Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pauutangin ang Amerika ang Pilipinas ng 2 billion dolyar para sa pangailangan ng militar.
00:07Ayon sa White House, sa ilalim ng Foreign Military Financing o FMF loan package,
00:13ay tutulungan ang Pilipinas na makakuha ng mga kagamitan at kakayahan sa depensa at siguridad mula sa mga suppliers sa
00:21Amerika.
00:21Maglalaan din ang Amerika ng 400 milyong dolyar mula sa FMF para palawakin ang operational reach at deterrence capabilities ng
00:31Pilipinas sa South China Sea.
00:33Kabilang dito ang long-range fires, command and control systems, mga kritikal na infrastruktura at multi-domain drones.
00:42Inanunsyo ito kasunod ng pulong ni na Pangulong Bombong Marcos at US President Donald Trump sa isa na gawang state
00:48visit.
00:52Arestado ang labing isang Chino at isang Pilipino sa nabistong Malapogo Umanong Scam Hub sa Nasuggo, Batangas.
01:00Bukod sa mga computer at laptop, may nakumpis ka rin isang baril at tatlong magazine na may mga bala.
01:06Ayon sa mga otoridad, wala umanong business permit ang establishmento.
01:10Wala rin umanong kaukulang dokumento ang mga dayuhan para magtrabaho sa Pilipinas.
01:15Nakikipagugnayan na ang polisya sa Bureau of Immigration.
01:18Ilang araw daw nilang minanmanan ang gusaling nasa liblib na lugar bago ito sinalakay.
01:32Kaya raw tapusin ang defense team ni Vice President Sara Duterte ang kanilang paglalatag ng ebidensya sa Desyembre.
01:38Sa pagkapatuloy ng paglilitis kanina, binusisi ang kwalifikasyon ng testigo ng depensa.
01:44Gayun din kung nabasa niya ng buo ang ulat ng financial forensic analyst na testigo ng prosekusyon.
01:50Saksi si Sandra Aguinaldo.
01:55Who is this guy? I'm really very, very curious about the qualification of this gentleman para lahat na lang ng
02:02topic kayang-kaya niyang sagutin.
02:04Kinuwestyo ng ilang senador ang kwalifikasyon ng defense witness na si Attorney Rainer De La Fuente sa impeachment trial laban
02:12kay Vice President Sara Duterte.
02:14Si De La Fuente, isang CPA lawyer at dating compliance officer ng Anti-Money Laundering Council o AMLAC.
02:21Pero puna ng ilang senador.
02:23Is he a super witness, omni-witness?
02:26Pati ba naman pati Amici Coray, pagpakialaman niya, Supreme Court, pakialaman niya, ombudsman, DOJ.
02:32Na babother po ako, ginong Pangulo, at naaalarma na hindi po siya ang DOJ, hindi po siya ang ombudsman,
02:40lalo na hindi po siya ang core party ng korte para magbigay po ng binding legal conclusions o magdesisyon kung
02:48meron nga po nga criminal liability.
02:51Bago yan, ipinunto ng depensa ang pagiging confidential ng mga bank record.
02:55Gayaan nila ng bank records ng PC at asawang si Attorney Man Scarpio na inilabas ng AMLAC sa House Committee
03:02on Justice.
03:03What is the propriety of aggregating confidential data from the CTRs and STRs and disclosing them to the public?
03:12Pag mga ganyang sinishare na information, may pamantayan, meron pong rules na nilalagay ang AMLAC as to how the information
03:22should be used and for what purpose.
03:25Nagpakita rin ang depensa ng video mula sa impeachment trial di dating Chief Justice Renato Corona noong 2012.
03:31Tulad ng opinyo noon ni Nooy Senadora Miriam Defensor Santiago tungkol sa pag-withdraw ng ilang articles of impeachment ng
03:39prosecution at confidentiality ng bank account ni Corona.
03:44Kayo ang sinasabi nyo? Panangalo na kami dito sa tatlo. Kami ang magdesisyon yan, hindi kayo. Magyayabang nyo!
03:50Ipinakita rin ang pahayag ni Corona na nasira umano ang kanyang pangalan at apektado ang kanyang pamilya dahil sa mali
03:58umanong akusasyon.
03:59Pero pareho yung hindi na pinatapos ni Presiding Officer Sen. Cheese Escudero.
04:04Ang paglabas ng mga video, pinunan ang prosecution at hindi rin nagustuhan ng ilang senator judge.
04:11I do not see the relevance of the statements made by the Chief Justice Corona about his alleged persecution, except
04:20that it is an appeal to emotion that I believe has no place in this impeachment trial.
04:25Pagpahingahin na po natin yung namayapa, that is a different case, this is a different case, this is a different
04:33set of senators, di ba rin po yung sinaunang panahon.
04:38Alam natin na diniscuss yung bank records, credit card records, etc.
04:44I just appeal for a little bit of leeway for them to be able to serve their client well by
04:51being able to present their defense.
04:54Natalakay rin ang depensa ang ilang punto sa report ng financial expert na prosecution witness na si Atty. Alexander Cabrera,
05:02kung saan nakasaad na may mahigit 800 million pesos umanong unexplained wealth si Vice President Duterte.
05:09Kabilang dito, on tukos sa kumpanyang GenCorp na idineklara ng bisis sa kanyang salen, pero hindi raw niya idineklara ang
05:17kita mula rito.
05:18How would you characterize a report po that uses conjectures?
05:23Well, we cannot base, especially if it concerns financial investigation, hindi hulang basis sa conjectures.
