00:01Ipinaliwanag ng Korte Suprema kung bakit unconstitutional ang 2024-2025 national budget.
00:09Kabilang dyan ang idinagdag ng Kongreso na Unprogrammed Appropriation at DPWH Special Road Fund.
00:18Bagamat na gastos na mga ito, may epekto ang desisyon sa mga susunod na budget ayon sa ilang eksperto.
00:26Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:30Ang desisyon ng Korte Suprema tungkol sa matagal ng kinukustyon na Unprogrammed Appropriations sa 2024-2025 at 2026 national budget
00:41sa 2024 General Appropriations Act
00:44at constitutional daw ang pagdaragdag ng Kongreso sa Unprogrammed Appropriations ng halos P450 billion at special provisions na nagdulot daw
00:55ng increase sa inerekomendang budget ni Pangulong Bongbong Marcos.
01:00Idiniklara rin unconstitutional ang 2025 national budget dahil sa pagdaragdag ng Kongreso sa DPWH Special Road Fund at Special Accounts
01:10in the General Fund ng ilang ahensya.
01:13Partly granted naman ng Supreme Court ang kwestiyon ng ilang petitioners kaugnay sa 2026 budget,
01:19partikular ang pagbibigay ng otoridad sa Unprogrammed Appropriations.
01:24Sabi ng Korte Suprema, hindi naman daw labag sa konstitusyon ang mismong Unprogrammed Appropriations o mga items sa budget na
01:32wala namang tukoy na pagmumula ng pondo,
01:35pero dapat daw itong mabantayan.
01:37The court in this case provided guardrails to ensure that these do not become a means of bypassing constitutional limits
01:46on public spending.
01:48Since the 1987 budget, Unprogrammed Appropriations have provided standby funding for specific purposes when government revenues exceed projections.
01:59Dahil nagdaanan 2024 at 2025 at patapos na kasalukuyang taon, ano pa nga ba ang maidudulot ng Supreme Court desisyon?
02:09Ayon sa ekonomistang si Dr. Sir Percival Peña Reyes, ang kahalagahan ng desisyon ay mandarama sa mga susunod na budget
02:18kasama na ang mga para sa 2027 na kasalukuyang tinatalakay sa Senado.
02:23A very important decision, pinagtitibay nito ang pambansang budget na dapat itong sumusunod talaga sa konstitusyon,
02:33hindi maaaring baguhin ng lampas sa itinakdang kapangyarihan ng bawat sangay ng pamahalaan.
02:42Paliwanag ni Reyes, magamat pwedeng maguhin ng Kongreso, ang isinomiting budget ng ekotibo, hindi nito pwedeng lampasan ang total na
02:52podong hinihingi ng Pangulo.
02:54Kasi ano po ito, it can be subject to discretion, to abuse.
03:01And yun na nga po, ang naging epekto niyan also yung sa ekonomiya natin,
03:09nagkaroon ng slowdown dahil naantala yung paggastos.
03:15Bawat Pilipinong lumalaban ng patas sa buhay, nag-aambag ng malinis para sa ikaw-unlad ng ating bansa.
03:25Kailangang mabantayan ang pambansang budget upang maitiyak natin na ang pondo napupunta talaga sa mga tunay na pangangailangan ng bansa.
03:36Kung kaya isa sa pinagbabawal na Supreme Court, ang SAGIP o Strengthening Assistance for Government Infrastructure and Social Programs noong
03:452024 at 2025
03:47dahil lump sum ito o buong pondo na walang detalye kung para saan.
03:52Kapag kasi lump sum, nakalagay lang ang halaga pero hindi pa nakadetalye kung saan ito eksaktong gagamitin.
03:59Ayon sa ekonomistang si Prof. Emanuel Leco, ang mga ganitong bahagi ng budget maaaring maabuso dahil maaaring magpasya ang Pangulo
04:08kung saan dadalhin ang pera nang hindi na kailangan ipaproba sa Kongreso.
