Skip to playerSkip to main content
Aired (October 18, 2026): “HAPPIEST PLACE ON EARTH” NA DISNEYLAND, MATATAGPUAN NA RIN DAW SA PAMPANGA?! PERO ANG THEME PARK, UMANI NG PUNA DAHIL POSIBLENG MAY PAGLABAG UMANO SA COPYRIGHT LAW?

Fantasy ng marami ang makapasyal sa tinaguriang Happiest Place on Earth— ang Disneyland! ‘Yun nga lang, hindi lahat, afford mag-abroad!

Pero hindi na raw kailangan ng passport at gumastos ng libu-libo para lang ma-experience ang magic! Kamakailan lang kasi sa Santo Tomas, Pampanga, may nagbukas ang isang theme park na ‘singkulay at ‘sing saya rin daw ng Happiest Place on Earth, ‘yan ang Rancho at Mula de Victoria!

Pero ayon sa komento at kritisismo ng iba, hindi lang daw nila ito kinopya, tila may nalalabag na silang batas?

Ang panig ng kinatawan ng theme park, panoorin sa video. #KMJS

“Kapuso Mo, Jessica Soho” (One at Heart, Jessica Soho) is the Philippines' top-rating news magazine program, hosted by one of the most-awarded broadcast journalists in the country, Jessica Soho. It features human interest stories, food, news personalities, travel, trends and pop culture. 'KMJS' airs every Sunday, 8:15 PM on GMA Network. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #KMJS

