00:00Not guilty ang ipinasok na plea ng Korte para kay dating Congressman Arnolfo Tevez Jr.
00:06hinggil sa kaso niyang Terrorism Financing.
00:09Ayon sa abogado niya na si Attorney Ferdinand Topacio,
00:12tumanggi na magbigay ng plea si Tevez kaya ang Korte na ang nagbigay ng not guilty plea.
00:19Hindi naman personal na pumunta si Tevez sa pagbasa ng sakdal sa Quezon City Regional Trial Court
00:25at dumalo ito via video conference.
00:29Si Tevez ay may nakatakdang follow-up check-up bukas
00:32at patuloy na nagpapagaling matapos ang kanyang emergency appendectomy noong nakaraang buwan.