00:02The 49th ASEAN Summit and Related Summits
00:30para maiwasan ang mga panganib sa kalakalana habang pinananatiling bukas at maayos ang daloy ng mga produkto at pamumuhunan.
00:36Mahalaga ito sa Pilipinas dahil layunin itong protektahan ng mga export, palakasin ang tiwala ng mga trade partners,
00:42at gawing mas kaakit-akit ang ASEAN bilang destinasyon ng negosyo at manufacturing investments.
00:48Inaasahang makatutulong ito sa paglikha ng mga oportunidad sa trabaho, pagpapalago ng lokal na negosyo at pagpapatatag ng supply chains.
00:56Bilang susunod na hakbang, bubuo ang ASEAN ng Expert Group on Strategic Trade Management na maghahanda ng roadmap
01:03at magtatakda ng mga rekomendasyon para sa mas maayos na pagpapatupad ng kasunduan.
01:09Mas pinalakas na kooperasyon sa pagmimina at pagproseso ng mga critical minerals ang layunin ng ASEAN Declaration on Critical Minerals.
01:17Sa ilalim nito, magtutulungan ng mga bansa sa rehyon para palakasin ang pamumuhunan, teknolohiya at produksyon ng mga mineral
01:24na mahalaga sa paggawa ng batteries, renewable energy systems, digital technology at iba pang industriya.
01:31Oportunidad ito para sa Pilipinas na mapalaki ang halaga ng sariling yamang mineral sa pamamagitan ng pagproseso
01:37at paggawa ng mga produktong may mas mataas na value.
01:40Sa halip na umasa lamang sa pag-e-export ng mga mineral, oras na maipatupad, posibleng magbunga ito ng bagong
01:46pamumuhunan,
01:47trabaho at negosyo para sa mga komunidad na mayaman sa mineral resources,
01:52kasabay ng mas responsable at sustenabling pagmimina.
01:55Bubuo ang ASEAN ng Regional Critical Mineral Strategy na magtatakda ng mga priority projects,
02:01investment opportunities at mga plano para sa pagpapaunlad ng industriya.
02:07Mas malawak na oportunidad sa pag-export at pamumuhunan sa Canada ang inaasahang makukuha ng Pilipinas
02:13matapos makumpleto ang mahalagang negosasyon para sa ASEAN-Canada Free Trade Agreement o ACAFTA,
02:19ang kauna-unahang free trade agreement ng ASEAN sa isang North American partner.
02:23Saklaw nito ang kalakalan ng mga produkto at serbisyo, pamumuhunan, e-commerce,
02:28at suporta sa micro, small and medium enterprises o MSMEs.
02:32Magbubukas ito ng posibilidad para sa mga lokal na negosyo na magpapalawak ng kanilang pamilihan sa Canada,
02:38makahikayat ng pamumuhunan, at makapasok sa mas malawak na global supply chains.
02:43Posible rin itong magbigay ng bagong oportunidad sa trabaho at magpalago sa mga negosyong Pilipino.
02:49Target ng ASEAN at Canada na pirmahan ang kasunduan sa 2027,
02:53matapos makumpleto ang natitirang technical na detalye.
02:57Samantala, inaprubahan ng ASEAN foreign ministers ang concept note at terms of reference
03:02ng Proposed ASEAN Maritime Center na magsisilbing sentro ng pananaliksik,
03:07pagbabahagi ng impormasyon, at pagsasanay sa iba't ibang usaping pandagat.
03:11Sa pamamagitan nito, mas mapapalakas ang kooperasyon ng mga bansa sa ASEAN
03:15sa pagprotekta sa maritime resources at pagpapaunlad ng blue economy
03:19kabilang ang pangingisda, kalakalan at mga serbisyong pandagat.
03:23Para sa mga Pilipinong mangingisda at baybayeng komunidad,
03:26inaasahang magbubukas ito ng mas malawak na akses sa kaalaman,
03:30training, at mga programang makatutulong sa kanilang kabuhayan at kaligtasan.
03:34Susunod na isusulong ang pagbuo at pagpapatakbo ng Maritime Center
03:38bilang regional platform para sa mga maritime initiatives ng ASEAN.
03:42Para sa ASEAN Summit 2026, Kenneth Pasyente para sa Integrated State Media.
Comments