00:00Mga ebidensya sa preliminary investigation sa kaso ng mga nawawalang sabongero,
00:09dedesisyonan ng DOJ sa loob ng 60 araw.
00:13Kung may sapat na ebidensya laban sa mga inaakusahan, magahabla na sila sa korte.
00:18Ang isa sa mga idinadawid sa kaso na si Charlie Atong Ang
00:21umaasang maibabalik pa ang reklamo sa PNPC IDG para muling maimbestigahan.
00:30Radio broadcaster na binaril sa Ginobatan Albay, pumanaw na.
00:35May person of interest na ang pulisya sa pagpatay kay Noel Samar.
00:39Inaalam kung may kinalaman sa kanyang trabaho ang pamamaril.
00:45Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson,
00:48100% raw na babalik bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee ayon kay Senate President Tito Soto.
00:55Sa paglulunsan ng 1RFID, isang RFID na lang ang kailangan ng mga motorista para makadaan sa lahat ng expressway sa Luzon.
01:08Ilang silid aralan sa San Juan Siquijor hindi na ipagagamit dahil sa mga sirang nilikha ng lindol sa Northern Cebu.
01:15Sa ilang barangay hall muna ang face-to-face classes ng mga abektadong paaralan.
01:23Limang napinsalang gusali sa Davao City matapos ang October 10 quake.
01:28Inissuehan ng red tag notice.
01:30Bawal silang okupahan dahil delikadong gumuho.
01:33Yellow tag notice naman sa ibang gusaling napinsala ang bahagi.
01:38Chino Gaston nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:45Camila Gaston