Skip to playerSkip to main content
24 Oras: (Part 1) Nagmaoy na pulis; Salpukan ng 2 eroplano ng Airforce; Dagdag irrigation projects; Terminal inspection, atbp.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon, Visayas at Mindanao.
00:04Arestado ang polispase na nanutok ng baril sa van
00:09na may sakay pa namang bata at akma pang magpapaputok sa isang gasolinahan.
00:15Posibleng matanggal sa serbisyo ang nanggulong polis na lashing umano
00:19at ikinatwiram pa ang pinagdaraan ng problema sa pamilya.
00:23Nakatutok si EJ Gomez.
00:25Exclusive!
00:29Nakatutok ng baril, no?
00:30Nabalot ng takot ang mga pasahero sa loob ng van.
00:34Habang kinukuna ng video, ang lalaking nagpaikot-ikot sa labas ng sasakyang nagpapagasolina
00:41sa Sandoval Road, Barangay Pinagbuhatan, Pasig, pasado alas 6 kagabi.
00:45May bitmit kasing baril ang lalaki na ilang beses na lumapit sa van.
00:51Ilang beses din niyang itinaas ang baril na tila may akmang papuputokin ito.
00:57Abahalala niyo tong saraulong to.
01:01Gaano ng baril?
01:03Ang *** mo?
01:05May puntong paggewang-gewang pa ang lakad ng dalaki na lumapit din umano sa iba pang sasakyan ayon sa pamilyang
01:13biktima.
01:13Ayon sa pasahero ng van, galing daw sila sa Makati at pauwi na sa barangay pinagbuhatan ng kinailangan nilang magpakarga
01:21ng gas.
01:22Kwento ng 27 anyos na si Joy, di niya tunay na pangalan.
01:25Inakalaro nila noong una na manghihihingi lang ng bariya ang lalaki.
01:30Yung asawa ko po may napansin na parang lalaki.
01:34Ang sabi niya sa akin, matignan mo yung lalaki, ano yung ginagawa nito.
01:40Tapos nung pagkatingin namin, nakaano na siya.
01:44Tinutukan niya na kami ng gano'n, ng baril.
01:46Siguro mga 2 to 3 times niyang ginawa yun.
01:51As in, ang tagal niya pong umaaligid sa amin.
01:53Naka-tinted po yung sasakyan namin.
01:56So, at sinisipat niya po talaga kami.
01:59Lasing na lasing po.
02:01Gumigiwang-giwang na po siya.
02:02Natataranta po kami dahil may lalaki pong natutukan niya ng baril.
02:07Siyempre po natakot baka po puputok yung hawak-hawak niya po.
02:11Nanginginig na ko noon kasi nga po, hawak ko po yung anak ko.
02:14Hindi ko po alam po sino matatamaan kung yung asawa ko ba
02:17or yung kami ng anak ko.
02:21Tapos yung sister-in-law ko po, nasa likod ko din.
02:25Inireport ng biktima ang insidente sa polisya
02:28na siya raw agad nagkumpirma na ang lalaki
02:31isa palang tauhan ng Pasig City Police
02:34na may rangong police staff sergeant.
02:38Inaresto at pinusasa ng polis.
02:40Nakumpis ka sa kanya ang ginamit at loaded na baril
02:44na issued firearm ng Pasig City Police Station.
02:47Isa po siyang beat patroller.
02:51Naka-assign siya sa substation 5.
02:54Hindi raw nakaduti noon si police staff sergeant
02:57na nakumpirmang lasing nang mangyari ang insidente.
03:01Meron daw silang family problem.
03:04Uminom siya ng halak at nakagawa ng hindi maganda.
03:10Makukulong siya.
03:11Masususpend po siya sa ginawa niya na yun.
03:13Actually, mabigat po yung administrative case
03:15na ipapile natin sa kanya.
03:17Pwede rin siya matanggal sa servisyo.
03:19Nasa kustodiyan na ng Pasig Police
03:21ang naarestong staff sergeant.
03:23Sinubukan ng GMA News na kunan siya ng pahayag
03:26pero tumanggis siya.
