00:02Pinalawak ng ASEAN Member States ang kanilang energy cooperation sa pagkakapirma ng Enhanced Memorandum of Understanding on the ASEAN Power
00:11Grid.
00:12Layo nito na pagdugtungin ang national electricity grids ng mga bansa sa Southeast Asia at bigyang daan ang cross-border
00:19electricity trade.
00:20Sa pamamagitan nito, mas magiging posible ang pagbabahaginan ng supply ng kuryente sa pagkita ng mga bansa kabilang ang paggamit
00:28ng renewable energy sources.
00:30This will connect the entire ASEAN for energy security, meaning we can source power across ASEAN, all types of energy
00:39because we are all connected.
00:42Samantala, isinusulong din ang Pilipinas ang ASEAN Oil Stockpile Initiative sa inisyatiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:50Target nito na matulungan ang mga member states na harapin ang supply disruptions at mabawasan ang risks sa mga negosyo
00:57sa panahon ng global uncertainty.
00:59Nakatakdang magsumite ang mga bansa ng kanilang mga pagkaaral bilang bahagi ng pagbuo ng regional oil stockpiling mechanism.
01:06Sa usapin naman ng food security, nagkasundo ang ASEAN sa isang kooperasyon para mapalakas ang agricultural productivity at matiyak ang
01:15akses sa sapat na supply ng pagkain.
01:18Kabilang sa mga tinututukan ang agriculture modernization at pagbabahagi ng best practices sa pagitan ng mga bansa.
01:25Food security is actually a very important factor especially during times of crisis.
01:31So we continue the talks among the agriculture department and also our department to make sure that we learn the
01:39best practices.
01:40Sa mas minatatag na kooperasyon sa enerhiya at agrikultura, umaasa ang ASEAN na mas mapapalakas ang katatagan ng supply ng
01:48mga pangunahing pangangailangan at ang kahandaan ng regyon sa mga susunod na krisis.
01:53Para sa ASEAN Summit 2026, Elijah Canlas ng Integrated State Media.