00:00Mav, mga kapuso, balikan natin yung unang story natin kanina.
00:03Update tayo, taugnay sa pagharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
00:09Here's what we know so far with Maris Umali live mula sa Quezon City.
00:13Maris!
00:17Yes, Mav and June, muli ngang humarap si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-apat na status conference
00:24ng kanyang kinakaharap na kasong crimes against humanity, particular yung murder and attempted murder
00:31kaugnay sa war on drugs sa The Hague, Netherlands.
00:35At ang dating Pangulo ay nakaitim at pareho lang din ang kanyang postura sa huli niyang pagharap
00:42sa Third Status Conference noong Setiembre.
00:44Present sa conference, si Atty. Julia Nichols ng Prosekusyon, Atty. Peter Haynes para sa Defense
00:50at Sen. Atty. Gilbert Andres ng Common Legal Representative for Victims
00:54at Paulina Masuda ng Public Counsel for Victims.
00:58Unang tinalakay sa status conference ang schedule ng mga pagdinig para sa paglilitis sa kaso
01:03ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC.
01:06Isinaalang-alang sa pagbuo ng schedule ang mga kailangan pahinga,
01:10ang pagtestigo ng mga saksi sa pamamagitan ng video link
01:14at syempre yung pagkakaiba ng time zone kasi ahead ng 6 to 7 hours sa The Hague, Netherlands
01:23kumpara dito sa Pilipinas.
01:25At nilinaw ni presiding judge Joanna Quirner na nice nitong ma-finalize
01:31ang schedule para sa unang linggo ng paglilitis.
01:33Sa adyandang nilabas ng ICC, naasahang pag-uusapan din ang listahan ng mga testigo
01:37ng prosekusyon at ang bilang ng oras na kakailanganin nito para ilahad ang kaso.
01:42Kasama rin dito ang tansyang oras na hinihingi ng depensa at mga kinatawa ng mga biktima.
01:48Tatalakayin din ang mga sagot ng depensa sa mga aplikasyon sa ilalim ng Rule 68
01:53kasama ang mga hiling para sa mga hakbang na magpoprotekta sa mga taong bahagi ng pagbinig.
01:58Kabilang din sa adyanda ang pagbabahagi ng mga ebedensya at ang listahan ng mga ito mula sa prosekusyon.
02:04Samantala, inaasahang ilalahad din ang depensa ang pananaw nito kung handa na ba ito para sa paglilitis.
02:09Sa labas Mav and June ng ICC ay nakaabang ang mga taga-suporta ng dating Pangulo.
02:15May mga bumiyahi pa nga ng siyam na oras galing Germany para ipakita yung kanilang pag-suporta at pagmamahal sa
02:22dating Pangulo.
02:23At dito naman sa kinaruroonan po sa Quezon City ay tumutok din sa status conference sa pamamagitan ng live streaming
02:30ang ilang mga kaanak na mga EJK victims kasama ang Rise Up.
02:34At makikita ninyo po sa aking likuran ay naka-suspend naman yung kanilang status conference.
02:41Nag-break muna sila.
02:44So sa ngayon ay nag-uusap-usap yung ilan sa mga magulang ng EJK victims kasama nga po yung Rise
02:51Up.
02:51At ayon naman sa abiso ng International Criminal Court ay isasalin sa live web stream yung status conference sa opisyal
03:00nitong website.
03:01Pero meron nga lamang itong 30-minute delay at ibabahagi rin po yung link ng audio-visual recording na ito
03:09pagkatapos ng pagdinig.
03:10So yan muna. That's what we know so far.
03:12Mula rito sa Quezon City, Marise Umali para sa GMA News.
03:15Ma'am, June?
03:16Maraming salamat, Marise Umali.
03:21Maraming salamat, Marise Umali.