- 13 minutes ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:01Music
00:18Mga kapuso, bago sa saksi,
00:20pinare-refund sa Meralco ang halos 2 billion piso sa kanilang mga customer.
00:25Utos po yan ng Energy Regulatory Commission kasunod ng pag-revalue.
00:30Sa regulatory asset base ng Meralco at pagbabawa na ipasa sa mga consumer
00:35ang ilang pension at employee benefit expenses alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema.
00:41Lalabas po ang refund sa susunod na billing cycle ng Meralco bilang hiwalay na item na RAB refund.
00:49Tatagal daw ito ng tatlong buwan o hanggang sa ma-refund ang buong halaga.
00:54Para po sa residential at small commercial customer,
00:56nasa 26 centavos kada kilowatt hour ang balikbayad.
01:01Katumbas po yan ang 52 pesos para sa mga kumukonsumo ng 200 kilowatt hours kada buwan.
01:10Patay ang driver ng kotse na nahulog mula sa ika-apat na palapag na isang gusali sa Makati City.
01:16Bumanga o mano ang sasakyan sa pader ng gusali.
01:19Tumama sa bollard hanggang sa nahulog mula sa parking area.
01:23Saksi si J.P. Sirian.
01:29Bula sa isang gusali, isang kotse ang nahulog sa Jimenez Street sa Makati City.
01:38Halos mapipi ito at naggalat sa kalsada ang mga bahagi ng kotse.
01:43Sa lakas po ng impact na pagbagsak na sasakyan ay umabot po na may 15 to 20 meters yung mga
01:49debris o salamin na nabasag
01:51dito po sa bahagin ito ng Jimenez Street dito sa barangay San Lorenzo sa Makati City.
01:57Agad binawian ng buhal ang lalaking driver ng kotse.
02:01Ayon sa ilang saksi, may narinig silang malakas na tunog sa building bago ang pagbagsak.
02:06Batay sa police report, mag-alas 12 ng tanghali kanina, dumadaan ang 55 years old na biktima sa driveway mula
02:14sa 5th floor patungo sa 4th floor parking area.
02:18Bumanga o manong sasakyan sa pader ng gusali kaya nawalan ng kontrol ang driver.
02:23Tumama ang sasakyan sa bollard at patuloy na umabante hanggang mahulog mula sa ika-apat na palapag.
02:29Yung impact muna ng pagkabangga niya, yun muna. Tapos maya-maya, yung pinakamalakas yung bagsak na ng kotse niya. Kaya
02:38nagtakbuhan kami.
02:42Hindi pa malina kung paano at bakit nahulog ang kotse.
02:46Yung paglalaglag sa parking lot, actually, maandar siya dahil spiral driveway siya.
02:52Yeah, yeah. Nakatapat doon sa paikot. So malamang umaandar yan. Did they have a medical situation? Di natin alam. Kaya
03:01nawalan ng kontrol.
03:05Inaabangan pa ang resulta ng pagsusuri ng mga dumating na miyembro ng scene of the crime operatives o SOCO.
03:11Ayon sa pamunuan ng gusali pagmamayari ng isang tenant ang sangkot na sasakyan.
03:16Nakikipagtulungan na raw sila sa mga otoridad at patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga sangkot habang gumugulo ang investigasyon.
03:24Nagpahatid naman ang pakikiramay sa pamilya ang Southern Police District.
03:27Hinikayat din nila ang mga motoristang gumagamit ng multi-level parking facilities na sumunod sa mga protokol gaya ng speed
03:35limit at directional signs para may iwasan ang disgrasya.
03:40Patuloy ang investigasyon ng polisya.
03:43Ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
03:50Iminukahi po ng isang senador na higpitan na ang kriteria o batayan sa pagpili ng benepisyaryo sa Assistance to Individuals
03:57in Crisis Situations o AICS ng DSWD.
04:01Sa gitna po yan ang mga puna ng ilang mababatas na tila may kaya naman ang ilang pumipila para sa
04:06ayuda.
04:07Pinusuhan po yan sa Baragay Saksi ni Maab Gonzales.
04:14Kailangan ng ayuda pero maganda ang sasakyan? Nakasuot ng higaw at alahas?
04:20Ito ang inusisa ni Sen. Ping Lakson sa budget deliberation ng Senado para sa Department of Social Welfare and Development.
04:27Ang experience ng ibang legislators, yung nabibigyan nila ng AICS kasi crisis situation eh.
04:35E dumarating daw po mga nakamaganda higaw, tapos yung iba pa nakakotse.
04:41So mukhang walang crisis situation.
04:43Ang isang nakahigaw ng ginto eh.