04:14Parang ito yung patronage. Sila ang mamimili at sila ang mag-aallocate doon sa mga proyekto na kanilang napili.
04:26Hindi po tama yun. Ito po talaga ang tanda ng corruption-ridden na budget.
04:34Pagka malaki ang unprogrammed appropriations at malaki ang lump sum at nagiging arbitrary ang pamimili.
04:44Ang tanong meron bang mapaparusahan dito? Sabi ng Korte Suprema, pwede. Pero...
04:50The accountability was not an issue in this case. But the court did say that the author, implementer, or perpetrator
04:58of the unprogrammed appropriations that violate the Constitution,
05:05they can be subject to civil, criminal, or administrative liability provided that they did not act in good faith.
05:12Because if they acted in good faith, then that will be an excuse.
05:14Sa tanong kung kasama ba ang Pangulo sa maaring i-consider ang implementer ng budget na i-diniklarang unconstitutional,
05:22We do not know that. I mean, it will depend on the case that's filed and the evidence presented.
05:27But so far, all just the court just said was about whoever implemented it, whoever offered it.
05:35Kapwa naman sinabi ni Reyes at Lecol na dapat merong managot sa paglalagay nito sa budget.
05:40Yan po yung importance nito nang nangyayari ngayon.
05:46Yung accountability, establishing na hindi tama talaga yan.
05:52Batas na, Korte Suprema na ang nagsalita.
05:56Yung due process, that has to be upheld.
05:59Nabuti nga may due process.
06:00And of course, definitely, I would think na dapat talaga rin kung may mapanagot dyan.
06:09Ikaw ang nag-propose, ikaw ang nag-mandate, ikaw ang nag-aproba, ikaw ang pumirma, may pananagutan naman siguro.
06:21Para yung toothpaste. Pagka inilabas mo na, hindi mo na maibabalik.
06:25Pero yung mga nagpatupad niyan, yung mga pumisil niyan, ay may pananagutan.
06:31Sabi ng Department of Budget and Management, nakikipag-ugnayan na sila sa Office of the Solicitor General at iba pang
06:38concerned offices.
06:39Sa pagre-review ng Supreme Court decision para ma-assess ang epekto nito at matukoy ang mga susunod nilang hakbang.
06:47Ayon sa Supreme Court, hindi pa pinalang desisyon at pwede pang magsampan ang motion for reconsideration.
06:54Sandra Aguinaldo Nakatuto, 24 Horas.
06:57Iaapila ng Palacio ang desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang labag sa saligang batas ang bahagi ng 2024, 2025 at
07:062026 National Budget.
07:09Nakabantay naman ang ilang mababatas para matiyak na naayon sa utos ng Korte ang 2027 Budget.
07:16Nakatutok si Ivan Mayrina.
07:21Kasunod ang desisyon ng Korte Suprema na ideklarang labag sa saligang batas ang ilang probisyon ng 2024 at 2025 National
07:27Budget at bahagi ng 2026 National Budget.
07:31May mga idiniin ang palasyo.
07:34Nakasadumanos sa desisyon na hindi likas sa unconstitutional ang unprogrammed appropriations na ikinatuan ang palasyo.
07:41Ngayon man, hindi sang-ayan ang palasyo sa ilang mga kondisyong itinakda ng desisyon.
07:45Ginawa nitong inutil at hindi na magagamit ang mekanismong ito para sa mga programa ng pamahalaan.
07:52Unprogrammed appropriations ang tawag sa mga programang nilaanan na agad ng pondo kahit wala pang pagkukunan.
07:58Kabilang sa tinutulan ng palasyo ang inilatag na kondisyon ng Korte Suprema na dapat lumagpas muna ang koleksyon ng buwis
08:04at ibang kita ng pamahalaan sa unprogrammed appropriations bago ito gasusan.
08:09Binabago mo nun ito ang kondisyong inilatag na ng Kongreso.
08:12Sa ating pananaw ay tahas ang pagbabago ng mga kondisyong itinakda ng Kongreso.
