00:003 sugatan kabilang ang 2 dayuhan matapos hampasin ng martilyo sa ulo sa Sampaloc, Maynila.
00:07Ang ng martilyo, kinuhuyog ng mga residente.
00:10Balita natin ni Jomra Presto.
00:16Nagtakbuhan ng mga residente ang nasa tapat ng isang bahay sa bahagi ng Visayan Avenue sa barangay 567 Sampaloc, Maynila,
00:23pasado alas 11 ng gabi nitong miyerkules.
00:25Maya-maya, isang lalaki ang kinaladgan palabas ng isang babae.
00:30Lumapit ang mga residenteng nagtakbuhan at kinuyog ang lalaking kinaladgan.
00:34Ang lalaking kinuyog, sospek sa tangkang pagpatay sa tatlong tao kabilang ang dalawang foreign national ayon sa polisya.
00:41Ang sospek, kaibigan pa raw mismo ng isa sa mga biktima.
00:46Base sa investigasyon, inimbitahan ang 26 anyos na lalaking biktima na isang US citizen ang 20 anyos na sospek.
00:53Itong sospek po natin is nagkaroon po ng utang sa kapatid ng biktima natin.
00:59Ang pagkakala po namin is 100,000.
01:02Itong sospek po, nagalit po dahil hindi niya po maibigay yung utang sa biktima.
01:10Kumuha raw ng martilyo ang sospek at hinataw sa ulo ang dayuhang biktima.
01:14Nang palabas na sana ng kwarto ang sospek, naabutan naman nito ang 62 anyos na kasambahay ng biktima na nasa
01:21tapat ng pinto.
01:22Hinataw din niya ng martilyo sa ulo ang senior citizen na kasambahay.
01:26Sinubukan naman umawat ng 23 anyos na babaeng kapatid ng dayuhang biktima, pero maging siya ay inatake rin ang sospek.
01:33Nung nagkaroon po ng komosyon po sa loob ng bahay, itong sospek po, pababa na po siya.
01:39Pero nagsigaw-sigaw po yung biktima na maglanakaw, maglanakaw.
01:44Kaya agad daw tumulong ang mga residente para hindi makatakas ang sospek.
01:48Ayon sa barangay, nakalabas na ng ospital ang kapatid na babae at ang senior citizen na kasambahay.
01:54Nasa ospital, parawi ang lalaki, yung napuruan.
01:58Walang problema yung pamilya na yan eh.
02:00Actually, they are very cooperative sa barangay.
02:03Pagka-friendly mo kasi minsan, naabuso ka, di ba?
02:07Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng mga biktima.
02:09Ang sospek, nasa custodial facility na ng MPD at tumanggi munang magbigay ng pahayag.
02:14Maharap siya sa three counts ng frustrated murder.
02:18Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA News.