00:00...and sewerage system o MWSS na walang magiging krisis sa tubig sa Metro Manila
00:04sa kabila ng nagbabadyang Super El Niño.
00:08Iniisa-isa rin nila ang mga alternatibong mapagkukunan ng tubig bukod sa anggat da.
00:12Isa po rito, inaasahang matatapos sa Nobyempre.
00:16Saksi, si Bernadette Reyes.
00:21Maya't maya ang dating ng mga namimili ng mga balde at drums sa tindahang ito sa Quezon City.
00:27Naniniguro lang daw sila.
00:28Mahirap pag marami pa naman kami.
00:32Naninigurado lang kasi hindi rin natin alam kung ano yung panahon.
00:37Baka biglaan na lang, mawalan ng tubig.
00:39Siyempre kasi may mga bata sa bahay so dapat merong reserve.
00:43Halos two weeks na po kami, napakarami po, dinadagsa po ng tao.
00:47Dahil sinasabi po na Super El Niño po, yung mga tao po, kung baga sa ano, naghahanda na po.
00:52Ayon sa Metropolitan Water Works and Sewerage System o MWSS Regulatory Office,
00:57hindi kailangang magpanig.
00:59I think the president is saying is that is for outside Metro Manila.
01:03I can guarantee na wala pong water service crisis this coming Super El Niño.
01:08Handa po ang Manila Water at Maynila, hindi po magkakaroon ng water crisis.
01:12Noong 2022 pa raw, sinimulan ang mga paghahanda para sa Super El Niño.
01:18Worse na worse po ito, probably water service interruptions,
01:21but there will still always be water at the tap within 24 hours.
01:25So they don't need to go mung pila balde sa labas po.
01:28Sabi ng Manila Water, isang malaking aral sa nagdaang El Niño na huwag umasa sa iisang water source.
01:342019, anggat lang yung source natin.
01:38So we learned from that, na mahalaga na to be water secure,
01:42kinakailangan na mag-develop tayo ng karagdagan pang mga water sources.
01:46So ngayon, hindi lamang anggat ang pinagkukuna natin.
01:50Kabilang Anila sa na-develop na water sources,
01:53ang Cardona Water Treatment Plant na kayang magbigay ng 110 million liters per day.
01:59Ang East Bay Project naman, tapos na ang Phase 1 na nakapagbibigay ng hanggang 50 million liters per day.
02:07Mayroon ding Wawa Antipolo Water System na nakakapagbigay ng 80 million liters per day.
02:13Inaasahan din ang dagdag na water supply sa susunod na buwan mula sa Kaisakat Water Treatment Plant.
02:20Ang Maynilad naman, nag-upgrade na rin daw ng mga pasilidad at malaki na rin ang nabawas sa non-revenue
02:25water.
02:26Pero nagtuturo rin sila sa publiko ng paraan para makatipid tulad ng pag-ipo ng tubig mula sa aircon
02:33na maaari-anilang gamitin pang buhos sa banyo.
02:37Kasabay ng pagsisiguro na may sapat na supply ng tubig,
02:41ang panawagan ng MWSS Regulatory Office at ng Water Concessionaire
02:45na maging maingat at responsable ang mga consumer sa paggamit ng tubig.
02:50They don't need to hoard anything. Kailangan po natin talaga is responsible use.
02:56Ang Department of Social Welfare and Development o DSWD
03:00ipinakita ang aparato na makatutulongan nila sa paglinis ng tubig.
03:05Nandito na yung filter head, nandito na yung drill bit, nandito na lahat.
03:09Maaari rin daw inumin ng tubig na nasala gamit ang naturang filter.
03:14Cheers!
03:15President, ayaw talaga.
03:16Ayaw eh.
03:17Cheers!
03:21This is like drinking any beer.
03:24Okay.
03:25Pagtitiyak ng DSWD, ligtas inumin ng tubig na dumaan sa filter base
03:30sa sertifikasyon mula sa Department of Health.
03:33Matagal rin ang nila itong ginagamit sa mga lugar na hinagupit ng kalamidad.
03:37Pero patuloy raw ang paghahanap ng mga alternatibong mapagkukunan ng supply ng tubig,
03:42lalo't ang epekto ng El Niño, aabot hanggang kalagitnaan ng susunod na taon.
03:47DENR at MWSS ay nag-activate na ng 61 decommissioned deep wells upang madagdagan ang supply ng tubig sa Metro
03:57Manila.
03:59Kinabibilis ang pagtatapos ng Kaisakat Water Treatment Plant sa Upper Wawa Dam.
04:04Matatapos ito sa November 2026.
04:08Madagdagan ito, or rather, magdadagdag ito ng 160 million liters per day ng tubig.
04:16Ako si Bernadette Reyes, ang inyong saksi.