00:04Mula sa pagiging isang wizard, vampire at superhero,
00:09secret agent naman ang bibigyang buhay ni British actor Robert Pattinson,
00:12na bagong James Bond.
00:15May mensahe pa nga sa kanya ang Royal Family.
00:18Makichika kay Nelson Canlas.
00:30Identity confirmed dahil si Robert Pattinson ang pinakabagong James Bond,
00:35karakter na isang British secret agent na may charm at laging naka-tailored tuxedo,
00:41na huling ginampanan ni Daniel Craig.
00:43Mula sa mga nobela ni Ian Fleming,
00:45naging isa ito sa longest running and highest grossing movie franchise in Hollywood history.
00:52Pero di naman bago si Robert o R. Pats sa mga kilalang franchise,
00:56kabilang sa mga iconic characters na ginampanan niya,
01:00ang heartthrob wizard athlete at si Cedric Diggory,
01:03sa Harry Potter and the Goblet of Fire.
01:06Naging crush din siya ng buong mundo bilang ang vampire na si Edward Cullen
01:10sa Twilight franchise.
01:13And this 2022 lang,
01:15ay naging superhero naman ang kanyang atake bilang si Batman.
01:19Pero honor of a lifetime pa rin ang role ni James Bond para kay Robert.
01:24Understatement nga raw na tawagin itong dream come true.
01:28And why not?
01:29Ikaw ba naman ang batiin ng royal family
01:31na welcome to His Majesty's secret service?
01:35Nelson Canlas updated sa Showbiz Happenings!