00:00Piniyak ng Metropolitan Water Works and Sewerage System o MWSS,
00:05hindi magkakaroon ng water crisis sa Metro Manila kahit pa may Super El Niño.
00:10Bukod daw kasi sa Anggat Dam na pangunahin nagsusupply ng tubig sa NCR,
00:14may iba pang alternatibong pinagkukunan ng tubig.
00:17At may unang balita si Bernadette Reyes.
00:23May at maya ang dating ng mga namimili ng mga balde at drum sa tindahang ito sa Quezon City
00:28na niniguro lang daw sila.
00:53Ayon sa Metropolitan Water Works and Sewerage System o MWSS Regulatory,
00:59hindi kailangang magpanik.
01:01I think the President is saying is that is for outside Metro Manila.
01:04I can guarantee na wala pong water service crisis this coming Super El Niño.
01:10Handa po ang Manila Water at Maynila, hindi po magkakaroon ng water crisis.
01:14Noong 2022 pa raw, sinimulan ang mga paghahanda para sa Super El Niño.
01:19Worse na worse po ito, probably water service interruptions,
01:23but there will still always be water at the top within 24 hours.
01:27So they don't need to go pimpila balde sa labas po.
01:30Sabi ng Manila Water, isang malaking aral sa nagdaang El Niño
01:33na huwag umasa sa iisang water source.
01:372019, anggat lang yung source natin.
01:39So we learned from that.
01:41Na mahalaga na to be water secure,
01:44kinakailangan na mag-develop tayo ng karagdagan pang mga water sources.
01:48So ngayon, hindi lamang anggat ang pinagkukuna natin.
01:52Kabilang anila sa na-develop na water sources,
01:55ang Cardona Water Treatment Plant na kayang magbigay ng 110 million liters per day.
02:01Ang East Bay Project naman, tapos na ang Phase 1
02:04na nakapagbibigay ng hanggang 50 million liters per day.
02:09Mayroon ding Wawa Antipolo Water System na nakakapagbigay ng 80 million liters per day.
02:14Inaasahan din ang dagdag na water supply sa susunod na buwan mula sa Kaisakat Water Treatment Plant.
02:21Ang Maynilad naman, nag-upgrade na rin daw ng mga pasilidad
02:25at malaki na rin ang nabawas sa non-revenue water.
02:28Pero nagtuturo rin sila sa publiko ng paraan
02:31para makatipid tulad ng pag-ipo ng tubig mula sa aircon
02:35na maaari-anilang gamiting pangbuhos sa banyo.
02:39Kasabay ng pagsisiguro na may sapat na supply ng tubig,
02:42ang panawagan ng MWSS Regulatory Office at ng Water Concessionaire
02:47na maging maingat at responsable ang mga consumer sa paggamit ng tubig.
02:52They don't need to hoard anything.
02:55Kailangan po natin talaga is responsible use.
02:58Ang Department of Social Welfare and Development o DSWD
03:02ipinakita ang aparato na makatutulongan nila sa paglinis ng tubig.
03:07Nandito na yung filter head, nandito na yung drill bit, nandito na lahat.
03:11Maaari rin daw inumin ng tubig na nasala gamit ang naturang filter.
03:15Cheers!
03:16Cheers!
03:20It's just like drinking any drinking water.
03:23Okay.
03:24Pagtitiyak ng DSWD,
03:26ligtas inumin ng tubig na dumaan sa filter base
03:29sa sertifikasyon mula sa Department of Health.
03:32Matagal rin anila itong ginagamit sa mga lugar na hinagupit ng kalamidad.
03:36Pero patuloy raw ang paghahanap ng mga alternatibong mapagkukunan ng supply ng tubig,
03:41lalo't ang epekto ng El Niño,
03:43aabot hanggang kalagitnaan ng susunod na taon.
03:46DNR at MWSS ay nag-activate na ng 61 decommissioned deep wells
03:54upang madagdagan ang supply ng tubig sa Metro Manila.
03:57Pinabibilis ang pagtatapos ng Kaisakat Water Treatment Plant sa Upper Wawa Dam.
04:03Matatapos ito sa November 2026.
04:07Madagdagan ito,
04:08or rather magdadagdag ito ng 160 million liters per day ng tubig.
04:15Ito ang unang balita.
04:17Bernadette Reyes, GMA News.
04:18GMA News.
04:23GMA News.