00:00Mga kapuso, bumagal ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa nitong third quarter,
00:04ang pinakamahina matapos po ang pandemia.
00:07Dagdag, bad news yan.
00:08Kasunod lamang nang naitalang 7.8% ang bilis ng pagmahal ng mga bilihin at servisyo nitong Oktubre.
00:15Paano pa kaya ang noche buena ng mga Pinoy?
00:18Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:23Sa monitoring ng Department of Agriculture o DA, nagmahal na ng 20% ang mga lowland vegetables o yung mga
00:30hindi galing sa kordilyera.
00:32Nagmahal din ang karat sa tripolyo.
00:34Pero normal lang daw yan, ayon sa DA.
00:37Seasonal po, usually historically po talaga, medyo ang ating mga presyo talaga ng gula,
00:44medyo may mga ganyan po talagang alahon na medyo may pagtaas, may pagbaba.
00:50Depende po kasi kung pahon po niya o hindi.
00:53At the same time po, of course, yan, papalapit na po ang Pasko.
00:57May mga talagang minomonitor po talaga tayo dahil mga ingredients usual yan ng noche buena.
01:02So nakakamonitor po tayo ng medyo pagtaas dyan.
01:06Ngunit sinasabi po namin na ito ay normal po ito.
01:09Dito Oktubre pa lang, bumalis na sa 7.8% ang pagmahal ng mga bilihin at servisyo.
01:14Sa pinakahuring datos ng Philippine Statistics Authority o PSA.
01:18Ang pangunahing dahilan, ayon sa Department of Economy, Planning and Development o Dep-Dev,
01:23ang mga pangyayari sa labas ng bansa at hindi lang Pilipinas ang apektado.
01:28Ang pinakamataas po na contributor to this inflation is really yung transport cost.
01:35Tapos itong October kasi pumalo na rin po yung mga fair hike natin.
01:40This is also related to yung sa fuel prices dyan.
01:43Tapos dyan sa electricity.
01:45Sa lahat po ng mga bansa na tawag natin yung oil importing country,
01:51nandun po talaga yung negative na effect.
01:55Kasabay ng paglobo ng inflation,
01:57ang pagbagal sa gross domestic product o GDP sa 2.1%.
02:02Yan po ang kabuan ng halaga ng mga produkto at servisyo sa bansa noong third quarter ng 2026
02:09at mas mabagal yan sa 2.4% na naitala noong second quarter.
02:14Pero bumagal man, positive pa rin naman daw yan ayon sa Dep-Dev.
02:19Ang halaga ng piso noong 2018, katumbas na lang ng 75 centavos ngayon ayon sa Dep-Dev.
02:26Pero bumilis din naman umano ang kita ng mga Pilipino.
02:29Ang isa po kasing titinan din natin is kung nagkaroon ng pagtaas naman sa income ng mga tao.
02:37Kasi kung dapat kasi mas mataas yung pagtaas, mas mabilis yung pagtaas ng income,
02:44kesa iso yung pagbilis ng pagangat ng mga presyuhan.
02:50Nakita nga natin 2.1% at slowdown tayo, but it's still positive.
02:54And ito po, in real terms po ito eh, kasi ibig sabihin nun,
03:00kinonsider na natin yung pagtaas ng mga presyuhan doon.
03:05So, nagkakaroon pa rin naman po ng real.
03:09Umaasa ang Dep-Dev na magpapatuloy ang trend na pababa ang presyo ng produktong petrolyo sa world market
03:14at masundan ang mga rollback bukas.
03:17Inaasahan ding mabubuhayan ng ekonomiya ngayong magpapasko
03:20sa pagdating ng mga padala ng mga OFW
03:22at mas mataas sa consumer spending o paggaso sa mga Pilipino dahil sa Pasko.
03:28Sa panahong yan, pag tiyak ng Trade and Industry Department,
03:31walang magiging pagtaas sa basic necessities and prime commodities
03:34na nasa kanilang listahan na makikita sa supermarket at DTI website.
03:39Kabilang dyan ang mga dilata, mantika, kapi at sabon.
