00:00Binansagan ng Ombudsman Jesus Crispin Remulia na epicenter ng flood control ang Davao City
00:06sa panahon kung kailan nakaupupang alkalde si Vice President Sara Duterte.
00:12Inimbestigahan rao nila kung may bahid ng korupsyon ang mga proyekto.
00:16Pumalag dyan si Congressman Paulo Duterte at may hamon kay Remulia.
00:22Nakatutok si Bea Pinla.
00:28Ang epicenter po ng flood control bago ho dumating ang Marcos administration ay Davao City.
00:34Epicenter ng flood control noon.
00:37Ganyan inilarawan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia ang Davao City, ang baluarte ng pamilya Duterte.
00:44Humarap si Remulia sa House Appropriations Committee,
00:47kaugnay ng hinihinging mahigit 7 billion peso budget ng kanyang tanggapan para sa taong 2027.
00:54Doon, tinanong siya kung iniimbestigahan din ba ang umano'y korupsyon sa flood control project sa nakaraang administrasyon.
01:01Davao po yung ekosistem na aming tinutukoy.
01:05At napaka, kasi doon ho maraming pondo na pumasok daw sa flood control.
01:10Hindi lang ho madali talaga.
01:12Ang ekosistem of corruption po mabigat.
01:14Mahirap pong pasukin.
01:16Mahirap pong kumuha ng informasyon.
01:19Marami ho'ng taong hindi nagsasalita.
01:21Pero hindi ho kami tumitigil.
01:23Hindi nagbigay si Remulia ng halaga kung magkano ang flood control project na pumasok sa Davao City.
01:28Pero nilinaw niyang iniimbestigahan pa nila kung may dungis ng korupsyon ang mga flood control project sa Davao.
01:35Flood control because there's a big budget in the past in Davao City about flood control.
01:40That's what I know.
01:41But not corruption?
01:42Well, we will check out the flood control there.
01:44Hinihingi namin ang reaksyon ni Vice President Sara Duterte na nakaupong mayor ng Davao City bago pumasok ang Marcos administration.
01:52Sa isa namang pahayag, hinamon ng kanyang kapatid si Remulia na ipakita ang kumpletong record sa tinutukoy nito na epicenter
01:59ng flood control ang Davao City.
02:01Sabi ni Davao City First District Rep. Paolo Duterte, ilanta daw lahat ng taon, lahat ng proyekto, at lahat ng
02:09pangalan.
02:10Walang pipiliin o exempted.
02:12Dagdag ni Rep. Duterte, huwag daw magpadalos-dalos sa pagsasalita.
02:17At baka masira lang ang kredibilidad ng ombudsman, lalot nag-iimbestiga pa lamang sila.
02:23Pagtitiyak ni ombudsman Remulia, iimbestigahan din pati ang mga opisyal ng kasalukuyang administrasyon na sangkot umano sa flood control scandal.
02:31May assurance kayo na kahit involved dito ang secretaries ng kabinete ng Malacanang at kahit ang Pangulo mismo, kahit tumuro
02:43doon sa Pangulo ay kasama yan sa iimbestigahan nyo. Tama po ba?
02:48Po, lahat po yan ay base sa ebidensya. Wala ko tayo sisinuhin dito.
02:53Kampante naman ang ombudsman sa kasong ihinahanda nila laban sa pinsa ng Pangulo na si dating Speaker Martin Romualdez.
03:00Sa kabila ng pagbawi ng testimonya ng apat sa dating bodyguard ni dating Congressman Zaldico na nagdadawit kay Romualdez sa
03:07flood control scandal.
03:08We have other evidence pa, but we can prove that pa rin. Marami kami hindi magre-recal. Sigurado ako.
03:13Sinabi rin ni Remulya na nagsasagawa na ang ombudsman ng lifestyle check sa mahigit isang daang opisyal ng gobyerno.
03:20At pati social media pages ng mga kaanak nila, sinisilip.
03:24We have been actively pursuing information on the people in customs, in LTO, and other income generating agencies of the
03:38government
03:38because most of the lifestyle sins happened, including the BIR, Your Honor.
03:46Pero aminado si Remulya na limitado ang kapangyarihan nila sa fact-finding investigation o pagkalap ng ebidensya.
03:53Probably yung isang batas na kinakailangan namin, yung contempt powers na ibibigay po sa Office of the Ombudsman.
04:00Kasi parang wala hong ngipin kung hindi ho tayo bibigyan ng contempt powers.
04:06Bea Pinlock, Nakatutok 24 Oras.