04:45Kaya paano raw nalalaman kung sino ang dapat makatanggap ng ayuda?
04:49Tugo ng DSWD sa pamamagitan ng budget sponsor na si Sen. Arisa Conteveros.
04:54Nakakagulat kung may lalapit na di umanot in crisis and yet ganun yung mga pagkabihis or yung transportation.
05:03Pero through the social workers of the department, sa screening na ginagawa po ng social worker, hinihingan din po ng
05:11documentation.
05:12Pinunari ni Lakson ang alagang ipinamamahagi sa mga beneficiaryo ng AICS.
05:16Pati nga yung accounting, hindi na malaman kung bahala na yung namimigay, 5,000 ka, 6,000 ka.
05:25Pero sabi niyo Anteveros, mga social worker ang tumutukoy sa halaga ng ayudang ibibigay depende sa sitwasyon.
05:32Mga social worker anila ng DSWD ang nagdedesisyon nito pero nakabase sa rekomendasyon ng municipal social workers.
05:39Bagay na pinunari ni Lakson.
05:40Kung sino yung marunong lumapit sa mga politiko, yun ang mauna.
05:46Mungkahi ni Lakson, igpitan pa ang kriteriya para sa AICS.
05:50Wala pong pag-aaral masyadong ginagawa.
05:53We're allocating or appropriating 48.14 billion in 2027.
06:00If DSWD is insisting or claiming na talaga may full control sila over the disbursement of AICS, then I'll take
06:10your word for it.
06:12Tinanong namin ang mga papuso online kaugnay nito.
06:16Ayon sa ilan, dapat tanggalin na ang mga ayuda na pinagbumulan o manon ng korupsyon.
06:21Meron din anilang palakasan ang mga nabibigyan.
06:24Sabi naman ng iba, imbes ayuda, trabaho ang ibigay sa mga Pilipino.
06:30Meron din nanawagan sa kapwa na ibigay ang tulong sa totoong nangangailangan.
06:34Pero meron din nagsabi na hindi lahat ng may kotsya ay mayaman.
06:38Ang iba, posibleng mayroon din talagang pinagdaraanan.
06:42Nabanggit din ni Lakson na gusto umanutanggalin ng ilang mamabatas ang anti-EPAL provision
06:47na nagbabawal sa public officials na sumama sa distribution ng ayuda.
06:51Kaya pinaglalaban ito ng mga congressmen yung AICS.
06:54Actually, meron tayong parang I think for coming na by common.
06:59Ito yung sa bawal-EPAL.
07:01They want to retain that, na merong EPAL.
07:05I support the good gentleman in his efforts na bawasan hanggang matanggal po yun.
07:12Kalaunan lumusot na sa plenaryo ang P253.54 billion pesos 2027 budget ng DSWD.
07:19Kabilang dito ang AICS at iba pang ayuda ng kagawaran.
07:23Ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
07:26Nang dahil sa security alarm na purnada ang pagnanakaw ng dalawang lalaking sa Nabotas.
07:31Saksi, si Gabriel Gonzalez.
07:36Mag-aalas-dis ng gabi nitong Martes, namataan ng dalawang lalaking ito.
07:41Isang nakasando at isang nakaitim na t-shirt sa Mnaval Street sa barangay San Jose Nabotas.
07:47Tumawid ang isa habang tila nagmamasid naman ang isa.
07:50Sa kuha naman ng CCTV sa gadget store na malapit kung saan namataan ang dalawa,
07:55mula sa kisame, lumabas ang paa ng isa sa mga lalaki.
07:59Pag tapak niya sa estante, tumunog ang alarm ng shop.
08:05Ang sospek na nakaitim na t-shirt nakita pa sa CCTV na nasa bubong ng shop.
08:11Naunang tumakas ang kasama niyang no'y wala ng suot na pangitaas.
08:15Dali-daling dumating ang mga may-ari ng shop matapos mamonitor ang tangkang pagnanakaw.
08:20Matutulog na po sana kami noon.
08:22Nung nag-check po ako ng cellphone, bigla po siyang tumunog.
08:26Nung pagkatunog po ng cellphone, nakita ko po sa CCTV namin na may tao na pong gumagulaw.
08:34Agad po kami tumawag sa barangay para ma-respond yan po agad.
08:39Siguro po mga dalawang milyon mahigit po yung mga istax nung araw na yun.
08:44Kaya sobrang kabado po talaga kami nung papunta na po kami doon.
08:47Dumating ang mga taga-barangay sa Nose at polis matapos matanggap ang tawag ng isa sa mga may-ari ng
08:53shop.
08:54Una na monitor namin na pabalik-balik na mga tao, yung dalawang tao na yun doon sa store.
