00:00Oh, yuhu! Dito po ang tingin. Kakaiba tong video na mapapanood po natin.
00:07Kita niyo dito, yung taong nakasabit sa drone sana habang lumilipa dito.
00:15Kuha yan ng mga taga-Occidental Mindoro.
00:19Minsan nangang tinampok ang video na yan sa 24 oras para ipakita ang kakayahan ng mga drone.
00:26Mapapasabi ka ng, wow, napakagaling naman.
00:30Pero ito po ang twist. Ang video ng pagpapalipad naging laman ng isang report ng South Korean media.
00:38Lumalabas kasing bahagi raw ito ng pagpapractice ng isang South Korean national
00:44para itakas ang kababayang si Park Wang Yol sa New Believed Prison sa Muntinlupa.
00:51Nakulong siya dahil sa pagpatay sa tatlong Koreyano sa Pilipinas noong 2016.
00:58Ang plano umano ni Park, itatali ang sarili sa isang malaking drone
01:02na ayon sa source ng Korean media, ay nabisto lang nang kumalat ang video ng practice online.
01:10Ayon sa kumuha ng video, natiempohan lang nila ang pangyayari.
01:14Wala raw nakakaalam kung sino ito, maliban sa siya ay Koreyano, nabisita na isang hotel at restaurant owner doon.
01:23For sure, maraming tanong sa isip ninyo.
01:26Well, ask me, ask Attorney Gabby.
01:37Attorney, anong sinasabi ng batas tungkol sa ganitong tangka umano na pagtakas gamit ang drone?
01:44Well, siguro ang tanong nyo ay may krimen na bang naganap kung bumili ka na ng drone
01:49at nagpractice palip pa rin ito na ang intention sana talaga ay tumulong
01:54na magpapuga na isang prisoner na nasa loob ng piitan.
01:57At ang kasagutan dyan ay wala pa po.
02:01Wala pang krimen na maaaring gawing kaso kahit na mag-confess pa na ito sana ang balak gawin.
02:08Sa batas po natin ng criminal law, ang mga tinatawag na preparatory acts pa lamang ay hindi pinarurusahan.
02:16Maaaring naisip mo na meron kang gagawin na krimen.
02:20Maaaring naghanda ka na as in, bumili ka na ng mga kailangan para gawin ito.
02:25Pero kung hanggang dito pa lamang, wala pa pong parusa.
02:30Pero kung lalampas ka na sa tinatawag nating preparatory acts phase
02:35at nag-move on ka na para isakatuparan ito sa tinatawag nating overt acts,
02:41yung mga obvious na gagawin mo na ang krimen.
02:44Iba ng usapan to, baka may liabilidad na kayo dito.
02:47Meron kasi pong tinatawag na three stages of crime,
02:50yung attempted, frustrated, at consummated.
02:54At ang mga ito, may kulong na malamang, pero iba-iba ang degree ng penalty.
03:00Halimbawa, ang pagtulong sa pag-escape ng isang prisoner
03:03ay krimen ng delivering persons from jail sa ilalim ng Article 156 ng Revised Penal Code.
03:11Attempted pa lamang kung nagumpisa ng gawin ng krimen, pero hindi ito na kompleto.
03:16Sa halimbawa natin dito sa drone, nagpalipad ka na ng drone,
03:20sasakay na sana ang prisoner, pero naispatan agad ng gwardya at napigilan ito.
03:26Ito ang tinatawag nating attempted stage.
03:29Pag sinabi nating frustrated stage, nagawa na ang lahat ng steps para magawa ang krimen,
03:36pero hindi pa rin nangyari ang objective dahil sa mga pangyayari beyond the control.
03:42So, sa drone example natin, napalipad na ang drone sa loob ng kulungan,
03:47nakasakay na ang prisoner, nakalipad at nakalabas ng piitan,
03:52pero bago mag-landing ang drone sa labas ng piitan,
03:55nahulog ang prisoner at nasa lo na nag-iintay na polis.
04:00Ang third stage naman ay ang consummated stage,
04:04kung saan nakatakas na ng tuluyan ang prisoner.
04:07So, assuming na totoo na ito, na ang plano nila,
04:10ay kung nasa preparatory stage pa lang, wala pa pong krimen.
04:15Actually, ang filosofiya sa likod ng iyan ay binibigyan po ng pagkakataon talaga
04:19ang mga would-be criminals na magbago ng isip.
04:23Lahat tayo siguro kahit na minsan,
04:26nagkaroon na po tayo ng criminal thoughts.
04:29Sa matinding galit o matinding pangangailangan,
04:32kung minsan, sumasagi sa isip natin na gumawa ng hindi nararapat.
04:37Pero kung naiisip pa lang at wala pang ginagawang tunay na hakbang
04:41para totohanin ito, ay wala pang krimen.
04:44Kaya huwag pong magpadala sa init ng ulo o sa matinding bugso ng damdamin.
04:49Nasa huli ang pagsisise.
04:52Huwag nang lumampas pa sa preparatory acts dahil tiyak, may kulong na po yun.
04:58Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw
05:00para sa kabayapaan ng pag-iisip.
05:03Huwag magdalawang isip.
05:05Ask me.
05:06Ask Atty. Gabby.
05:12Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMA Public Affairs YouTube channel?
05:16Bakit?
05:17Mag-subscribe ka na dali na
05:19para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
05:22I-follow mo na rin ang official social media pages ng Unang Hirit.
05:26Salamat ka puso!
Comments