Category

🎈
Fun
Transcript
00:04Ito ang pantasya ng marami, ang makapasyal sa tinaguriang happiest place on earth, ang Disneyland.
00:14Yun nga lang, hindi naman lahat afford mag-abroad, pero hindi mo na raw kailangan ng passport at gumastos pa
00:22ng libo-libo para lang ma-experience ang magic.
00:28Kamakailan lang kasi sa bayan ng Santo Tomas sa Pampanga, may nagbukas na theme park na singkulay at singsaya rin
00:37daw ng happiest place on earth.
00:43Meron ditong ibat-ibang attractions at rides. May parada rin kung saan masisilayan ang ibat-ibang mga karakter sakay ng
00:53makukulay na floats.
00:56At ang marahil pinakaagaw pansin sa lahat, ang ipinagmamalaki nila ritong castle na tuwing gabi may polite show at fireworks
01:06display.
01:08Ito ang rancho at mula de Victoria.
01:15Pero marami ang nakapansin sa pagkakapareho ng itsura ng theme park na ito sa Disneyland at sa mga ipinaparadang Disney
01:25characters.
01:26Ayon nga sa ilang mga puna at komento, hindi lang gaya-gaya, baka may nalabag na batas?
01:37May bagong theme park sa Pampanga, pero may issue. Meron daw ginaya?
01:48Nitong Webes, binisita ng aming team ang kontrobersyal ngayong theme park.
01:53Alas 4 ng hapon nito nagbubukas.
01:56Kung ang ticket sa International Theme Parks hindi bababa ng 3,000 pesos,
02:02dito sa Rancho at Mula de Victoria, 100 pesos!
02:09Pagpasok sa park, ang bubungad, ang main attraction, ang napakalaki at napakakulay na castle.
02:17Dahil princess ang theme ng third birthday ng anak ni na Jeff at Leigh na si Yuna,
02:23ang kastilyo ang napili nilang backdrop para sa kanyang birthday pictorial.
02:28Si Yuna, parang prinsesa ang arrived sa kanyang yellow dress.
02:32Nakita namin na isa siya sa mga magandang area na kung saan pwede mag-banding yung family.
02:38Hindi na kailangan na mag-out of the country pa.
02:41Dito, samahan mo lang yung mga magpamag-anak mo.
02:44Sa palibot ng castle o kastilyo, may mga kainan at iba pang attractions.
02:52Isa sa mga pinipilahan ang kanilang Christmas Village.
02:56Ang mga log cabin dito, parang nababalot ng fog at snow.
03:00So, lakas maka White Christmas.
03:03Ang pamilya ng taga-antipolo na si Jennifer enjoy sa pa-snowfall.
03:09Nagawa lang sa bubbles.
03:11At ang lugar, parang nababalot ng lamig ng niebe.
03:14Dahil sa kanilang ginagamit na mist o water spray.
03:20Hindi naman kami makagawa sa Hong Kong.
03:21Kaya pampanga na lang.
03:23Di pa namin afford.
03:24Kahit sobrang mahal langgas ngayon.
03:26So, sulit pa rin naman to.
03:28Happy yung mga kids.
03:29Meron din sila ritong ilog.
03:31Kung saan pwedeng mag-cruise.
03:33Ang pamilyang ito, mula sa Abra, bumiyahe pa ng walong oras.
03:38Hindi pinalagpas ang paglayad sa ilog.
03:42Tinignan lang namin kung okay.
03:44Kasi sa Facebook, ganda-ganda ng ano nila.
03:46Sa palibot naman ng theme park,
03:49nagkalap ang mga performer na nakakostume na.
04:00Magagaling po sila lahat.
04:01Literal namang tinitingala ang mga lalaking ito na nakakostume ng pangmagisyan.
04:08Nag-iikot sila ng nakastilts o kadang-kadang.
04:12At pagsapit nga ng gabi,
04:18parada na ng mga princesses at sikat na cartoon characters na kasakay sa magagarang float.
04:33Ang pamilya naman ni Clinton, mula Australia.
04:37Sinadya raw talaga nila rito ang Castle Show.
04:41Nabalot ng iba't ibang kulay ang kastilyo.
04:44Parang eksena sa ilang sikat na animated film
04:48sa pamagitan ng high definition projection mapping.
04:52The lighting was amazing.
04:54The story was amazing.
04:55Very engaging.
04:57At para sa grand finale,
04:59may fireworks!
05:10Pero sa likod ng makukulay na palabas,
05:13may tanong ang ilang nakapanood.
05:16Inspired lang ba ito ng Disneyland o Pangungopia?
05:22Kuhang-kuha kasi,
05:23hindi lang itsura ng characters na narito,
05:27pati na mga kanta at eksena sa animated films at performances.
05:33Copyright infringement ito kasi pinoprotekta ng copyright ang right holder
05:37or ang copyright owner from the moment of creation.
05:40Hindi nga naging maingat.
05:42Kasi kung naging maingat siya,
05:44dapat humingi siya ng consent,
05:46inaralang legality,