05:31Dapat po, ito ay may facts.
05:34Ano po ba yung conjectures sa Filipino?
05:37Sa aking kong paghalam, ito ay mga haka-haka.
05:40Ipinakita rin ng depensa ang salen ni Pangulong Bongbong Marcos na final noong 2023 at 2024 kung saan nakadeklara umano
05:49ang business interest ng Pangulo.
05:52Tumaas din daw ang net worth ng Pangulo sa mga nagdaang taon.
05:55There's a portion po doon na business interest and financial connection.
06:00So si PBBM listed two. One is Araka Resources Corporation and then the other one is El Paraiso Farms Incorporated.
06:10As a financial investigator, what comments do you have on the financial and business interest portion?
06:16This portion po of PBBM saldo.
06:18As far as I can remember, this is a harmless information.
06:23From 960,000 in a year, naging 1.1 billion.
06:28And then after another year, nag 200 million increase na naman.
06:33Naging 1.3 billion pesos.
06:35Kailangan mo mabusising investigahan muna yan before we can make a conclusion.
06:41Kaugday pa rin sa Gencorp, tinanong ng depensa sa financial investigator ang paggamit ng prosekusyon ng mga resibo ng fast
06:50food bilang isa sa ebidensya para matukoy na lima ang pag-aari nitong branches.
06:56Naisip niyang paraan ay kumain sa Jollibee branches at tingnan yung mga resibo.
07:00Actually, Your Honor, napapakunot ako ng noo kanina doon sa resibo.
07:04I don't see the...
07:05Again, we don't do this sa financial investigation.
07:08It can be verified by official SEC documents.
07:13It is more official.
07:14Matatandaan bukod sa mga resibo ito, iprenesenta din naman ang prosecution sa Impeachment Court,
07:20ang mga dokumento mula sa Securities and Exchange Commission at SAL and ang Vice Presidente kaugnay sa Gencorp.
07:27Sa cross-examination, binusisi ng prosekusyon, ang kwalifikasyon at pagiging eksperto ni De La Fuente.
07:33What was your position, sir, BSP ranking?
07:37Bank officer 2.
07:38Bank officer 2.
07:40So that is not a senior management position, am I correct?
07:43Yes, Your Honor.
07:44Yes, that's entry level.
07:46So your expertise or your claimed expertise as a financial expert in financial investigation
07:55only comes from the 25 months you were a entry level investigator for the AMLC.
08:04Is that correct?
08:05Yes, Your Honor.
08:06Tinanong naman ang Senator Judges kung nabasa ba ni De La Fuente ang buong report mula sa testigo ng prosekusyon.
08:14Mr. Witness, any documents provided to you before appearing here?
08:22None, your honor.
08:23Kahit na nanggaling pa siya dyan sa AMLAC, etc., na yung kanyang expertise.
08:29Kung hindi naman niya po nakita pala, yung mga dokumento, STRs, CTRs, what good is it?
08:36Para anong titistigo niya?
08:38Base lang po sa batas, maaari ko na akong sagutin kung ano yung nasa, na ito ba ay lawful or
08:46hindi.
08:46Pagkatapos ng presentasyon ng witness, ipinunto ng depensa na ang burden of proof para mapatunayan na may unexplained wealth ang
08:54vice ay nasa prosecution umano at beyond reasonable doubt umano ang dapat nabataya ng hato dito.
09:02Bukod kay De La Fuente, tatlong testigo pa ang nakatakbang ipresenta ng depensa. Bahagi si De La Fuente ng ikalawang
09:09batch ng kanilang mga testigo.
09:11Pagkatapos ng batch na ito, may panghuling batch na lamang na may apat hanggang limang testigo.
09:17Ayon kay Atty. Michael Powa, kaya na nilang tapusin ang presentasyon sa Disyembre.
09:22Most probably, depende naman talaga sa schedule, but I think everyone wants to try to speed things up naman. The
09:29defense is of no difference.
09:31Kung ilang araw naman ang paghahatol sa impeachment trial, nakadepende sa schedule ng susunod na budget deliberation ng Senado ayon
09:38kay Senate President Pro Tempore Tito Soto.
09:41Target daw nilang matapos ang deliberasyon sa katapusan ng Nobyembre.
09:45Ayon kay Escudero, bukas i-aanunsyo ang schedule ng Senado para sa Disyembre.
09:51Sabi naman ang tagapagsalita ng Senate Impeachment Court, kaya ang dinggin ng Korte ang huling limang testigo ng depensa sa
09:59Disyembre.
10:00Can we finish by December? The whole thing until may verdict na ng December.
10:05Yun po yung moving target natin pero wala pa rin pong set in stone.
10:10Ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
10:14Pinatanggal ni Presiding Officer Cheez Escudero sa records na Senado ang bahagi ng livestream na impeachment trial kung saan may
10:21lumabas na nagliliyab na video transition.
10:25Naganap ito sa gitna ng pagdarasal na pinangunahan ni Sen. Alan Peter Cayetano.
10:30Mabilis na nag-viral ang video sa social media.
10:34Pinagsabihan din ni Escudero ang Senate Public Relations and Information Bureau o PRIB na mag-ingat dahil hindi ang hope
10:42sa paglilitis ang nasabing transition.
10:45Sa isang pahayag humingi ng paumanhin ang Senate PRIB.
10:48Naganap daw ito dahil sa hindi inaasahan technical issue.
10:51Ina-upgrade daw nila ang kanilang equipment kasabay ng retraining at upskilling ng kanilang technical staff.

Recommended