00:00Mainit-init na balita, iniutos na nga po ng Department of the Interior and Local Government sa ilang LGU na magsagawa na ng pre-emptive evacuation.
00:09Dahil po yan sa bantanong tsunami, kasunod ng Lindol sa Russia.
00:13Ang mga lugar na kasama sa utos ng DILG, inabisuhan na rin ng FIVOX na iwasan muna ang paglangoy sa dagat.
00:21Dapat daw ay may evacuation route ang mga LGU na may mga palatandaan kung saan dadaan ang mga residente.
00:28Pina-activate na rin ang mga incident management team at mga emergency operations center.
00:34Inaalerto na rin daw ang lahat ng Philippine Coast Guard districts para magsagawa ng information dissemination.