00:00Holy cam, ang pagnanakaw ng isang delivery rider sa tindahan ng Fruit Shake,
00:06ang rider nilimas ang tip box na may lamang 2,000 piso.
00:11Nakatutok si Gabriel Gonzalez.
00:17Bandang alas 11 ng gabi nitong lunes,
00:19hinihintay ng delivery rider na yan ang order ng kanyang customer sa isang Fruit Shake store
00:24sa pinagbuhatan Pasig.
00:26Lilinga-linga siya.
00:28Natila ba nagmamasid?
00:30Maya-maya, pasimple niyang kinuha ang plastic na tip box at itinago sa green niyang helmet.
00:36Sumaglit siya sa motorcyclo ng kanya umanong kasabwat at pasimple itinago sa insulated bag nito ang tip box.
00:43Ayon sa may-ari ng tindahan, nasa 2,000 pesos ang laman ng tip box na kinuha ng sospek.
00:49Lilinga-linga siya tapos napansin niya po ata na napatingin siya sa may CCTV namin.
00:54Parang nagulat siya na may CCTV pala kami.
00:57Tapos yung helmet niya napansin ko, binaba niya.
01:00Na gusto niya takpan yung mukha niya.
01:02Bago raw siya umalis, nanghingi pa raw ang sospek ng tirang Fruit Shake sa staff ng tindahan.
01:08Ang staff naman ng tindahan, nalaman lang na nawawala na ang tip box bandang alas 2 sa madaling araw nitong
01:14Martes.
01:15Last customer ko po, nag-ano po siya, sabi niya,
01:18Be, wala kayong tip box, Be.
01:20Pag-tingin ko, wala na po yung tip box.
01:22Nagpa-blatter sa barangay ang may-ari ng tindahan.
01:25Ang barangay, sisilipin daw ang mga CCTV sa lugar.
01:29Di ba na po, iniikutan po ng aming kasamaan, mga barangay, kasama po ang ating mga kapulisan.
01:36Kami po, talagang tumutulong po sa bank tracking para di ba na ma-resolve ako ano yung merereklamo ng tao.
01:44Pansamantalang pinalitan ng plastic na container ang lagayan ng tip at naka-zip ties na ito.
01:49Nananawagan ng barangay sa mga may impormasyon sa kinaroroonan ng sospek na ipagbigay alam ito sa kanila.
01:56Gabriel Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.