09:01Then pagkatapos nawala sila.
09:04Pagkatapos after nung nawala nila dahil hindi na sila nahagit ng kamera, dumaan sila sa bubong eh.
09:09Binaklas nila yung bubong.
09:11Pagkatapos sinira nila yung kisame.
09:13Base sa kuha ng CCTV, nakilala ng barangay ang dalawang lalaki.
09:18Kasunod ng insidente, binawasan ng mga may-ari ng shop ang stocks sa shop.
09:23Pinaayos na rin ang sinirang kisame.
09:25Lumaban kayo ng patas kasi syempre mahirap pang buhay ngayon, nagnenegosyo kami.
09:32Ako si Gabriel Gonzalez, ang inyong saksi.
09:36Lusot na po sa plenario ng Senado ang panukalang budget ng iba't ibang tanggapan ng gobyerno,
09:41kabilang yung pong para sa Office of the Vice President.
09:44Personal na dumalo sa selebrasyon o sa deliberasyon si Vice President Sara Duterte.
09:50Saksi si Sandra Aguinaldo.
09:55Bago magalauna ng hapon, dumating si Vice President Sara Duterte sa Senado
10:00para sa pagsalang sa plenario ng 785.2 million peso budget ng Office of the Vice President para sa 2027.
10:10Kinamayan siya ni na Senate President Sherman Gachalian,
10:14Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri,
10:16at Senate President Pro Tempore Tito Soto mula sa mayorya.
10:21Gayun din si na Senador Robin Padilla at Senador Bongo ng mirorya.
10:28Kasama ng bisi ang Chief of Staff na si Attorney Zulaika Lopez
10:32at Assistant Chief of Staff na si Lemuel Ortonio,
10:36na minsan ang humarap sa impeachment trial bilang hostile witness.
10:40We welcome our Honorable Vice President, Vice President Sara Zimmerman Duterte.
10:45Welcome to the Senate, ma'am.
10:46Umupo ang bisi sa tabi ni Senate Finance Committee Chairman J.V. Ejercito,
10:51ang sponsor ng budget ng OVP.
10:54Pero matapos lang ang ilang segundo.
10:56Mr. President,
10:58no member wishes to ask or propound any questions.
11:03This is a courtesy that we give to the Office of the Vice President.
11:06Therefore, I move that the budget of the Office of the Vice President be deemed submitted.
11:12Is there any objection?
11:14Hearing none, the budget of the Office of the Vice President is hereby deemed considered.
11:20Matapos ito, kinamayan at binati ng mga Senador si VP Sara,
11:25na lumabas din agad sa session hall.
11:27Merry Christmas!
11:29Lusot na rin sa plenaryo ng Senado ang 14.99 billion peso budget ng Commission on Audit
11:37at ang 1.28 billion peso budget ng Commission on Human Rights.
11:42Wala naman labing limang minuto ay aprobado na rin ang halos 335 billion peso budget
11:49ng Department of Interior and Local Government at attached agencies nito,
11:54kabilang ang Philippine National Police.
11:57Inabot naman ng 3 minuto ang pag-aproba sa 6.4 billion pesos na budget
12:02ng Department of Human Settlements and Urban Development
12:06dahil walang nagtanong na Senador.
12:09Lusot na rin sa plenaryo ang 28.41 billion peso budget
12:13ng Department of Environment and Natural Resources.
12:17Kalahati ng budget hike na iyan ay dagdag pondo sa ating water agencies.
12:22Ngayong nagsisimula ng maramdaman sa iba't ibang bahagi ng bansa
12:27ang tag-tuyot na hatid ng Super El Nino.
12:31Pagsalang naman ang budget ng Department of Transportation
12:34na talakay ang hindi umano sapat na pondo
12:38sa Davao Public Transport Modernization.
12:41Sabi ni Senador Ping Lakson,
12:43ito ang dapat pondohan imbis na mga ayuda
12:46o mga financial assistance to local government units.
12:49I was so surprised but I was disappointed to hear
12:53that the SWD itself wanted it retained in AYX.
13:01AYX pa lang yun, yung 48.14 billion.
13:05So, na-discuss din natin during the general principles
13:09yung FALGU.
13:13Ito yung lump sum.
13:15I hate to say this but this is actually pork barrel po ito.
13:21And again, I hate to say this, this is a presidential pork.
13:25Kasi merong menu, walang allocation.
13:29Plano ng Senado na matapos ang plenary deliberations bukas,
13:33ma-isa lang ang budget sa BICAM sa December 9 hanggang 10
13:38at mapirmahan ng paghulo ang national budget ngayong Desyembre.
