00:08Mga kapuso, pasintabilang po at sensitibo ang pag-uusapan natin ngayon.
00:15Tila doble ang pagluluksan ng mga ilang pet owner matapos mag-viral ang kalunos-lunos na sinapit
00:21ng mga itinapong labi ng mga alagang aso at pusa sa gilid ng kalsada sa San Jose del Monte, Bulacan.
00:30Nakasilid ang mga hayop sa mga plastic na may label ng pangalan at timbang.
00:35Natukoy ang pinagmula ng mga labi ng alagang hayop sa isang pet crematorium sa Bacoor, Cavite.
00:42Ipinasara na ng Bacoor LGU ang pet crematorium at sinuspindi ang business permit nito.
00:49Ayon sa LGU, walang naipakitang CCTV footage o sapat na dokumentasyon ng crematorium na nagpapatunay na isinagawa ang cremation.
01:00Hindi raw saklaw ng business permit nito ang cremation sa mga hayop.
01:04Hindi rin daw tiyak na ang mga abon na naibalik sa pet owners ay mula sa kanilang mga alaga.
01:11Iniimbestigahan na rin ang San Jose del Monte Police ang insidente at tinetrace ang sasakyang nagbagsak ng mga hayop.
01:18Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito? Ask me, ask Atty. Gabby.
01:27Atty, paano kung mapatunayang hindi naman pala totoong abon ng mga alagang hayop ang naibigay sa mga pet owners?
01:35Well, kung talagang may panlalokong involved at hindi talaga sumailalim sa cremation ang mga alagang hayop at hindi rin totoong
01:43abon ng kanilang pet ang ibinalik sa mga owner,
01:46ito ay kraso ng estafa o swindling sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code.
01:53At ang pangunahing pinarurusan ng krimen ng estafa ay ang paggamit ng panlilinlang o panlaloko para kayo ay makunan ng
02:02inyong pera.
02:03At ang kawawang mga fur parents naman na ang trato sa mga minahal na mga alaga ay talagang gumagastos para
02:10mailagay sa tahimik ang mga alaga na minahal at kinilala na talaga bilang pamilya.
02:17May kulong ba to? Of course po, merong kulong at depende kung magkano ang nakuha mula sa mga naloko.
02:24Usually, ang kulong ay prision correctional minimum and medium kung ang amount involved ay P6,000 to P12,000 at
02:34ito ang mga mukhang nakatala sa mga advertisement for pet cremations.
02:38At ito ay kulong ng 6 months and 1 day hanggang 4 years and 2 months na pinakamahaba.
02:45Bukod yan, maaari ding maningil ng danyos ang mga naagrabya ng pet owner dahil sa pinsala at emosyonal na sinapit
02:53dulot sa nangyari.
02:54Of course, meron ding posibleng kaso sa ilalim ng ating mga batas ukol sa tamang disposal ng mga nanamatay na
03:02hayop.
03:02Mga kapuso, tandaan po, hindi po dapat na tinatapon lamang sa tabi-tabi ang mga labi ng mga hayop natin.
03:09Ito ay considered bilang isang public nuisance dahil ito ay posibleng source ng sakit at baka maka-contaminate din sa
03:18ating mga tubigan.
03:19Aside from the fact na talagang offensive sa pangamoy at mag-a-attract pa ng mga langaw at iba pang
03:25mga hayop.
03:26Kaya't ipinagbabawal po ng ating sanitation code ng atang ating batas ukol sa ecological waste management.
03:34Kaya sa mga pet owner ng posibleng na biktima, dapat na itago ang mga resibo, certificate of cremation,
03:42mga usapan sa mga taga-crematorium at ipapang mga mahalagang dokumento na nagbayad at nangako sila ng servisyo ng cremation.
03:52Dapat din siguro talagang i-require na may recording ng proseso ng pag-cremate ng ating mga alaga
03:58para masiguro na ito talaga ang kinilang ginagawa ayon sa mga binayad natin.
04:04Naku, may follow-up pa, attorney. Paano naman kung sa tao mangyari ito?
04:09Naku, e para namang dapat ay mas malaking kasalanan kung ang panlalokong ganito ay gagawin sa mga human remains.
04:16Di po ba?
04:17Of course, may liabilidad pa rin sa krimi ng estafa sa panlalokong ginawa.
04:22Pero hindi naman siguro nila itatapon sa kung saan saan ang mga labi nang hindi na-cremate.
04:27Dahil ang mga labi ng mga tao ay considered as extra patrimonium or outside the covers of man
04:34at hindi maaaring basta-basta lamang ididispat siya.
04:38Kaya't hindi na siya buhay, kahit na hindi na siya buhay at hindi maituturing na tao,
04:43may protection pa rin ang batas ukol sa mga labi ng mga tao.
04:47Kaya't matinding ipinagbabawal sa ilano ng ating sanitation code at iba pang mga batas
04:53ang pagtapon ng mga labi ng isang tao kung saan saan lamang, of course naman.
04:58Mas matindi ang liabilidad din para sa moral damages na maibibigay sa pamilya na niloko sa ganitong paraan.
05:06Ayon po sa Article 309 ng Civil Code,
05:09ang hindi pagbigay ng tamang respeto sa namatay ay magkakaroon ng liabilidad para sa danos,
05:15para sa naiwang pamilya, kasama na ang moral damages para sa kanilang pagdadalamhati.
05:22Dapat talaga-talagang binibigyan ng respeto ang ating mga minamahal sa buhay,
05:27whether sila ay buhay or lumipas na.
05:30Ang mga usaping batas, bibigyan po nating linaw.
05:33Para sa kapayapaan ng pag-iisip, huwag magdalawang isip,
05:38Ask Me, Ask Attorney Gabby.
05:42Wait! Bago ka umalis dyan, mag-subscribe ka muna sa GMA Public Affairs YouTube channel
05:47para sa latest happenings ng unang hirit.
05:50Ba-bye!