03:28EJ Gomez, nakatutok 24 oras.
03:32Secretary Vince Dizon sa Department of Transportation
03:35matapos silang magpalit ni Secretary Giovanni Lopez
03:39na uupong kalihim ng Department of Public Works and Highways.
03:42Ayon kay bagong talagang Presidential Communications Office Secretary
03:46Lino Cayetano,
03:47ang balasan ay para sa pagpapabilis sa mga servisyo
03:50at reforma sa gobyerno.
03:52Bilang Transportation Secretary,
03:54inatasan si Dizon ang Pangulo na
03:55pagkaanin ang commute
03:57at tapusin ang mga critical mass transport project.
04:00Habang si Lopez naman ang inutusang ipagpatuloy ang paglilinis
04:03para maging transparent ang mga proseso sa DPWH,
04:07pinamamadali rin ang proyektong infrastruktura,
04:10tulay at iba pa.
04:14Pati supply ng kuryente,
04:16maaring maapektuhan ng Super El Niño
04:20kaya naghahanda na ang Department of Energy o DOE.
04:23Tatamaang kasi ng init
04:25yung mga hydropower at solar power plant.
04:28Nakatutok si Bernadette Reyes.
04:34Hindi lang mga tuyong sakahan
04:36at posibleng kakapusan ng supply ng tubig
04:39ang maaaring epekto ng Super El Niño.
04:42Maaaring rin maapektuhan
04:44ang mga plantang nagsusupply ng kuryente.
04:47Kung tuyo po,
04:48wala pong ulan,
04:50magbababa talaga ng 60%.
04:5260% yung hydropower na.
04:55And then, pati yung solar po,
04:58meron ding decrease kasi sa sobrang init.
05:01Alam nyo naman,
05:03yung kailangan ng solar e yung araw,
05:05hindi yung init.
05:06Kaya ang Department of Energy
05:08bumuunan ng Task Force in Energy Resiliency
05:11na nakikipagtulungan sa Task Force El Niño
05:14kasamang Office of Civil Defense
05:16at National Disaster Risk Reduction and Management Council.
05:20Nakahanap na ang DOE
05:22ng mga power barges o generation sets.
05:25Limang power barges na may kakayahang mag-supply
05:28ng tinatayang 250 megawatts ng kuryente
05:31ang kinokontrata na
05:32pero maaari pang madagdagan kung kinakailangan.
05:36Bukod dito,
05:37may dagdag na mga battery rin
05:39na makatutulong sa pagsusupply ng kuryente
05:41sa panahon ng Super El Niño.
05:43Meron pong mga barko na power plant na siya
05:46at idadalin natin,
05:48kukontratayin natin
05:50kahit short term lang
05:51para po makadagdag ng power pot.
05:54May mga inaasahan rin daw
05:56na mga bagong supply ng kuryente
05:58tulad ang mga coal-powered plant,
06:00renewable energy at gas power plant
06:03sa susunod na limang taon
06:05para maiwasan na rin
06:06ang paulit-ulit na yellow at red alert
06:09tulad ng nararanasan sa Visayas.
06:11Pero hindi raw maiiwasan na may mga plant
06:14ang kailangan sumailalim sa scheduled maintenance
06:16tulad ng kausuwagan sa Mindanao
06:19pero inaasahang balik servisyo na sa October 31.
06:22Ang Thermal South Unit 2 naman babalik sa November 6.
06:26Bukod dito, maaaring masira dahil sa epekto ng matinding init.
06:30Ayon sa Department of Energy,
06:32bukod sa mga ginagawa nilang paraan
06:34para madagdaga ng supply ng kuryente
06:36sa panahon ng Super El Niño,
06:38mahalaga rin daw ang pagtitipid sa konsumo
06:40ng mga consumers.
06:41Unplug po natin yung appliances natin
06:43kung hindi po natin ginagamit.
06:46Isang bumbilyal lang po,
06:47ma-turn off ninyo
06:49or isang appliance lang na ma-unplug ninyo.
06:51So that will be helpful po
06:52para po mabawasan ang demand.