03:42Tiyak din daw na walang problema sa supply.
03:44Pero ay mag-usapan ng mga not si buena items.
03:46Kung dati sinabing pwedeng mapagkasya ang 500 pesos,
03:50mas maingat silang magbigay ng budget ngayong taon.
03:53Wala pa po tayong, nag-uusap pa kami, there's still no price set
03:58kasi nag-uusap pa po kami with the manufacturers and the retailers.
04:02Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
04:05Nilinaw ng warden ng New Quezon City Jail na bumibisita lang
04:10ang nabanggit niya kamakailan na umano'y personal assistant
04:13ni Congressman Martin Romualdez sa loob ng kulungan.
04:17Wala rin muna siyang nilabag na regulasyon,
04:20lalo't hindi umano 24 oras sa kulungan ng assistant.
04:24Nakatutok si Maki Pulido.
04:28Para matiak kung nasusunod ang initial commitment order ng Sandigan Bayan
04:33na hindi maaaring ilabas ng kulungan si dating Speaker Martin Romualdez
04:37nang wala nitong utos,
04:38mismong mga mahistrado ng Graft Court ang nag-inspeksyon sa New Quezon City Jail.
04:44Gusto rin nilang matiyak kung nasusunod ang mga regulasyon
04:46sa nasabing detention facility ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP.
04:52Selda ni Romualdez ang isa sa mga ininspeksyon ng mga mahistrado
04:56pero di na ito pinakuhanan sa media.
04:58Tinignan rin nila ang CCTV recording system.
05:01Nang muling humarap sa korte kaninang umaga
05:05si Jail Superintendent Maria Lourdes Passion.
05:07Inamin niyang hindi kumpleto ang recording ng movement ni Romualdez
05:11dahil napatungan na umano ang ibang bahagi.
05:14Nataranta rin lang daw siya nang sabihin itong Huwebe sa korte
05:17na may personal assistant o PA ang dating speaker sa loob ng kulungan.
05:22Nakalistang bisita raw ang nabanggit niyang PA.
05:25Nasa visitors area lang at umaalis umano pagtapos na ang oras ng bisita.
05:29Sumasalang din daw ito sa security screening.
05:33Paglilinaw pa niya, hindi ito 24 oras sa kulungan pero 24-7 na on-call.
05:38Nagihintay lang umano ito sa labas ng kulungan kung tapos na ang visiting hours.
05:43Gingit ng Jail Warden na si Superintendent Passion.
05:45Wala siyang nilabag na regulasyon ng BJMP.
05:48Inaprobahan daw niya ang request ng mga abogado ni Romualdez na ilistang bisita si De Guzman
05:53dahil sa epekto ng mga iniinom na gamot ng kongresista.
05:57Matagal ng personal assistant ni speaker so siya nakakaalam talaga ng mga medicines and all of that.
06:05Kaya and of course yung diet ni speaker siya rin nakakaalam.
06:10Matagal na niyang katulong yan.
06:12So yun ang logical sa amin, sa akin na pasamahan si speaker at that time.
06:19Sa pahayag ng korte na binasa ni Atty. Dennis Pulma, Executive Clerk of Court,
06:25sinabi nitong wala pang kontlusyon ang korte.
06:28At this stage, we would like to clarify that it's premature to announce any findings or conclusions.
06:35Makipulido na katuto, 24 oras.
06:39Binigyang diin ni Vice President Sara Duterte ang halaga ng diplomasya,
06:44kaugnay ng agawan sa teritoryo ng Pilipinas at China.
06:47Pinalagan yan ng isang opisyal ng Philippine Coast Guard
06:51sabay giit na hindi naman ang Pilipinas ang nakikipaggera.
06:55Nakatutok si Marisol Abduramah.
07:00Sa pagharap ni Vice President Sara Duterte sa mga OSW sa Hong Kong kahapon,
07:05binigyan diin niya na hindi dapat nakikipag-away ang gobyerno
07:09o ang mga opisyal nito sa kahit na anong bansa.
07:12Alam niyo, dapat kasi hindi nakikipag-away ang gobyerno
07:20o ang opisyal ng gobyerno sa kahit anong bansa.
