00:00Samantala mga manging isda na turn over ng illegal na droga sa PCG,
00:04isinalaysay kung paano ito nadiskubre sa bataan.
00:07Habang sa Pangasinan, mahigit isang bilyong pisong halaga rin
00:10ng illegal na droga ang nakita ng mga manging isda.
00:13Si J.M. Pineda sa Sentro ng Balita Live. J.M.
00:19Joshua, binigyang parangal nga kaninang umaga ang mga manging isda
00:23na nagsumbong sa Philippine Ghost Guard patungkol dito
00:26sa nakita nilang droga na lumulutang sa dagat.
00:30Ikuwento rin nila mismo kung ano yung nangyari
00:33at kung anong una nilang naramdaman nung nakita yung mga droga.
00:38May 29 nang namataan ng mga manging isda sa bataan
00:41ang bulto-bultong droga na ito.
00:44Nasa sampung plastic bag ng metapetamin o shabu ang mga nasa loob nito.
00:48Kwento ng mga manging isda, pabalik na sila sa pangpanggaling sa panghuli
00:52malapit sa bahagi ng Baudimasin Lok
00:54nang makita nila ang isang sako na palutang-lutang sa dagat.
00:58Kinuwa daw nila ito dahil akala nila ay simpleng sako lang na may pagkain ang laman
01:03pero laking gulat nila nang tumambad ang mga iligal na droga.
01:07Nag-curious po kami, nilapitan namin.
01:10Ayan nga po, akala mo namin pagkain.
01:12Kasi po, madalas po kami nagkaka-encounter po sa mga Vietnam po na nagkano ng pagkain.
01:17Ayan na, tinampot po namin.
01:22Sir, akala namin kung ano nga, ayan na, pinuksan nga po.
01:26Sabi nila, tawas daw.
01:29Ayan nga po na, nagano nga sila na,
01:32naging hinala na rin po sila na droga kaya,
01:36hindi na lang po namin sa tabi.
01:38Nang makarating na sila sa pangpanga,
01:39agad na tinurn over at sinumbong na mga manging isda
01:42ang nakita nilang sako sa Philippine Coast Guard
01:44at dito kinumpirma ng mga otoridad na iligal na droga nga ang laman nito.
01:48Siyempre po, takot po sir.
01:52Kasi po, hindi basta-basta yung nadampot mo namin yung droga.
01:57Malaki yan po.
01:58Kaya, hindi rin po kami pagdating sa tabi, hindi po kami mapakali.
02:03Inisipan po namin na isurin din na po sa Philippine Coast Guard.
02:07Nakipag-ugnayan naman ang PCG sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA
02:10para maimbestigaan ang nasabat na droga.
02:13Sa kabuan, nasa higit 200 kilograms o 1.51 billion pesos
02:18ang market value ng mga droga.
02:20Hawak na ngayon ito ng PDEA at idadaan sa ilang mga laboratory process.
02:25Kahapon naman, nasa 1.17 billion pesos na droga rin
02:28ang nakita ng mga manging isda sa Pangasinan.
02:31May layong 32 nautical miles mula sa kanlura ng Agno, Pangasinan.
02:35Ang mga manging isda nang mamataan ang dalawang sako
02:38ng inihinalang mga droga.
02:40Bukod sa dalawang sakong yan,
02:41apat na sako pa ang nakita ng iba namang manging isda
02:44sa ilang parte ng Pangasinan.
02:46Nakaselyo pa umano ang mga ito
02:48nang makita ng mga manging isda na lumulutang sa dagat.
02:51Ang pagkakasabat ng mga droga na ito
02:53ay nagpapakita umano ng matibay na relasyon ng PCG
02:56at ng mga lokal na manging isda sa Pilipinas.
02:59Yung role ng taong bayan na ipaalam sa Coast Guard,
03:01doon magsisimula yung response.
03:04So napaka-importante sa atin
03:06na supportado tayo ng ating mga mamamayan
03:08sa pagpapatupad ng batas.
03:11At mayroon tayo dapat sapat na kakayahan
03:15upang makapag-responde.
03:17So magkaruntong sila.
03:19Tiniyak naman ang Coast Guard
03:20na patuloy silang magbabantay
03:22sa mga nasasakupan na kalagatan,
03:24katuwang PNP at PIDEA,
03:26alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
03:28na protektahan ang lahat ng maritime border
03:31laban sa mga nagtutulak ng iligal na droga.
03:34Joshua, dahil nga sa pagkakasabat ng mga droga na ito
03:40sa ilang karagatan ng Luzon,
03:42nagutos na rin yung mga commander
03:43ng mga Coast Guard District sa ilang mga lugar
03:46gaya na nga ng Pangasinan at Sabataan
03:49na paitingin pa yung pagbabantay
03:51doon sa mga lugar nang sasakupan nila.
03:53Panawagan din ng PCG sa mga residente
03:55na nakatira doon sa mga dagat.
03:56At syempre, doon sa mga manging isda
03:58naisumbong agad o i-report sa mga kinawukulan
04:01kung may nakita silang kahina-hinalang
04:04mga lumulutang na bagaya sa dagat.
04:06Joshua?
04:07Yes, JM.
04:08Hindi ba natin naitanon doon sa mga manging isda
04:10kung bakit hindi nila ito pinag-interesan
04:12dahil nga hindi biro ding halaga ng droga
04:14ito nakita nila
04:15at hindi nila naisipan na itago
04:17o sila na magbihenta nito?
04:22Joshua, sabi sa atin
04:24nung mga manging isda
04:26e, sinalisay nila yung pagkakakita nila doon
04:28e, ang unang naramdaman nila e, takot.
04:30Yun yung unang nilang sinabi sa akin
04:32nung time na tinatanong ko sila
04:34takot daw yung naramdaman nila
04:35dahil sobrang laki daw nung halaga na yun
04:37at hindi rin sila nasilaw doon sa halaga
04:40dahil, e, paniguradong madadamay sila
04:42kung sakali may mga malalaking tao
04:45ang nasa likod nung droga na yun.
04:49Joshua?
04:51Alright, maraming salamat, JM Pineda.