Skip to playerSkip to main content
Aired ( September 4, 2026): Isang tindera sa Negros Occidental ang umano’y naloko sa ₱9,000 matapos bumili ng apat na sako ng bigas na iba sa ipinakitang sample. Pagkabukas ng mga sako, durog-durog, naninilaw, mabaho at sinasabing bulok ang laman. Panoorin ang video. 


Hosted by the country’s top anchors and hosts, 'Unang Hirit' is a weekday morning show that provides its viewers with a daily dose of news and practical feature stories.


Watch it from Monday to Friday, 5:30 AM on GMA Network! Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes.


#GMAPublicAffairs #GMANetwork


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


GMA Network upholds ethical standards of fairness, objectivity, accuracy, transparency, balance, and independence.
Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong totoo lamang.


#GMAPublicAffairs #KapusoStream #GMANetwork


Subscribe to the GMA Public Affairs channel: https://www.youtube.com/user/gmapublicaffairs
Visit the GMA News and Public Affairs Portal: http://www.gmanews.tv


Connect with us on:
Facebook: http://www.facebook.com/gmapublicaffairs/
Twitter: http://www.twitter.com/gma_pa

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Music
00:02Music
00:03Music
00:06Sa hirap ng buhay ngayon, marami ang hindi alam
00:10kung saan hahagilapin ang pambili ng mga pangangailangan gaya ng bigas.
00:15Pero paano kung ang mabibili mo pa eh, nako, bulok pala.
00:20Sa Negros Occidental, naloko ang isang tindera sa 9,000 pesos na halaga ng bigas.
00:262 lalaki raw umano ang lumapit sa tindahan niya at nag-alok ng bigas.
00:31Nagpakita raw ito ng sample at nakita niyang maganda naman ang quality nito.
00:36Dahil doon, nainganyo ang tindera na bumili ng 4 sako sa halagang siyam na libong piso.
00:43Pagkaalis ng mga suspect, binuksan ng tindera ang mga sako at nagulat sila sa kanilang nakita.
00:50Ang bigas na ibinigay, durug-durug at para raw mga scrap lang.
00:55Bukod dito, bulok na rin daw ang nabiling bigas.
00:58Naninilaw ang mga butil nito at mayroon daw di ka nais-nais na amoy.
01:03Ang insidente niyan, pag-usapan natin, Ask Me, Ask Attorney Gabby.
01:13Attorney, ano ba ang karapatan ng mga mami-mili na nakabili ng ganitong produkto gaya ng bulok na bigas?
01:19Lalo na at nagpakita ng sample na maganda tapos iba ang binenta.
01:26Well, maraming posibleng batas yung nasasagasaan sa ganitong klaseng kaso ng panluloko.
01:32Syempre, sa ilalim ng Consumer Act of the Philippines or Republic Act 7394,
01:37may karapatan ang mami-mili na humingi ng refund, replacement, o damages
01:43kapag nakatanggap ng bulok o kahit na anong produkto na hindi angkop o nararapat na ibenta.
01:49Of course, madali sanang ma-exercise ang karapatan ng isang consumer
01:53to demand ang tinatawag natin na the three R's of consumer rights,
01:57refund, replacement, or reimbursement, kung ito ay nangyari sa isang tindahan o grocery.
02:03May karapatan ng consumer na nabientahan ng produkto hindi angkop sa nararapat na kalidad o gamit
02:09na papalitan ang produkto o tinatawag nating replacement.
02:14Makarating humingi ng total refund at ibabalik sa kanyang ibinigay sa kanya
02:19or kung willing siya, maibalik ang pera kahit na reduced amount kung magagamit pa niya ang produkto sana.
02:26Pero dahil ito ay ginawa ng mga manlulokong tunay,
02:29mukhang mahihirapan ng mga naging biktima na ma-exercise ang kanilang consumer rights
02:34at maibalik o makuha ang kanilang hard-earned money.
02:38Of course, ang mga gritong gawain ay maituturing na krimen,
02:41sa ilalim ng revised penal code, kaso pong estafa,
02:45dahil may panluloko at maling representasyon.
02:48Bukod pa dito ay violation nito ng Republic Act 10611,
02:53ang tinatawag natin ang Food Safety Act of 2013,
02:55na pinagbabawal ang pagbebenta ng kahit na anong substandard food products,
03:00kasali na dito ang kahit na anong food product na hindi kalidad,
03:04lalo na nga kung ito ay bulok at hindi na fit for consumption.
03:09Ayun ako po, sa ganitong panahon,
03:10kailangan natin maging mas maingat laban sa mga manluloko
03:14at maging mas mapagmatyag sa mga nandaraya
03:18dahil mas madali pong magingat kaysa maghabol sa mga kriminal
03:22na hindi naman po talaga magpapahuli.
03:26Ang mga usaping batas,
03:27bibigyan po nating linaw para sa kapayapaan ng pag-iisip.
03:32Huwag magdalawang isip.
03:34Ask me.
03:34Ask Atty. Gabby.
03:40Ikaw, hindi ka pa nakasubscribe sa GMI Public Affairs YouTube channel?
03:43Bakit?
03:44Mag-subscribe ka na dali na
03:46para laging una ka sa mga latest kwento at balita.
03:50I-follow mo na rin ang official social media pages ng Unang Hirit.
03:53Salamat ka puso!
03:54Salamat ka puso!
Comments

Recommended