00:00Patay ang driver ng kotse na nahulog mula sa ika-apat na palapag na isang gusali sa Makati City.
00:05Bumanga o mano ang sasakyan sa padel ng gusali.
00:09Tumama sa bollard hanggang sa nahulog mula sa parking area.
00:13Saksi si JP Sirian.
00:19Mula sa isang gusali, isang kotse ang nahulog sa Jimenez Street sa Makati City.
00:28Halos mapipi ito at naggalat sa kalsada ang mga bahagi ng kotse.
00:33Sa lakas po ng impact na pagbagsak ng sasakyan ay umabot po na may 15 to 20 meters yung mga
00:39debris o salamin na nabasag dito po sa bahagi ito ng Jimenez Street dito sa barangay San Lorenzo sa Makati
00:45City.
00:47Agad binawian ng buhay ang lalaking driver ng kotse.
00:50Ayon sa ilang saksi, may narinig silang malakas na tunog sa building bago ang pagbagsak.
00:56Batay sa police report, mag-alas 12 ng tanghali kanina, dumadaan ang 55-years-old na biktima sa driveway mula
01:03sa 5th floor patungo sa 4th floor parking area.
01:07Bumanga o mano ang sasakyan sa padel ng gusali kaya nawalan ng kontrol ang driver.
01:12Tumama ang sasakyan sa bollard at patuloy na umabante hanggang mahulog mula sa ika-apat na palapag.
01:19Yung impact muna ng pagtabanggan niya, yun muna.
01:23Tapos maya-maya, yung pinakamalakas yung bagsak na ng kotse niya.
01:27Kaya nagtakbuhan kami.
01:32Hindi pa malina kung paano at bakit nahulog ang kotse.
01:36Yung paglalaglag sa parking lot, actually, maandar siya dahil spiral driveway siya.
01:42Yeah, yeah. Nakatapat doon sa paikot, no?
01:45So malamang umaandar yan.
01:47Did they have a medical situation?
01:49Di natin alam. Kaya nawalan ng kontrol.
01:54Inaabangan pa ang resulta ng pagsusuri na mga dumating na miyembro ng scene of the crime operatives o SOCO.
02:01Ayon sa pamunuan ng gusali pagmamayari ng isang tenant ang sangkot na sasakyan.
02:06Nakikipagtulungan na raw sila sa mga otoridad at patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga sangkot habang gumugulo ang investigasyon.
02:13Nagpahatid naman ang pakikiramay sa pamilya ang Southern Police District.
02:17Hinikayat din nila ang mga motoristang gumagamit ng multi-level parking facilities
02:21na sumunod sa mga protokol gaya ng speed limit at directional signs para maiwasan ang disgrasya.
02:29Patuloy ang investigasyon ng polisya.
02:32Ako po si JP Soriano, ang inyong saksi!