07:27Dahil napaka-complicated ng relasyon ng dalawang bansa.
07:34Hindi lang siya, isang bagay lang.
07:38Maraming aspeto ang relasyon ng Pilipinas sa bawat bansa.
07:45Interes daw dapat ng bansa ang pinapahalagahan.
07:48Kaya nga raw merong independent foreign policy.
07:51Sa relasyon daw ng Pilipinas sa China halimbawa,
07:53sa gitna ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea,
07:56sabi ng Vice, maaari ring maapetuhan ang hanap buhay ng mga Pilipino.
08:01Dapat iniisip ng pamahalaan.
08:04Gaano ba kalaki ang baril ko?
08:06Gaano ba kalaki ang baril ng kalaban?
08:10Ulo pa lang, pinupok na yan, maliit mo na baril.
08:13Dapat balansin.
08:16Hindi siya, basta na lang tira ng tira.
08:23Lalo na pang malaki ang baril ng kalaban mo.
08:28Tinakamainam daw na gawin ayon kay Pipi.
08:30Kumuha ng marunong daw sa diplomasya at dalhin ang usapin sa tamang lugar at hindi sa social media.
08:37Kumuho ng isang team ng mga diplomas at yung ay ipadala mo doon sa kung saan may nila gusto makipag
08:47-usap.
08:47Sila dapat, yung nag-uusap, yung isang grupo naman ng ating mga public officials, sila yung nagpapatuloy na,
08:58huy, ating salamat sa pagbabantay ninyo sa aming mga kababayan.
09:05Merong mga problema ang mga kababayan namin dyan.
09:08Pwede ba natin natulungan?
09:11Sa social media po, sinabi ni Philippine Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral J. Tariela,
09:17walang nagsasabing makikipaggyera tayo.
09:19Hindi raw laki ng braso ang laban ng Pilipinas, kundi ang unklos, ang 2016 Arbitral Award,
09:25at ang transparency daw na nagpapakita sa buong mundo kung sino ang nambubuli.
09:30Sabi pa ni Tariela, China ang gumagamit ng water cannon at dangerous maneuvers.
09:35Pinoprotektahan lang daw ng PCGFBFAR ang mga mangingis ng Pilipino sa sarili nating exclusive economic zone.
09:42Matagal na rin daw na nagpapadala ang DFA ng mga diplomat.
09:45Pero hindi raw isinasabuhin ng kabilang panig ang mga napag-uusapan.
09:49Sabi ng Department of Foreign Affairs sa isang pahayag na inaasahang susunan sa direksyon ng pulisya ng Pangulo
09:55ang lahat ng opisyal ng gobyerno.
09:57Nakapangihinayang daw na sa public commentary na hindi nila pinangalan ng government officials
10:02ay pinaghalo ang tatlong magkakaibang bagay.
10:05Mga documentary evidence, mga pahayag sa publiko at mga opisyal na mensaheng diplomatiko.
10:10Sabi ng DFA, malinaw dapat ang pagkakaiba ng mga ito sa pagpapatakbo at ugnayan ng gobyerno.
10:19Marisol Abduramay, Nakatuto, 24 Horas.
10:23Sarado na raw talaga ang usapin ayon kay Naga City Mayor Lenny Robredo.
10:30Hindi na raw siya talaga tatakbo para sa pagkapangulo sa 2028 elections o sa susunod pang mga eleksyon.
10:40Sa isang interview sa media, sinabi ni Robredo na matagal na raw niya ito na pagdesisyonan.
10:46Ayon kay Robredo, kaya raw niya ang trabaho pero kulang daw siya sa pagiging political savvy
10:53o pagkabihasa sa politika para tumawid siya sa national elections.
11:02Agulpi ako na hiling na kakulangan sa saliri ko para mag-take on yung national polls.
11:10And very honest man ako about it, siguro ang trabaho kakayanon pero garukulang talagaan sa koyang political savvy
11:18para matraverse po ang national politics.
11:22Pero yan ang naiko kaya.