13:43Ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
13:48Iminukahin na isang samahan sa kamera
13:49na patawan ng buwis ang kape
13:51kaysa dagdagan ng buwis ang alak.
13:53Ang tugon po dyan ng chairman na House Committee on Ways and Means
13:56sa pagsaksik ni Darlene Kahn.
14:01Itaks yung kape kasi yun ang malaki.
14:04Diba? Hindi talaga yung alak.
14:06Nagising ang marami sa mungkahin niyan
14:08ang samahan ng mga gumagawa ng alak sa Pilipinas
14:11sa pagdinig sa kamera kahapon.
14:13Pinag-uusapan noon ang dagdag excise tax
14:15sa mga inuming na kalalasing na inalmahan
14:18ni Distilled Spirits Association of the Philippines President
14:21Olivia Limpeau.
14:22Sabi niya, taxed out o marami na raw silang binabayarang buwis.
14:26Kaka-increase ng presyo, talagang bababa ang demand.
14:31Plus of course, yung na-mention po natin
14:33nag-iiba din yung consumer behavior
14:38like yung mga Gen Z natin
14:40hindi na sila masyadong umiinom ng alak
14:42gusto nila kape.
14:44Iba ka nga sabi namin kay Kong Niro
14:46baka gusto niya itaks yung kape
14:48kasi yun ang malaki.
14:49Diba? Hindi talaga yung alak.
14:51Pero para kay Justin at kanyang mga kaibigan
14:54big no ang buwis para sa kape
14:56yung iniinom nila kalina habang nag-aaral para sa exam.
15:00Totoo ba na ang Gen Z ay coffee over alak?
15:04Yes, of course.
15:05Health matters po.
15:06Ako po kasi gusto kong mabuhay ng matagalan.
15:09Kahit nga hindi Gen Z,
15:11X din sa buwis sa kape.
15:14Nakapapabuhay ng pagka sa trabaho.
15:17Kape, it's like vital po siya
15:21especially sa our culture, Filipinos.
15:24Mas kailangan po ng brain ko yung kape.
15:26Babala ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Incorporated
15:29o PCAFE,
15:30mga magsasaka na naman ang sasalo
15:32ng problema ang gagawin ng dagdag buwis sa kape
15:35na ngayon ay pinapatawa na ng mga buwis
15:38tulad ng value-added tax at import tax.
15:41Ayon sa PCAFE,
15:4375% pa naman ang kape sa Pilipinas
15:45ay inaangkat lang natin
15:46dahil sa kakulangan sa local na supply.
15:49Mali yung kinupuntiriyan nila
15:51dahil gusto natin tulungan yung mga magsasaka
15:54na nagtatanim ng kape.
15:55We are trying to develop our coffee industry
16:00tapos papatawan mo ng taxes yung mga farmer
16:04yung mga nagtatanim ng kape.
16:06Pangamba ng coffee farmer
16:08at coffee shop owner na si Mark,
16:10baka raw madagdagan pa ang mga negosyong
16:12nahihirapan ang mag-operate
16:13o tuluyang nagsasara
16:15kung madaragdagan pa ang buwis sa kape.
16:18Yung mga business owners,
16:19makikipag-billion sa mga farmers.
16:22Babaratin nila kasi nga
16:23madadagdagan yung tax nila.
16:25And yung farmers naman,
16:27mahihirapang makapagbenta ng tamang presyo
16:29dun sa kanilang pinaghirapan ng ilang taon.
16:33Pero sa ngayon,
16:34wala pa raw dapat ipag-alala
16:36ang coffee lovers
16:37at mga nasa industriya ng kape.
16:39Sabi kasi ni House Ways and Means Committee
16:41Chairperson Miro Kimbo
16:43dead on arrival sa kamara
16:45ang bungkahing dagdagan ng buwis sa kape.
16:48Nireject daw agad nila ito.
16:50Ako si Darlene,
16:51kaya ngayong saksi.
16:53Sinabi po ngayon ng Malacanang
16:55na hindi dapat idinaraan sa media
16:57ang pagkwestiyon
16:58sa desisyon ng Korte Suprema.
17:00Kasunod po yan,
17:01napahayag ni Vice President Sara Duterte
17:03kagrena pagbasura
17:05ng kataas-taas ang hukuman
17:06sa petisyong habeas corpus
17:08para sa kanilang amang
17:09si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
17:12Ang Kepalas Press Officer
17:13under Secretary Claire Castro
17:15idinaraan dapat
17:16sa paghahain ng motion
17:17for reconsideration
17:18kung may pagkwestiyon
17:20sa desisyon ng Korte.