06:54Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
06:58Grounded o hindi muna pinapayagang lumipad
07:01ang mga katulad ng modelo
07:02ng dalawang eroplano ng Air Force
07:04na nagkabanggaan sa training nitong biyernes.
07:07Sa gitna niyan, may mga nangutsapa
07:09sa apat na pilotong nasawi
07:11bagay na kinondena
07:13ng kalihim ng Department of National Defense.
07:16Nakatutok si Chino Caston.
07:21Nagsasagawa ng training
07:22ang dalawang SF-260 aircraft
07:25ng Philippine Air Force
07:26nang biglang ang insidente
07:28na ganap nitong biyernes
07:30sa Lipa Air Base sa Batangas
07:31ikinasawi ng apat na pilotong
07:33sakay ng dalawang trainer aircraft.
07:36Patuloy na iniimbestigahan
07:38ang banggaan
07:39alinsunod sa utos
07:40ng Department of National Defense.
07:42Pero sa ngayon,
07:44ay grounded na
07:44o di muna pinalilipad
07:46ang buong fleet ng SF-260
07:48aircraft
07:49na ginagamit
07:50pang training
07:50ng Philippine Air Force.
07:52Brand new sila
07:53ng bilhin
07:54mula 2010
07:54hanggang 2011.
07:56Pero nitong May 26,
07:58isa sa kanila
07:59ang bumagsak
08:00sa mga bundok
08:01ng bengget
08:01na ikinamatay
08:02ng dalawang pilotong
08:03sakay nito.
08:04At nitong biyernes nga,
08:06nagkabanggaan naman
08:07ang dalawa pang
08:08SF-260 aircraft.
08:09Pinaiimbestigahan natin
08:11yung insidente
08:12dahil pangatlo
08:13na ito
08:13na nangyari.
08:14So,
08:15baka systemic
08:16na yung problema.
08:17Kaumpisa pa lang
08:18kasi
08:19ito,
08:20preservation
08:21ng
08:23mga pyesa
08:24ng aeroplano
08:25na masasalvage,
08:27hahalughugin pa
08:28yung mga records,
08:29titignan yung
08:30mga
08:30past performances
08:33ng mga piloto
08:34na involved.
08:35Kinundin na din
08:36ito yung Doro
08:37ang mga ani
08:37ay pangungutya pa
08:38ng ilang tao
08:39sa mga pilotong
08:40na matay
08:41habang nagsisilbi
08:42sa bayan.
08:43Ganyan pa ang maririnig mo.
08:46Eto na nga,
08:47nagsisilbi.
08:47Pwede naman pumunta
08:48sa airline
08:49itong mga batang ito.
08:51Pero nag-decide ito
08:52na magsakripisyo,
08:53ganun pa naman
08:54ang comments.
08:56Eto,
08:57ay katriduran na rin
08:59sa Republika
09:00ng Pilipinas.
09:01At hindi karapat-dapat
09:03tawagin na Pilipino
09:04ang mga nagsasalita
09:05na ganito sa kabili.
09:07Nakiramay sa pamilya
09:08at binigyang punggay
09:09ni Philippine Air Force
09:10Commanding General
09:11Lieutenant General
09:12Arthur Cordura
09:13ang apat na pilotong
09:15namatay.
09:16Kasulukuyang nakaburol
09:17ang mga labih
09:18ng ilan sa mga piloto
09:19sa Bilyamore Air Base
09:21sa Pasay City.
09:22Ang Philippine Military Academy
09:24kung saan graduate
09:25ang ilan sa mga
09:26namatay na piloto
09:27nagpaabot din
09:28ng pakikiramay.
09:30We pause for a moment.
09:33One minute silence.
09:35We pray for the
09:37fallen comrades,
09:38the pilots
09:39of the two
09:41Philippine Air Force
09:42SF-260 aircraft
09:44involved in the
09:45incident yesterday.
09:46Sa isang statement,
09:48kinundina din
09:49ng Philippine Air Force
09:50Flying School Alumni Association
09:52ang anilay
09:53mga mapanira
09:54at malisyosong post
09:56na kumakalat
09:57sa social media
09:58kaugnay ng insidente.