05:47o kung ano man.
05:48Kasi as a business owner,
05:50syempre kikita tayo.
05:51Better make something unique that you'll be proud of
05:53and Filipino themes are better than those foreign mascots.
05:57Komento tuloy ng iba,
05:59bakit hindi nalang nagtayo ng theme park
06:02para sa sarili nating mga kwento at karakter
06:05na Pilipino ang bida.
06:08Hinarap ng isa sa mga bumuo ng theme park
06:12ang mga tanong at puna.
06:14Ginagawa na namin paraan yun.
06:17Ano kaya ang maaasahan
06:19sa mga pinaplano raw ngayon
06:22na pagbabago?
06:23May bago ba silang magic formula?
06:27Alamin natin!
06:28Susunod na!
06:32Sa mga nagpapantasyang makapunta
06:35ng Disneyland ngayong Pasko,
06:38pero tied sa budget,
06:40meron daw alternatibo.
06:43Sa Pampanga kasi,
06:44may bagong bukas na theme park
06:47na ang vibes parang sa Disneyland.
06:55Marami man ang natuwa at namangha
06:58sa mga paandar.
06:59Hindi naman nakaligtas ang theme park
07:02sa mga puna.
07:03At tanong,
07:04bakit daw parang gaya-gaya lang sa Disneyland?
07:08Mula sa mga karakter attractions
07:11hanggang sa kanilang parada
07:13at castle show.
07:16Kinuha ng aming team
07:17ang panig ng pamunuan ng theme park.
07:20Nagpaunla ang mismong arkitekto nito,
07:23si Architect Jong Nagit.
07:25Ang main vision po kasi ng mga owners
07:28is to provide a place na mura
07:31na magiging venue
07:33para maging masaya yung mga bata.
07:35Bago dinagsak ng publiko,
07:38ang theme park,
07:39dati raw pahingahan
07:40o rest house
07:41ng isang negosyante
07:43mula Pampanga.
07:44Dumami yung mga villas.
07:46Nung punuyan na yung mga villas namin doon,
07:49nag-expand kami dito.
07:50Naisipan din namin na gumawa lang
07:52ng bongging villa park.
07:54Nag-expand na lang kami,
07:55gumawa kami ng theme park.
07:56Si Jong ang isaraw
07:58sa mga nag-conceptualize
07:59ng main attraction ng park,
08:01ang Castillo.
08:03Nakipag-collab pa raw siya
08:05sa ilang kapampangan artist
08:06para mabuo ito
08:08na gawa sa scrap
08:10o recycled materials.
08:12Galing sa mga ginagawa namin
08:14mga buildings,
08:16dinadala namin dito
08:17at doon nag-start yung castle.
08:19Structurally fit naman siya.
08:21Yung castle namin
08:22hindi naman namin tinatanggi
08:24na inspired yan
08:25sa mga sikat na theme park
08:27sa ibang bansa.
08:28Nag-research din kami
08:29kung paano namin
08:30na pagsamasamayin
08:31yung iba-ibang field,
08:32yung mga ibang engineering works,
08:34tsaka yung mga taong capable
08:36na gumawa
08:37ng mga ganitong
08:38klaseng presentation.
08:40Gumagastos din daw sila
08:41ng libo-libo
08:42kada gabi
08:43para maitawin
08:44ang kanilang castle show.
08:46Hindi lang daw ito negosyo,
08:48kundi trabaho
08:49para sa daan-daan nilang
08:51mga empleyado.
08:53Medyo may kamahalan din
08:55kasi yung mga tao namin dito
08:57is I think
08:58nasa more than
08:59200
09:01personel.
09:02Nagbigay rin ang panig
09:04si Architect Joe
09:05sa issue ng
09:06panggagaya
09:07o paglabag
09:08di umano
09:08sa copyright laws.
09:10Ginagawa na namin
09:11paraan yun
09:12at nasa proseso na nga kami
09:14na gumawa na mga sariling
09:15independent characters
09:17at independent team park
09:20na hindi naman ganun
09:21kamukha.
09:22Ginagalang din namin
09:23yung IP,
09:25intellectual property
09:27ng ibang team park.
09:28Hopefully by next year
09:29ma-develop na namin
09:31yung sarili naming
09:33identity.
09:34We're not taking that
09:35for granted.
09:36Meron kaming team
09:37na humahawak nun.
09:38Pangarap naman talaga
09:40ng bawat bata
09:41at kahit yung mga
09:43hindi na bata
09:44na makarating
09:45ng Disneyland.
09:47Pantasyang bahagi
09:49ng ating kabataan.
09:51Pero maganda rin naman
09:53siguro
09:54na bumuo
09:55ng theme park
09:56kung saan ang tampo
09:58ang mga
09:59sarili nating
10:01kwento.
10:07Thank you for watching
10:09mga kapuso.
10:10Kung nagustuhan nyo po
10:11ang videong ito,
10:13subscribe na
10:14sa GMA Public Affairs
10:15YouTube channel.
10:17And don't forget
10:18to hit the bell button
10:19for our latest updates.
10:21Pantasyang bahagi
10:21in the comments.

Recommended