00:00May barko na naman ang China Coast Guard na pumasok sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
00:05Ayon sa Philippine Coast Guard, hindi tumugon sa radio challenge nila ang naturang barko.
00:10Balita natin ni Chino Gaston.
00:18Masungit man ang panahon at naglalakihan ng alon,
00:21lumapit at nag-radio challenge ang BRP Cabra ng Philippine Coast Guard
00:25sa Chinese Coast Guard Vessel 3105, 75.9 nautical miles mula sa Palawig Point sa Zambales.
00:46Abot sa 8 hanggang 10 talampakan ang laki ng mga alon na naging hamon
00:51sa maliit na 44 meter vessel ng PCG.
00:54Hindi sumagot ang Coast Guard Vessel na tila namamalagi
00:58sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
01:02Kung hindi sila sumagot,
01:04I don't think that we can hold them accountable for not responding.
01:09But definitely, we are challenging their illegal presence dito sa ating Exclusive Economic Zone.
01:16And that they never informed us of their intention why they are there.
01:21Matapos ang ilang oras, pinuntahan ng BRP Cabra ang isang Filipino fishing vessel na FFB Janjan
01:28na nasilaan dahil sa masamang panahon.
01:31Matagumpay na nahatak ang bangka, pabalik ng home port nito sa Subic Zambales.
01:36Pinalitan ng BRP Bagakay ang BRP Cabra na bumalik sa Subic para hatakin ang nasirang fishing boat.
01:43Sa mga susunod na araw, magsasagawa ito ng maritime patrol sa Baho di Masinlok at Bandayan ang dagat ng Zambales.
01:50Sa huling impormasyon ng PCG, umalis na sa dagat na bahagi ng Zambales ang CCG 3105 at bumalik na ng Baho di Masinlok.
01:59Sino gasto ang nagbabalita para sa GMA Integrated News?