09:59Anila ang pagkamatay
10:01ng tao
10:01hindi raw dapat
10:03gamitin pagkakataon
10:04para mamahiya,
10:06mangutya
10:06o magpakalat
10:07ng walang basihang
10:08espekulasyon.
10:09Dapat anila
10:10tandaan
10:11na may mga
10:12nagluluksang pamilya,
10:14kaibigan
10:14at komunidad
10:15para sa mga nasawing
10:16naglagay ng buhay
10:18sa serbisyo ng bansa.
10:20Sino gasto na katutok?
10:2224 oras.
10:31Pahirapan na ang pagsakay
10:33sa mga bus
10:33pa probinsya
10:35sa ilang ruta.
10:36Anim na araw bago
10:37ang Todos Los Santos.
10:39May mga nakitaan
10:40naman ang paglabag
10:41at nagpositibo
10:43sa random drug test
10:44sa inspeksyon
10:45sa ilang terminal
10:47ng Land Transportation Office.
10:49Nakatutok si Marisol Abduraman.
10:54Inanggala ng plaka
10:56ang bus na ito
10:56na Biyahing Bataan
10:57sa isang bus terminal
10:58sa Cubao, Quezon City.
11:00Kumamit daw kasi ito
11:01ng hindi-autorizadong
11:02improvised na plaka.
11:09Hindi muna pinabiyahe
11:11ang bus
11:11kaya ang mga sakay
11:12na pasahero
11:13no choice
11:14kundi lumipat.
11:15Ilang lipat na po kami
11:17ay sobrang napuginit
11:18ng panahon.
11:20Hasell po sa trabaho.
11:22Malilate na po kami.
11:23Ganun po talaga
11:23ay susunod lang tayo
11:25sa regulation nila ma.
11:26Hindi rin muna
11:26pinabiyahe ang bus na ito
11:28sa isa pang bus terminal
11:29na kulang daw
11:30ang turnilyo
11:31ng isang gulong.
11:32Early warning device
11:33naman at fire extinguisher
11:34ang hinanak
11:35ng inspection team
11:36sa mga bus na ito
11:37sa iba pang bus station.
11:39Nag-inspeksyon na
11:40ang LTO
11:41para matiyak
11:42na roadworthy
11:42ang kondisyon
11:43ng mga bus
11:44na bambiyahe
11:45lalo na ngayong undas.
11:47Yung kanilang gulong
11:47ay maayos pa.
11:50Maayos pa
11:51yung kanilang sasakyan,
11:52yung kanilang
11:52mga ilaw,
11:54yung kanilang wiper
11:55ay gumagana lahat.
11:57Pero bukod sa mga sasakyan,
11:59dapat maayos din daw
12:00ang kondisyon
12:01ng mga driver.
12:02Kaya nagsagawa rin sila
12:04ng alcohol breath analyzer.
12:05Wala namang nag-positive
12:06na nakainom sila ng alak.
12:09Nagsagawa rin ng drug test
12:11kung saan may nag-positibo.
12:13Welcome naman ang drug test
12:14sa ilang driver
12:15na nakausap namin.
12:16Okay naman po yun.
12:17Okay po ma'am sa aming
12:18mga empleyado
12:19kasi unang-una
12:24nagiging maayos po
12:25yung kuha ng pagmamaneho.
12:27Sa pag-iikot ng LTO,
12:30may nahula rin sila
12:30mga kolorong na sasakyan
12:32na nasa likod lang
12:33ng bus station.
12:34Ayon si LTO,
12:36delikadang sumakay
12:37sa mga kolorong na sasakyan
12:38dahil wala itong insurance.
12:40Bagamat mas mabilis daw
12:41ang biyahe
12:42at mas mura
12:43mahigpit nila itong ipinampabawal.
12:45Malaking bagay
12:46lalo na po sa aming
12:47mga senior citizen
12:50dahil sa proteksyon.
12:53Samantala,
12:54pahirapan na raw
12:55ang pagsakay ng bus ngayon.