17:22At sa usapin naman ng sobran niya,
17:24binanggit ni Castro
17:24ang Republic Act 9851
17:26kung saan maaari anyang isuko
17:29sa isang international tribunal
17:31ang isang akusado
17:32sa klaseng crimes against humanity.
17:34Nauna na ang sinabi ng kampo
17:36ng mga anak ni dating Pangulong Duterte
17:38na maghahain sila
17:40ng motion for reconsideration
17:41kaglayna ang desisyon
17:42ng Korte Suprema.
17:45Kailangan po humarap
17:46ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
17:48sa unang araw ng paglilitis
17:49sa International Criminal Court
17:51sa Lunes.
17:52Ang ina ng dalawang bitima
17:53ng guerra contra droga
17:54bumiyahe na
17:56papuntang The Hague
17:57para tumayo bilang observer.
18:00Saksi!
18:00Si Oscar Oida!
18:04Tete, panagundin!
18:06Justice now!
18:08Sige lang, pamamas lang!
18:10Tarungan ipaglaban!
18:12Maigpit na mga yakap
18:14at taintin na panalangin
18:16ang pabao ng kasama
18:17at ng grupong rise up
18:19para patatagin ang loob
18:21ni Nanay Llori
18:22bago siya lumipad
18:24niyong araw sa The Hague.
18:26Hindi man tete Stigo
18:27ay magsisilbi siyang observer
18:29sa paglinitis
18:30kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
18:32simula November 30.
18:34Bagay na mahalaga sa kanya
18:36matapos maulila
18:37ng dalawang anak
18:38na napatay sa Duterte Drag War.
18:41Siya ang kakatawan
18:42sa ibang magulang
18:43ng mga biktima
18:44na walang kakayanang makadalo
18:46sa pagdinig.
18:47Justice now!
18:48Sobrang importante po
18:50dahil yung iba po
18:51hanggang ngayon takot pa rin.
18:53At sabi ko nga palagi
18:54dahil tayo yung naiwan,
18:56tayo yung buhay,
18:57sino pa ang magtatanggol
18:59sa kanila,
19:00sino pa ang magbuboses,
19:02kundi tayo yun,
19:03tayong mga buhay.
19:04Bago umalis,
19:05ipinakita pa ni Nanay Llori
19:07ang bag ng anak
19:08na babauni niya
19:09sa The Hague.
19:11Dasal niyang
19:11gabayan siya
19:12sa labang ito.
19:14Bigyan kami ng lakas ng loob
19:15para sa paglaban
19:18at para makamit namin
19:19ang totoong hostisya
19:21sa tamang panahon.
19:24Sasagutin ng grupong Rise Up
19:25ang lahat ng gaso
19:27sa biyahe ni Nanay Llori
19:28sa The Hague.
19:30Pinaghati-hatian ito
19:31ng kanilang grupo
19:32para ipakitang seryoso sila
19:34sa paggamit ng hostisya.
19:36Yung aming paglalakbay
19:37kasama mga pamilya
19:38ng bitima
19:39ay talagang
19:41kumbaga
19:43napaka
19:43mahaba,
19:45mahirap,
19:46masalimot
19:47sabi nga ng nanay.
19:48Pero
19:48nakita po namin
19:50yung determinasyon
19:51ng mga pamilya,
19:52lalo na po yung mga nanay,
19:53yung mga nawala ng anak,
19:54yung mga nawala ng asawa,
19:56yung kanilang determinasyon.
19:57Sabi nga ng isang nanay,
19:59alam ko dapat
20:00may hostisya
20:02pero hindi ko alam kung paano.
20:03Sa 77-page
20:04pre-trial filing,
20:06inisa-isa
20:07ng defense team
20:08ni dating
20:08Pangulong Rodrigo Duterte
20:09kung bakit dapat
20:11umanong ipabasura
20:12sa trial chamber 3
20:14ang kasong
20:15crimes against humanity
20:16of murder
20:17and attempted murder
20:18laban sa kanya.
20:20Ayon sa depensa,
20:21hindi may tuturing
20:22na malawakan
20:23at sistematiko
20:24ang patayan
20:25sa Davao City
20:26at Pilipinas
20:27nung alkalde
20:29at pangulo
20:29si Duterte.
20:30Hindi rin umano sapat
20:32ang ebidensyang
20:3385 murders
20:34at 2 attempted murders
20:36na nilatag
20:37ng prosekusyon
20:38bilang sample
20:39ng libo-libong
20:40sinasabing pinatay
20:42sa kampanya
20:43kontra-droga.
20:44Wala raw dudang
20:45nangyari
20:46ang mga pagpatay
20:47pero hindi raw
20:48may tuturing
20:49na crimes
20:49against humanity
20:50ang mga ito
20:51dahil wala naman daw
20:53polisiya
20:53ang gobyerno
20:54na pumatay.
