Skip to playerSkip to main content
  • 2 hours ago
Aired (October 3, 2026): Burong mangga at ampalaya, natikman mo na ba? Alamin kung paano ginagawa ang mga ito at kung ano ang kakaibang lasa ng mga pagkaing dumaraan sa proseso ng pagbuburo.

Mula sa kusina, tutungo naman tayo sa mga lugar kung saan maaaring tumubo ang amag. Bakit ito kumakapit sa mga pader at pagkain? Maaari ba itong makasama sa kalusugan? At sa kabila nito, may mga amag din kayang may pakinabang? Panoorin ang video.

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Ang palaya, sili at prutas na hindi makakalain.
00:03Na pwede palang iburo.
00:06Ang ilang prutas na nakasanayan natin kainin ng sariwa
00:09at ilang gulay na sinasama sa ating ulam.
00:12Pwede rin palang maging kakaibang pagkain sa proseso ng pagbuburo.
00:18Ito ang binabalik palikat namin dito.
00:20Blended na yung lasa niya, nandiyan na yung anghangtas, yung medyo matamis po.
00:25May health benefits nga ba ang pagkain dumaan sa pagbuburo?
00:43Dito sa Sulano sa Nueva Vizcaya,
00:45kilalang tindahan ng buro itong pag-aari ng kambal na sina Cheryl at Clarice.
00:50Iba't-ibang prutas na binuro o may bibili rito.
00:52Nagtitinda po kasi kami ng mga prutas sa palengke.
00:56Tapos yung mga mangga po kasi, three days lang po yung parang life ng buwan nila.
01:03Kaya naisip namin na iburo na lang kaya namin to.
01:06Nainggan niya po kami sa ganyang pagkain kasi hilig din po namin.
01:10Hilig po namin yung mga suka-suka.
01:12Iba-ibang suka din po ang trinay po namin.
01:15Ito ba yun na po yung gamit namin ngayon.
01:17Nag-isip po kami ng ibang mga prutas na pwede pang ibabad,
01:20gaya ng mga papaya, singkamas.
01:23Doon na po nagdera-dera yung pagbuburo namin ng mga prutas.
01:27Ang kanilang burong prutas, binabalik-balikan daw dal sa manamis-tamis nitong lasa.
01:31Sarap yan ipulutan.
01:33Tapos panghimagas.
01:34Ilan sa mga paboritong burong prutas na binibisa kanila ang kwapol, sampalok at papaya.
01:39Alam niyo ba, hindi basta nasisira ang pagkain kapag binuburo.
01:42May mga microorganism na sadyang nagbabago sa pagkain.
01:46Habang kumikilo sa mga bakterya o yeast,
01:48napapalitan ng ilan sa mga sangkap nito ang nabubuo ang bagong lasa, amoy at texture.
01:53Dami mong alam, Kuya Kim.
01:55Ngayon umaga, ipapakita ng kambalang kanilang simpleng paraan ng pagbuburo.
02:00Una-muna nilang binalada ng mga prutas.
02:02Sakay ito huhugasan at hiliwa-hiwa.
02:06Susunod nilang tinimpla ang mixture na pagbababara ng mga prutas.
02:10Suka lang po, tapos iluluto yung suka para tumagal po yung buhay niyo.
02:13Ang mga prutas ay ibababa dila rito ng ilang oras.
02:18Ang pagbuburo ay ginagawa raw nila sa gabi.
02:21Kaya kinabukasan, pwede agad to lantakan.
02:24Sumang kami, tapos ito ang binabalik palikan namin dito sa kikambal.
02:29Grunchy pa, tsaka yung suka, halagang matanis.
02:32Akala ninyo sa prutas ng ginagawa ang pagbuburo, bali.
02:36May mga gulay din palang sumasailalim sa ganitong proseso.
02:42Sa mandaluyong, may iba pang gulay na pwede palang iburo.
02:45Ilan sa mga produktong ito ay matatagpuan sa Aling Teresita House of Pickles.
02:50It started with my mother, who is Aling Teresites po.
02:54Magaling siyang gumawa ng mga burong vegetable and fruits.
02:58Noong 2022, I decided na kunin yung idea na pagbuburo ni Aling Teresita.
03:04Kahit na may background na sa pagbuburo na minanapan nila sa paggulang,
03:08mas inaral pa rin na Mary Jean ang pagbuburo o fermentation.
03:11With the help of DOST and DTI who helped me na mas mapaganda, mas mapasarap pa ang aking product.
03:19Noong una, pickled mango lang ang binibenta nila.
03:21Pero nang lumaki ang negosyo bukod sa bangga, naisip na rin nila magburo ng mga gulay.
