00:00Nagkatensyon ang mga rallyista at pulisya sa Makati sa Kilos Protesta
00:05laban sa Administrasyong Marcos at umanay katiwalian sa gobyerno.
00:10Sinusubukan pangkunan ng pahayag ang Malacanang tungkol po sa protesta.
00:15Balitang hatid ni E.J. Gomez.
00:19Hanggang kailan kayo maging pingipingihan?
00:23Hanggang kailan kayo magbulag-bulagan sa nangyayaring panakawan sa ating bansa?
00:28Yan ang paulit-ulit na sigaw na mga grupong magdamagang nagprotesta
00:33laban sa Administrasyong Marcos at sa umanay korupsyon sa gobyerno.
00:39Panawagan nila ibalik ang mga ninakaw na pera ng taong bayan.
00:44Ang mga kasama sa rally unang nagmarcha mula Maynila patungong Makati City
00:49kabilang si Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga.
00:53Araw-araw daw nilang gagawin ang protesta sa harap ng mga pinakamayayamang subdivision
00:59kung saan nakatira umano ang mga congressman.
01:03Ngayon, sila naman yung makakaramdam ng feeling na yung kalaban nila,
01:07yung mga naghanap ng hostesya ay nasa labas na ng mga gates nila.
01:13Panawagan niya sa Pangulo,
01:15We believed in you, all of us did actually.
01:21We all thought you would make things better but things are not better.
01:23Sobrang dami nang nawalan ng tiwala sa kanya and I think it's time for him to resign.
01:29Kailan pa kayo magising sa katotohanan?
01:32Walang nakasaad sa konstitusyon natin na kampihan ninyo ang mga politikong magnanakaw.
01:36Mag-aalas 12 ng hating gabi, dumating ang dagdag ng mga polis.
01:41Pasado alas 12.30 kanina, bumuhos ang ulan.
01:45Unti-unting nabawasan ang mga nagpo-protesta,
01:48hanggang umabot na lang sa humigit kumulang 50 ang natira,
01:52kabilang sa kanila ang dalawang senior citizen.
01:55Nang magsimulang mag-ingay muli ang mga nagprotesta,
01:58nagbarikada muli ang PNP.
02:00Namuo ang tensyon sa pagitan ng mga raliyista at mga polis.
02:04Hindi namin kayo sasaktan! Huwag kayong manulang!
02:09Ayon sa PNP, humigit kumulang dalawang daang polis
02:13ang nakadeploy sa magdamagang protesta ng nasa dalawang daang raliyista.
02:18We are observing maximum tolerance.
02:20But the problem is, wala namang humaharap na organize it.
02:23We are trying to prevent them from getting close to the gate.
02:28Kasi mga private property.
02:31Anyway, nalabas naman nila yung kanilang hininaing.
02:34Pasado alas tres naman, nagsindi ng kandila ang mga nagprotesta
02:38para sa kanilang prayer vigil.
02:41EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.