20:56At dahil hindi
20:57umano ito
20:57isang crimes
20:58against humanity
20:59case,
21:00hindi raw ito
21:01dapat dinggin
21:01sa ICC.
21:03Ang dapat daw
21:04ayon sa defense team
21:06sa Pilipinas
21:07dinggin
21:07ang mga pagpatay
21:09sa tulong
21:10ng ICC
21:11Office of the Prosecutor
21:12at gamit
21:13ang mga ebidensyang
21:14hindi ka duda-duda
21:15at pinilit
21:17umanong
21:17iniuugnay
21:18kay Duterte
21:19ayon din
21:20sa kanyang
21:20abugado
21:21na apekto
21:22ang kanyang
21:23cognitive
21:23impairment
21:24si Duterte
21:25pati ang
21:26kakayahan niyang
21:27makilahok
21:28sa pagdinig
21:29at makipagtulungan
21:30sa kanyang
21:31defense team.
21:31Halos hindi na raw
21:33makalala
21:33ang dating
21:34pangulo
21:34maging abugadong
21:36laging kausap
21:37may panoong
21:38hindi o manun
21:39niya
21:39makilala.
21:41Kailangan ni Duterte
21:42na dumalo
21:43sa paglilite
21:44sa lunes
21:44para malaman
21:46kung alam niya
21:46ang mga kaso
21:47isinampah
21:48laban sa kanya.
21:50Inaasahan ding
21:51magbibigay siya
21:52ng guilty
21:53or not guilty
21:54plea.
21:55Ayon sa ICC,
21:57titiyakin nilang
21:58na sa mabuting
21:59kalusugan
21:59si Duterte
22:00pagharap sa korte.
22:01Importantly,
22:03the judges
22:04instructed
22:05the registry
22:05so the
22:06registry
22:07of the court
22:07to ensure
22:09that
22:09the accused
22:11health
22:11is monitored
22:14continuously
22:15and
22:16the registry
22:18will inform
22:19the chamber
22:20of any
22:21changes
22:21in the
22:22accused
22:23medical
22:24condition.
22:25Nagbabala
22:26ang ICC
22:26sa sino mang
22:27magtatangkang
22:28manakot,
22:29mangaras
22:30o manghimasok
22:31sa mga saksi
22:32at victim
22:33ang sangkot
22:33sa trial
22:34ni Duterte.
22:36Intimidating
22:37or interfering
22:38with witnesses
22:38at any
22:39stage
22:40of the
22:41proceedings
22:41can constitute
22:43an offense
22:43against the
22:44administration
22:45of justice
22:46at the
22:46ICC
22:47and in
22:48the past
22:49these offenses
22:49have resulted
22:50in prosecutions
22:51at the ICC.
22:52The penalties
22:53have been up
22:54to five years
22:55of imprisonment.
22:57Ako si Oscar
22:58Oidang inyong
22:59saksi.
23:04Self-care
23:05at self-love
23:07Ilan lang po yan
23:08sa mga sikreto
23:08ng award-winning
23:09actress
23:09na si Michelle Yeoh
23:10sa kanyang
23:11youthful look
23:12sa edad na
23:1364
23:14at nagbigay
23:15pa siya ng payo
23:16sa nakababatang
23:17co-star
23:17sa bagong
23:18pinagbibidahang
23:19serye.
23:20Narito
23:20ang showbiz
23:21saksi
23:22ni Lin Ching.
23:27Age
23:27is just a number
23:29para sa multi-awarded
23:30Asian actress
23:31na si Michelle Yeoh
23:32sa edad na
23:3364
23:33radiant pa rin
23:35na aktres
23:35kaya nga
23:36kinilig si
23:36Heart Evangelista
23:37nang makasama niya
23:38minsan si Michelle
23:39sa isang private dinner.
23:41She was very kind
23:42sobrang
23:43idol
23:43queen ko siya ngayon
23:44and
23:45yeah so
23:46we had dinner
23:47and then
23:47I saw her about
23:48three times
23:49and she was just
23:50so blessed
23:51yung buong team niya
23:52sobrang behit.
23:53Ano nga bang
23:54secret ni Michelle
23:54sa kanyang
23:55youthful look?
23:56Sabi ni Michelle
23:57self-care
23:58and self-love.
23:59You have to
24:02allow yourself
24:03to feel good
24:04and look good
24:06and not be guilty.
24:07You know
24:07it's like
24:08when women
24:08look in the mirror
24:09they have this
24:10strange thing
24:11go like
24:11oh no
24:12they always look
24:13for the
24:13we missed pick.