08:20Bilang sang-ay ng pamahalaan na naatasan ng ating konstitusyon na bumalangkas ng taonang pambansang budget.
08:29Inatasan na ng palasyo ang Office of the Solicitor General na maghahain ng motion for reconsideration sa Korte Suprema.
08:35At dahil hindi pa naman umunopinal ang desisyon, wala rin malinaw na posisyon pa kung itutuloy ang paggamit ng pondong
08:42naaayon sa umiiral na national budget.
08:44Paniwala ng palasyo walang masasabing pananagutan sa ngayon.
08:48Basis sa desisyon, lalo na ng Pangulo.
08:50Wala namang nilalabag na batas, walang nilalabag na probisyon sa konstitusyon.
08:55Ang administrasyon na ito ay tumutupad lamang sa mga naging proseso na isa na sa adin naman sa batas.
09:04So wala tayo nakikita ang ano maaari maging pananagutan ng Pangulo.
09:09Ang isa sa mga komisyon sa Unprogrammed Depropriations o UA sa 2026 budget na si ML Partylist Rep. Laila de
09:16Lima
09:16nagpasalamat sa paglinaw ng Korte Suprema sa limitasyong itinakda rito ng konstitusyon.
09:22Pag diday niya, standby funds talaga dapat ito kung kailangan ng ekstra pondo
09:27at hindi ginagamit na paraan para may pork barrel na kukuhanan ng pondo.
09:32Nakabantay na rin sa 2027 national budget ang isang pampetitioner na si Congressman Ega Erise.
09:38Partikular umunong tatamaan ng Local Government Support Fund o LGSF na hindi nakadetalye ang pagkakagastusan.
09:44This will touch on the LGSF, yung Local Government Support Fund na pinunduhan ngayon ng 62 video
09:52na very wide yung latitude, yung parameters, tapos slumsang, pagkatapos ay it was an enactment ng identification.
10:06Sa Senado naman, hinihimay na ang panukalang budget para sa susunod na taon
10:10ay kay Finance Committee Chairperson J.D. Eris ito.
10:13Yan ay para matiyak na susunod nito sa utos ng Korte Suprema na inaaral na rin ang Senado.
10:19Yan na rin muna ang payo ng palasyo sa Kongreso.
10:21Huwag na rin daw magdagdag ng laang pondo kung wala sa hinihingi ng ehekutibo.
10:27Kung ano man ang idadagdag nila na hindi naaayon sa batas, sana huwag na lang nilang gawin.
10:34Dahil ito naman ay sa ngayon ay maliwanag sa sinasabi ng Supreme Court.
10:39Ivan Mayrina Nakatutok 24 Oras
10:42At kasunod ng pagdeklara ng Supreme Court na unconstitutional ang ilang bahagi ng 2024, 2025 at 2026 national budget,
10:54sinabi ni Vice President Sara Duterte na dapat managot si Pangulong Bongbong Marcos at mga miyembro ng Kongreso.
11:00Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na kailangan nilang panagutan sa taong bayan ang paglapastangan at pagpapasasa sa pera na
11:09dapat ay napunta sa kapakanan ng mga Pilipino.
11:12Dagdag niya, dapat sagutin ang Pangulo kung bakit niya nilagdaan ang isang budget na hindi naman tumutugma sa panukalan ng
11:20kanyang administrasyon.
11:22Pinatunayan daw ng desisyon ng Korte Suprema na hindi umanog ginagawa ng Bicameral Conference Committee ang trabaho nito
11:30at sa halip ay naging sunod-sunura na lamang daw sa Malacanang hinggil sa national budget.
11:36Well, tanaman ng palasyo, nabasa at naintindihan daw ba ng dice ang naging desisyon ng Korte?
11:43Malinaw daw na walang nakalagay sa desisyon ng Korte na may anumang liability o pananagutan ang Pangulo.
11:51Hinihingan pa namin ang reaksyon ang liderato ng Kongreso.