03:27Ilan dito ang ampalaya?
03:28Parang atsarang papaya din pero mas konting bitter.
03:32Ceiling haba?
03:33At bawang.
03:34Maangahang, konting sweet and tangy po yung lasanya.
03:38Paano nga ba nila binuburo mga gulay na ito?
03:41Ito at pasilip nila sa atin.
03:50Ating sili, aalisan na po natin siya ng tangkay.
03:55At to po natin ugasan is inilipat na po natin siya sa crates.
03:59Dito po natin siya ibuburo ng one to two weeks po.
04:04Ito po yung ating brine solution.
04:06It's combination of salt, water, sugar, and peppercorn.
04:12Kaya tumagal ng isang taon ng kanila mga burong gulay.
04:17Matamis siya tapos may pagkaalat siya konti. Masarap naman talaga siya.
04:23Mas masarap siya i-partner sa kanin.
04:26Blended na yung lasa niya, nandiyan na yung anghangtas, yung medyo matamis po.
04:30Pero ano nga bang nangyayari sa gulay at prutas kung ito'y nabuburo?
04:34At anong pwedeng idulot sa atin?
04:37Sa simpleng paliwanag, ang pagbuburo ay isang proseso kung saan ang prutas o gulay ay sasailalim sa isang tiyak na
04:43paraan ng pagpapapreserva o pagbabago ng lasa at texture.
04:46Yung buro po kasi ay nag-undergo po siya ng proses na tinatawag nating fermentation.
04:53So yung fermentation po ay kung saan meron tayong tinatawag ng microorganisms, katulad po ng bakterya o kaya yeast,
05:01kung saan kinoconvert nila yung mga natural sugars doon sa pagkain.
05:05Nagpoproduce ito ng mga acids o kaya naman ng gas.
05:09Paminsan-minsan nagiging alcohol din ito.
05:11Pero ito ang mas kakaiba.
05:13Sa ilang pagkain, ang fermentation ay hindi lang tungkol sa pagpapatagal ng shelf life.
05:17Pwede rin tungtunawin ang pagkain dahil binabago o binabasag ng microorganisms ang ilang bahagi ng raw ingredients.
05:25Dami mong alam, Kuya Kim!
05:27Beneficial siya sa ating gut health.
05:29Ibang fermented na pagkain may live microorganisms na nakakatulong din sa ating digestion, sa ating gut health.
05:36Pero dapat ay huwag din daw sa sobrahan ayon sa eksperto.
05:40Ang mga fermented na pagkain, pwedeng mataas pa rin siya sa asin, sa asukal.
05:44So kailangan hinay-hinay lang.
05:47Sa pagkain, minsan, ang pagbabago sa paraan ng paghahanda ay nagbibigay ng bagong lasa sa mga sangkap na pamilyar at
05:54nakasanayan na.
05:56Dami mong alam, Kuya Kim!
05:59Yung loob ng kwarto, iba yung amoy, amoy maasim.
06:04Nagkaroon ako ng LVM at medyo naka-affect siya sa pregnancy ko.
06:11Meron ba nito sa bahay niyo?
06:13Hindi na rin siya nadadala sa punas.
06:16May tumubo na talagang mushroom.
06:19Ibig sabihin, matagal na yung molds doon.
06:21Na-develop na into fruiting body.
06:23Ito yung tinatawag natin na kabuti.
06:25Pero bakit ang mga inaamag na pagkain ito pwedeng kainin?
06:31Bago kayo umagin sa kakaisip ng rasyon at solusyon, pag-usapan natin ang parehong halaga at pinsalang dulot ng amag
06:38o molds.
06:44Sunod-sunod ang pagulan itong mga nakarambuan.
06:47Kaya pagkatapos ng baha, ito ang pumulaga sa ilang mga bahay.
06:51Amag.
06:52At kabila na dyan ang bahay ni Laleen.
06:55Yung mga gamit namin ito is more on kahoy.
06:57After a week na nag-stop yung ulan, nagkaroon na ng mga molds yung mga upuan, yung mga carpet, mga
07:06kama.
07:07Pati yung mga gamit namin na nakahang, meron na din.
07:13Pero ang mas naka-alarma sa mother of three na si Lynn, ang hindi raw mawala-walang ubutsi po ng
07:18kanyang mga anak.
07:18Yung pija namin, yung tanong, sabi niya, yung bahay niyo ba old? May mga napapansin ba kayong mga molds?
07:25Doon ako na-curious.
07:27Kaya si Lynn napapost online.
07:30Ang mission natin ngayong umaga, puksain ang amag sa bahay.
07:35Ang amag ay fungi na may long strands na tinatawag na hyphae.