24:14Yes
24:15men look in the mirror
24:16and go like
24:16hmm
24:16looking good man.
24:20We should do that
24:21more often
24:21you know
24:22feel good.
24:23I think when you
24:23feel good about yourself
24:25surround yourself
24:26with good people
24:27then it's good vibes
24:28it's good energy.
24:30Trailer pa lang
24:32action-packed na
24:33ang mga eksena
24:34sa miniseries
24:34na Blade Runner
24:352099
24:36na pinagibidahan
24:37ni Michelle.
24:38May payo ang aktres
24:39sa kanyang
24:40nakakabatang co-star
24:41na si Hunter Schaefer.
24:42Hunter gives
24:43150%
24:45of herself
24:45she throws
24:47literally
24:48throws herself
24:49into that.
24:50She's not foolish
24:50she's a very smart cookie
24:52when you're young
24:52you're fearless
24:53but you have
24:54to be smart
24:55about it.
24:55Sa loob ng
24:56apat na dekada
24:57nakilala ang
24:58pangalang Michelle Yeoh
24:59sa paghanap
24:59sa iba't-ibang
25:00roles sa action
25:01period drama
25:02rom-com
25:03at maging
25:04sa musical fantasy
25:05at voice acting.
25:07Siya ang unang
25:07Asian woman
25:08na nagwagi
25:09ng Best Actress
25:10sa Academy Awards
25:11bukod pa
25:12sa mga parangal
25:13na nakamit
25:14sa ibang
25:14award-giving body
25:15pero para sa kanya
25:17di patapos
25:18ang kanyang kwento.
25:19Now you are
25:20the living embodiment
25:21of possibility
25:22specifically
25:23for women like me
25:24for Asian women
25:26what legacy
25:27would you want to have
25:28and what
25:28would you want
25:29people to think
25:30when they hear the name
25:31Michelle Yeoh?
25:33Oh wow
25:33what a question
25:34I don't
25:35to be honest
25:36I don't stop
25:37and think of that yet
25:38because I feel
25:39like I'm still
25:40evolving
25:41and growing
25:42I think
25:44there's so many things
25:45I still want to do
25:47so my legacy
25:47is not written yet
25:49it's ever ongoing
25:51Ako
25:52si Lin Cheng
25:53ang inyong
25:54saksi
25:56Pinulabog ng malaking sunog
25:57ang mga taga Giza
25:58sa Egypt
25:59nang bumaligtad
26:00at nasunog
26:00ang isang sasakyang
26:01may kargang petrolyo
26:03ay sa Health Ministry
26:04ng Egypt
26:05Nangyari po yan
26:06sa gitna ng malaking kasada
26:07sa ibabaw ng tunnel
26:08at sa pinakahuling ulat
26:10ng maturidad
26:1131 na
26:12ang patay
26:13habang 21
26:13ang sugatan
26:15Ang ilang biktima
26:16hindi pa makilala
26:17dahil sa tinamong sunog
26:19na damay sa sunog
26:20ang hindi bababa
26:21sa 27 kotse
26:22at motorsiklo
26:23Inaalam pa
26:25ang kabuang halaga
26:26ng pinsala
26:27Patuloy
26:28ang investigasyon
26:29Limang lalaki
26:31ang arestado
26:31matapos magsuntukan
26:32sa gitna
26:33ng pagdiriwan
26:33ng piyesta
26:34sa Libakaw,
26:35Akla
26:35Kita sa video
26:37ang palitan ng
26:37suntok ng grupo
26:38ng mga lalaki
26:39At sa polisya
26:40nakainom
26:41ang mga lalaki
26:42Simula ang gulo
26:43ng magkagitgitan
26:45umano
26:45sa gitna
26:45ng sayawan
26:46Ang kaayos din sila
26:48pagkatapos
26:49pero
26:49sinampahan pa rin
26:50ng reklamang
26:51alarm and scandal
26:52dahil sa idinulot nilang
26:54kaguluhan
26:55Nakakulong pa rin sila
26:59Dalawang testigo
27:00ang inaasang
27:00ihaharap ng depensa
27:01sa pagpapatuloy
27:02ng impeachment trial
27:03ni Vice President
27:04Sara Duterte
27:05Sabantes
27:05unang araw
27:06ng Disyembre
27:07Ayon sa tagapagsalita
27:09ng Senate Impeachment Court
27:10na si Atty.
27:11Reginald Tonggol
27:12Pinasapina na
27:13si Atty.