12:57May ilang tayong nakausap kanina
12:59na galing na sa ibang bus station.
13:00Wala raw kasing bus
13:01na masakyan.
13:04Marisol Abduraman
13:05Nakatuto
13:0624 Horas
13:09Magpapalutang
13:10ng mga solar panels
13:11sa isang dam
13:12sa Northern Luzon.
13:13Hindi lamang para sa
13:14produksyon ng kuryente
13:15kundi para
13:16maibsaan ang mabilis
13:17na pagsingaw ng tubig
13:18lalo't ngayong
13:19may super el ninyo.
13:21May dalawang irrigation system
13:22ding pinasinayaan
13:23kabilang
13:24ang isang solar power.
13:26Nakatutok si Jonathan and Dom.
13:31Ang tubig mula sa Magat Dam
13:33itatawid sa bundok
13:35gamit itong bagong bukas na
13:37Alpis
13:37o Alfonso Lista
13:38Pump Irrigation System
13:40na ginasusan ang gobyerno
13:41ng halos
13:42isa't kalahating
13:43bilyong piso.
13:44Itong tubig
13:45mula sa Magat Dam
13:46bobombahin
13:47para makakit dun
13:49sa bundok
13:49papunta sa mga
13:51irrigation kanal
13:52at sakahan
13:52dito sa bayan
13:53ng Alfonso Lista
13:55sa probinsya
13:55ng Ipugaw.
13:57Si Pangulong Bongbong Marcos
13:58sa nagpasinayan ito kanina
13:59sabi niya
14:00makatutulong ito
14:01sa mga magsasaka
14:02na naghihintay ng ulan
14:03sa kanilang taniman
14:04ngayong may super el ninyo.
14:05Naging mas mahalaga pa ito
14:07dahil sinararamdaman na natin
14:10ang super el ninyo
14:12upang matiyak naman natin
14:15na kahit tagtuyot
14:16na grabe na pagtuyot
14:17ay meron pa rin tayong
14:21makukuhanan ng tubig
14:23para sa irigasyon.
14:24Pakikinabangan ito
14:25ng mahigit isang libong
14:27magsasaka
14:27at mahigit dalawang libong
14:28hektaryang sakahan
14:29sa apat na barangay
14:31sa bayan ng Alfonso Lista
14:32sa Ifugaw.
14:33Pagbibida pa ng Pangulo
14:34dahil sa pumping station
14:36na abot sa 26,000 metric tons
14:39ang dating 900 metric tons lang
14:41na anin ang palay
14:42ng mga magsasaka
14:43at lolobo pa
14:44ng halos 10 beses
14:46ang kita ng mga ito.
14:47Imbis na 16 million pesos
14:49ay magiging 159 million pesos
14:53na ang kikitain
14:55ng ating mga manalon
14:56ng mga ating magsasaka.
14:58Pagaganahin ang pumping station
14:59ng limang malalaking pump
15:01na may kapasidad
15:02na TIG 1,700 kilowatts
15:04o pinagsamang 8.5 megawatts.
15:07Sa Pamplo na Cagayan,
15:09pinasinayaan din ng Pangulo
15:10ang isa pang irrigation system
15:12pero ang gamit,
15:13solar power.
15:14Ginastusan ito
15:15ng halos 100 milyong piso
15:17na pakikinabangan
15:18ng mahigit
15:18300 magsasaka
15:20at 600 hektarya
15:21ng sakahan
15:22sa limang barangay
15:23sa Pamplona.
15:24Hindi lamang
15:25pang-irigasyon
15:26ang tubig
15:27kung hindi linagyan na rin
15:28natin ng isda.
15:30Naglagay tayo
15:31ng fishnet dito.
15:33Pag bumaba
15:34na masyadong tubig,
15:35pwede nang kunin
15:36yung mga isda
15:37at dagdag
15:38para sa inyong hanap buhay
15:42ang pagpagbenta,
15:43pagkakuha,
15:44paggamit
15:45ng mga isda
15:46na palalakayin natin
15:47dito sa ating mga fishnet.
