Skip to playerSkip to main content
Giit ng kampo ni VP Sara Duterte, hindi puwedeng sampahan ng kasong kriminal ang bise habang nakaupo sa puwesto 


Sinabi ng kampo ni Vice President Sara Duterte nitong Biyernes na mayroong “limited procedural immunity” ang bise, kaya hindi puwedeng sampahan ng kasong kriminal habang nakaupo sa puwesto.


Pero giit noon ng Department of Justice, tanging ang Pangulo lamang ang may immunity sa mga kaso.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinabi ng kampo ni Vice President Sara Duterte nitong biyernes na merong limited procedural immunity ang BICE,
00:07kaya hindi pwedeng sampahan ang kasong kriminal habang nakaupo sa pwesto.
00:12Pero giit noon ang Department of Justice, tanging ang Pangulo lamang ang may immunity sa mga kaso.
00:19Ang issue, tinutukan ni Mav Gonzalez.
00:24Matapos sampahan ang kasong grave threats sa Quezon City Regional Trial Court,
00:28Iginiit ng kampo ni Vice President Sara Duterte na meron siyang limited procedural immunity.
00:35Ibig nilang sabihin, hindi raw siya pwedeng sampahan ang kasong kriminal habang nakaupo sa pwesto.
00:41The Vice President is an unimpeachable officer na hindi pwede pang kasuhan until siya ay either ma-impeach
00:48or ma-convict by impeachment or mag-resign or bumaba sa kanyang pwesto for any other reason.
00:56Ang tinatawag po dyan yung limited procedural immunity na hindi lamang yung Vice Presidente ang nage-enjoy.
01:05Lahat po ng impeachable officer, yan po ang nakalagay sa Ligang Batas.
01:08Ang terminong limited procedural immunity ay makikita sa desisyon ng Korte Suprema
01:13na nagdeklarang unconstitutional ang unang impeachment complaint laban sa BICE.
01:18Sa desisyong isinulat ni Senior Associate Justice Marvit Leonen,
01:22nakasaad na may limited procedural immunity ang impeachable public officers
01:26para hindi maabala ang trabaho ng gobyerno at mapanatili ang balanse at separation of powers.
01:33Sa isa pang bahagi ng desisyon, sinabi ng Korte Suprema na hindi immune na mapanagot
01:38ang mga nakaupong impeachable officers sa mga pagkakamali
01:41at immune lamang sila sa kaso o sa pagpapatalsik sa pwesto sa pumamagitan ng ibang pamamaraan.
01:47Sa inihahing petisyon ng BICE sa Korte Suprema para ibasura ang mga reklamong grave threats
01:52na isinampa kay Duterte, binanggit nila ang kasong Licaros v. Sandigan Bayan
01:57na nagsasabing labag sa mandato ng konstitusyon kung kahayaan ang isang impeachable officer
02:03na makasuhan ang kasong kriminal na may parusang pagkatanggal sa pwesto.
02:07Pero para sa constitutional law expert na si Atty. Domingo Cayoza,
02:11out of context ang mga kasong nilista ng kampo ng BICE sa petisyon.
02:15Kung titignan natin yung konstitusyon, yung batas at saka jurisprudence,
02:20out of context yung sinasabi nila.
02:22And it unduly expands yung coverage, yung applicability ng mga kaso na sinasight nila.
02:30Sa totoo lang, yung impeachment is the only way of removing impeachable officials administratively.
02:38Pero hindi ibig sabihin na habang ikaw ay liniliti sa impeachment court, immune ka na from suit.
02:44Giyat noon ang Department of Justice, tanging ang Pangulo lamang ang may immunity sa mga kaso.
02:50Pero maging ang immunity ng Presidente, hindi nakasulat sa konstitusyon at base lang sa mga dating desisyon ng Korte Suprema.
02:58Ang Presidente ng Republika ng Pilipinas, napakahalaga ang kanyang role.
03:02Commander-in-Chief, political leader, head of government, chief executive.
03:07At kung yung pinakamataas na pinuno natin, hayaan na kasuhan ng kahit sino,
03:14maaaring daang-daang kaso ang ipafile sa kanya, hindi na niya magagawa ang kanyang trabaho.
03:20But sa Vice President, sa mga justices ng Supreme Court, sa Ombudsman,
03:25other constitutional commission officers na impeachable din, walang ganyang rason eh.
03:31Kaya katangi-tangi, only the President is given that limited immunity.
03:37Noong taong 2006, isinangkot sino ay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo
03:42sa isang petisyon sa Supreme Court na kumukwestiyon sa deklarasyon niya ng State of National Emergency.
03:48Pero sabi ng Korte Suprema, hindi pwedeng kasuhan ang nakaupong Pangulo
03:52dahil makasisira ito sa operasyon ng gobyerno.
03:55Pwede naman daw panagutin ang Pangulo, pero sa paraan lang ng impeachment.
03:59Noong 2016, dinala rin sa Supreme Court si dating Pangulong Rodrigo Duterte
04:04ni Noy Sen. Laila de Lima para pigilan si Duterte na kolektahin at isa publiko
04:09ang personal na impormasyon ni de Lima.
04:11Pero sabi ng Korte, may presidential immunity si Duterte.
04:15Mapatrabaho niya bilang presidente o hindi ang ginawa niya.
04:18Humingi kami ng panayam sa kampo ng Vice, kaugnay ng sinasabi nilang limited procedural immunity.
04:24Pero hindi na raw silang makakapagkomento dahil nasa Korte na ito at subjudice na.
04:29Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.

Recommended