27:14Agaton Teodoro Uvero
27:15ng Bureau of Customs
27:17Pinadadalas ka niya
27:19ang mga dokumento
27:20kag-nay sa pag-iexport
27:21ng Kale 88
27:23Pinasapina rin
27:23si Dr. Lourdes
27:24Tingson-Lebosada
27:26ang dentista
27:27ang sinasabing
27:27naging business partner
27:29ni Atty.
27:29Mance Cateo
27:30sa Kale 88
27:31Nasa ang magdibigay siya
27:33ng testimonya
27:34tungkol sa
27:34organizational structure
27:36at business operations
27:37ng kumpanya
27:37Nakukulangan naman dito
27:39si House Lead Prosecutor
27:41Batangas 2nd District
27:42Representative
27:43Jervil Luiz
27:44Umaasa raw
27:45ang prosedusyon
27:46na makita nila
27:47ang kumpletong listahan
27:48ng mga natitirang
27:50witness
27:50ng depensa
27:51Mga kapuso
27:52Dalawputsyam na araw na lang
27:54Pasko na
27:55At sama-sama po
27:57ang mga taga-antipolo
27:58sa kanilang Christmas Fiesta
28:00kung saan bida
28:01ang kanilang Christmas tree
28:02na gawa sa recycled materials
28:04Saksi
28:05si Jamie San
28:10Mga simpleng bagay
28:11na naghahatid ang saya
28:12sa gitna
28:13ng mga hamon
28:13sa buhay
28:14Yan ang tema
28:15ng Atoyful Christmas
28:17ng Antipolo
28:18Christmas Fiesta
28:192026
28:20Sa isang mall
28:21sa Kogyo
28:22sabay-sabay
28:23na pinailawan
28:23ang Christmas tree
28:24na gawa
28:25sa mga recycled
28:26plastic bottle
28:27na pinalamutian
28:28ng makukulay
28:29na ilaw
28:30na hugis
28:30iba't ibang laruan
28:33Sinunda naman ito
28:34ng fireworks display
28:35Sa panahong maraming pamilyang
28:37humaharap sa pagsubok
28:39paalala rin ito
28:40na hindi kailangan
28:41maging mag-garbo
28:42ang Pasko
28:42para maging masaya
28:43Minsan
28:44sapat na ang simpleng
28:46pagsasama-sama
28:47pagbibigayan
28:48at pagdika lang
28:49masasayang alaala
28:50kasama ang pamilya
28:51Pagsasama po lang pamilya po
28:53sa ganitong
28:54vocation po
28:55mahalaga po na
28:56sama-sama po lahat
28:57yung ano
28:58para mas ma
28:59para po mas maramdaman natin
29:01ang pakasama po yung
29:02family and friends po
29:04kasi po sila po yung
29:05love ones po
29:06spend time po
29:07with families po
29:08kasi po mas maganda po yun
29:10kasi sa mga things po
29:12para magsama
29:13ano
29:13express natin yung
29:14pagmahal-mahal natin
29:15at magsama-sama din
29:17yung mga pamilya natin
29:18sa mga Pasko
29:18Bukod sa Christmas tree lighting
29:20dinarayo rin
29:21ang mga tiyangge
29:22samot-saring
29:23Christmas decorations
29:24ang mabibili
29:25mula sa maliliit
29:27na Santa Claus
29:27parol
29:28hanggang sa mga
29:29life-size na dekorasyon
29:30abot kaya rin
29:32ang presyo
29:32ng mga paninda
29:33Mami, ang galito po
29:34yung mga kapis natin
29:36Mami, yung mga
29:37sabit-sabit natin
29:38na pang-dekorasyon
29:40sa Pasko
29:40Mura po talaga
29:41Sulit din naman
29:42yung pagpasyal
29:43dahil medyo
29:44mababa naman
29:45ang bigayan
29:45kahit medyo
29:46mataas ang materiales
29:47nakasanayan na po
29:48talaga natin
29:49Pilipino yun
29:49tsaka
29:50hindi na po talaga
29:51mawawala yan
29:52kahit sabihin natin
29:52gipit tayo sa buhay
29:53importante maging
29:54masaya yung Pasko
29:55at bagong taon
29:56Bukas ang mga tiyangge
29:57mula alas 7 ng umaga
29:59hanggang alas 8 ng gabi
30:00Ako, si Jamie Santos
30:02ang inyong saksi
30:05Salamat po sa inyong pagsaksi
30:07Ako po si Pierre Canghel
30:09Ito ang GMA News
30:10Walang kinikilingan
30:11Walang pinoprotektahan
30:13Doon at ngayon
30:15Servisya
30:17Hanggang bukas
30:18Sama-sama po tayong
30:19magiging
30:20Saksi!
30:21Sama-sama
30:25Sama-sama