15:49Sa Ramon, Isabela,
15:50sinilip naman ng Pangulo
15:51ang magiging lokasyon
15:53ng palulutangin
15:54ng mga solar panel
15:55sa Magat Dam.
15:56Ito ang panukalang
15:5867-megawatt peak
15:59Magat Floating Solar Power Project
16:01na kaya raw mag-supply
16:03ng malinis na enerhiya
16:04sa umigit-kumulang
16:0642,000 kabahayan
16:08at makatutulong
16:09mabawasang sumingaw
16:10ang tubig
16:10sa Magat Reservoir.
16:12Mula Isabela,
16:13Jonathan Andala
16:14na Katutok,
16:1524 Oras.
16:21Happy Monday,
16:22chikahan mga kapuso!
16:24Excited na para sa kanyang debut
16:25si Caprice Cayetano
16:26dahil makakasama niyang
16:28mag-celebrate
16:29ang malalapit
16:30sa kanyang puso.
16:31Pero bago yan,
16:32may pa-advance celebration
16:34na ang kanyang cats.
16:35Makichika
16:36kay Aubrey Carantel.
16:40Pretty in pink
16:41ang debutant-to-be
16:43na si Caprice Cayetano
16:44sa kanyang malaprinsesang gown
16:46nang dumating sa
16:47advance debut celebration
16:48na inihanda
16:49ng kanyang fans.
16:50Ang look ni Cap
16:51bumagay
16:52sa dreamy venue.
16:55May inihanda rin siyang
16:56dance number.
16:57May friends and fans din
16:59si Caprice
17:00na nagkaroon ng pagkakataon
17:01na magbigay
17:02ng kanilang birthday wishes.
17:04Nakakatuwa po
17:05kasi yung
17:06presents pa lang po nila
17:07is gift na rin po nila
17:08sa akin.
17:09So nakakatuwa po
17:10na makita sila
17:11nasa sa isang
17:12lugar lang po.
17:14All set na raw
17:15ang lahat
17:16para sa pinaka-inaabangang
17:17debut celebration
17:18ng PBB Celebrity
17:20Colab 2.0
17:22Big Winner.
17:23Nakaka-excite na po
17:24talaga yung debut ko.
17:25Hindi na po talaga
17:26ako makapaghintay
17:27kasi doon po
17:28yung mga
17:29hindi ko na rin po
17:30nakikita pa masyado
17:31na co-workers ko.
17:32Mas makikita ko po
17:33doon sa aking
17:35special day.
17:36And yung housemates po
17:37siyempre yung mga
17:38loved ones ko po
17:39nandoon din sila
17:39to celebrate
17:40with me.
17:43Nakasama rin ni Caprice
17:45ang kanyang
17:45A Million Dreams
17:46co-star
17:47na si John Clifford.
17:49Nakatawa po na
17:49makita sila ulit,
17:51may mga familiar faces po
17:52and meron pa pong
17:53mas nadagdagan pa
17:54kasi mas malaki na po
17:55yung venue ngayon.
17:56Sobrang
17:57daming surprises
17:58ng mga fans
17:59and siyempre
17:59ngayon sobrang
18:00laki ng fan meet namin
18:02ang daming tao
18:03na pumunta.
18:04Mapapanood na soon
18:05ang pagbibidahan nilang
18:06upcoming
18:07Kapuso
18:08Afternoon Prime Series.
18:10Super fun talaga
18:11siya i-shoot.
18:11Marami talagang
18:12mga
18:13scenes na
18:14hindi ko pa
18:15natutry before
18:16and I think
18:17it's something new
18:18para sa mga viewers
18:19and at the same time
18:20na hindi pa nila
18:21nakikita sa amin
18:22ni Caprice.
18:22So super excited.
18:24Unexpected po
18:25na mag-meet
18:26yung characters
18:27namin doon
18:27so parang
18:28mag-evolve din po siya
18:30as mag-unfold
18:31po yung story.
18:32Aubrey Carampel
18:33updated
18:34sa showbiz
18:35sa amin.
Comments

Recommended