11:30Makakapuso, saglit lamang pumasok at ngayon ay nasa labas na muli ng Philippine Area of Responsibility
11:36ang Bagyong Samuel.
11:37Ayon sa pag-asa, lumabas ng PIR ang Bagyong Samuel kaninang alas 4 ng hapon.
11:43Hindi ang makaka-apekto sa lagay ng panahon at patuloy na kumikilos palayo ng bansa.
11:47Samantala, patuloy na nagdudulot ng maulap at bahagyang maulang panahon ang hanging-amihan sa malaking bahagi ng Luzon.
11:55Kabilang po ang Metro Manila, Easterly, so mainit na hangin mula po sa Dagat Pasifiko,
11:59naman ang nakaka-apekto sa Visayas at Mindanao at posibleng magdulot ng thunderstorms o bigla ang buhos ng ulan.
12:06Sa datos ng Metro Weather, may tsyansa ng malakas na ulan sa ilagang bahagi ng Quezon Province.
12:11Asakan naman ang katamtamang ulan sa Cordillera Administrative Region at Mindoro Province.
12:16Sa Kapon, posibleng lumakas ang ulan sa Mindoro Province at may tsyansang ulanin din ang Cagayan Province.
12:22Sa Visayas at Mindanao naman, asakan ang maulang umaga sa mga provinsya ng Samar, Leyte at Bohol,
12:29kaya hindi sa malaking bahagi ng Eastern Mindanao.
12:31Pagsapit ng tangali hanggang hapon, halos buong Mindanao na ang makararanas ng pag-ulan.
12:36Pusible ang heavy to intense rains, kaya iba yung pag-iingat po sa Baja Atlants Line.
12:41Sa Metro Manila, mababa ang tsyansa ng ulan sa maghapon pero maging handa pa rin sa thunderstorms.
12:46May nakataas din pong gale warning sa Batanes, Baboyan Islands, ilagang baybayin ng Cagayan,
12:51pati po sa ilaga at kalura mga baybayin ng Ilocos Norte.
12:55Lubhang delikado sa maliliit na sasakyang pandagat na maglayag sa mga nasabing lugar dahil po sa matataas na alon.
13:07Happy Monday, chikahan mga kapuso!
13:10Nagbigay ng saya at dagdag kulay ang mga Sparkle at Kapuso Stars sa pagdiriwang ng Pinta Flores Festival sa Negros
13:17Occidental.
13:18Narito ang report ni Aileen Pedreso ng GMA Regional TV.
13:26Literal na napintahan ng makukulay na bulaklak ang mga kalsada sa San Carlos City Negros Occidental nitong November 5.
13:33Naglalaki ang flower props kasi na iba't ibang kulay ang bitbit at suot ng dancers na 100% ang hataw
13:39sa sweet dancing na isa sa highlights ng 34th Pinta Flores Festival.
13:45Makikita ang saya sa mukha ng mga bisita at residente habang nanonood ng performances.
13:52Kaya naman proud ang LGU na na-showcase ang talento ng mga nigrense.
13:56Ngayong taon, anim na contigents ang nagpasiklaban.
14:00Mas naging espesyal pa ang Pinta Flores Festival sa pagbisita ng Kapuso Artists.
14:04Napuno ang Central Mall Grounds ng fans sa nagbonding kina Jennifer Maravilla, Larkin Castor, Ronnie Liang at Harleen Budol sa
14:12Kapuso Fiesta.
14:14Si Jennifer, nagpabilib sa kanyang beat-it skills.
14:20Napangiti at nangharana naman si Larkin at si Ronnie.
14:24Habang si Harleen, todo bigay sa kanyang performance.
14:31Maraming maraming salamat po sa mainit na pagtanggap ng San Carlos.
14:36Ang gagaling niyo sumayaw at sobrang energetic niyo.
14:39Hindi rin pinalampas ng Kapuso Artists ang chance na tikman ang ilang produkto ng mga taga San Carlos City gaya
14:45ng bane, peanut butter at sambaga.
14:48Mula sa Jemmy Regional TV at Jemmy News, Aileen Padreso, Nakatutok, 24 Horas.