Philippines.
01:30Ibang usapan nito.
01:31This is where we are talking about the sovereignty of the Republic.
01:36We are talking about the safety and security of the state.
01:46Nauna nang sinabi ng tagapagsalita ng BICE
01:48na si Atty. Paolo Panelo na walang basihan ang aligasyon niyan.
01:52Tinawag naman ng Pangulo na fake news
01:54ang paratang ng BICE na ang Pangulo
01:56ang nasa likod ng paninira sa ikalawang Pangulo
01:59at nasa likod ni Rodolfo Gracioso Jr.,
02:02ang dismissed police officer
02:03na nagsabing nag-hatid siya ng mali-malitang pera sa mga Duterte.
02:07Hamon ng Pangulo sa BICE,
02:08patunayan nito ang paratang sa kanya.
02:10Gusto rin daw malaman ng Pangulo
02:12kung totoo ba ang mga paratang ni Gracioso
02:14laban sa mga Duterte.
02:16May problema raw kasi kung totoo ito.
02:44Kinumpirma naman ng Pangulo ang balasahan sa kanyang gabinete.
02:48Tinanggap na niya ang resignation ni DICT Secretary Henry Aguda.
02:52Hindi pa sana nila ito i-anunsyo habang hindi napapangalanan ang kapalit
02:55pero naunahan na raw ng anunsyo ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulia
02:59na nag-iimbestiga sa ghost connectivity projects.
03:02Tanggal na rin bilang Presidential Communications Secretary si Dave Gomez
03:06matapos ma-bypass ng Commission on Appointments.
03:08Papalitan siya ni PTV General Manager Lino Cayetano,
03:12kapatid ni Sen. Alan Cayetano,
03:13nakilalang kritiko ng Marcos administration.
03:16Tinanong din si Marcos kung totoo ang ulat na babalik na si DPWH Secretary Vince Dizon
03:22sa DOTR.
03:24Sabi ng Pangulo,
03:25hindi sa ngayon.
03:26Nagkomento rin ang Pangulo tungkol sa impeachment ni Duterte.
03:29Hindi raw ito importante sa kanya at wala siyang kinalaman dito.
03:32Hindi niya nga raw ito nasusundan at limang minutong highlight lang daw
03:36ang napapanood niya rito.
03:38Pia, kanina umaga,
03:39nagkaroon ng mga business meetings ang Presidente
03:41at ngayon pagkaalis niya rito sa aming press conference,
03:45isang hotel sa Singapore.
03:46Dederecho na raw siya sa racing tracks para manood ng F1 race.
03:50Pero hindi raw siya sigurado kung makakanood daw talaga siya
03:52dahil ang pakay daw talaga niya ron
03:53ay si Singapore Prime Minister Lawrence Wong.
03:56Ngayong araw,
03:57ang huling araw ng limang araw na working visit dito sa Singapore
04:01ni Pangulong Bongbong Marcos.
04:03Balik sa iyo, Pia.
04:04Maraming salamat, Jonathan Andal.