07:39Kapag nagsama-sama ito, nabubuang may psyllium o yung mukhang mabalahibong tumutubo sa iba't ibang mga surfaces.
07:45Dami mong alam, Kuya Kim.
07:47May iba't ibang species at kulay ito na naglalaro mula sa common black at green.
07:52Pati na puti, dilaw, orange at iba pa.
07:55Yung mga puting amag ay kadalasang lumilitaw sa mga nabasang kahoy, pader o damit.
08:00Yung mga kulay green ay nakikita naman natin sa pagkain, tinapay at mga citrus fruit.
08:05Ang mga orange mold naman ay kadalasang nasa slimy spots sa mga basang sulok tulad ng banyo.
08:10Kapag hindi naagapan, dumadami din ito.
08:13Paano nga ba dumarami ang molds?
08:14May maliit kasing spores o conibia ang amag na pwedeng liparin ng hangin at dumapo sa ating gamit o pagkain.
08:21Kumbaga sa halaman, ito yung pinaka seeds.
08:24At ang molds, ito ay microscopic fungi that reproduce through airborne.
08:32Nabubuang amag kapag present sa isang bagay ang moisture, oxygen, nutrients at tamang temperatura lamang.
08:39Ang pinaka-mahalagang factor para mabuang amag ay moisture.
08:44Napansin niyo bang mabilis amagin ang parte ng bahay na basa o humid?
08:47Kung akala ninyo, amag lang yan.
08:49Naku, huwag daw itong ismulin.
08:51Tapag na-inhale yung spores, pwedeng magkaroon ng runny nose, pwedeng mag-sneezing, mag-wissing.
08:59Pero ang amag, hindi lang dumidikit sa balat o nalalanghap.
09:04Pwede rin itong makain.
09:06Naku, alam niyo ba ng amag ay bread lover din tulad natin?
09:10Dahil mataas sa carbohydrates sa nutrients na kailangan ng fungi para lumago.
09:15Ang mga packed bread din ay may sapat ng moisture at mild warmth na gusto ng molds.
09:20Molds are everywhere.
09:22Bago siya mabalot, no?
09:24Possible na mayroon ng spores.
09:26Nag-accumulate na ng moisture.
09:28So, madidevelop at madidevelop na yung tinatawag natin na amag.
09:33Generally na, outpower naman ito ng ating sigmura kung makakain man tayo ng amag, lalo na kung konti lang.
09:40Pero depende sa dami o sensitivity na nakakain.
09:44Pwede ito magdulot ng pagkahilo, pagsusuka o diarrhea.
09:48May ilang amag na gumagawa ng mycotoxins,
09:51isang uri ng delikadong chemical sa pwede maging banta sa food safety ng mga tao.
09:55Nag-iging carcinogenic.
09:57And then, eventually, makaka-epekto din ito sa ating internal organ, including lungs.
10:04Kung ganun, bakit may mga tao kumakain ng pagkain may amag?
10:08Numero uno dyan, ang blue cheese.
10:10May patitikin po ako sa inyo.
10:11Tikman niyo po.
10:14Masarap po.
10:15Masarap?
10:16Ito po yung isang uli ng queso nung ko tawagin na yung blue cheese.
10:19So, punong-punong po siya ng amag.
10:23Ano ang lasa para sa'yo?
10:25Palat.
10:27Sarap.
10:28Sarap?
10:29Ito yung mga amag-amag na yan. Masarap.
10:30May amag pa siya.
10:31Parang ganun may mga bilog-bilog.
10:32Ang ilang cheese gaya ng blue cheese ay sadyang pinapa-amag para sa signature sharp flavor at visible veins.
10:40Ang ilang pang pagkain nilalagyan ng amag ay fermented soy products at cured meats.
10:46Ang nilalabas na enzymes ng molds na dumutulong sa mag-breakdown ng carbohydrates, protein at fats.
10:51Ito rin ang dahilan kaya nagpabago ang texture, amoy, kulay o lasa ng pagkain.
10:55Mayroon kasi tayong tinatawag na beneficial na molds at mayroon ding harmful.
11:01Ito, mga ito ay nabibilang dun sa beneficial molds.
11:04Ginagamit ito for fermentation.
11:07Patunay ng amag, hindi lang naman puro perwisyong atin sa atin.
11:11Minsan may ambag din ang amag.
11:13Kapag mayroon ng amag sa loob ng bahay,
11:16ang kinakailangan lang ay i-control yung moisture.
11:19That is the best, no?
11:21Panatiliin ang kalinisan at kaligtasan sa ating tahanan.
11:25Bago pa amagin ang kalusugan.
12:19PYMEDO
12:20You

Recommended