Skip to playerSkip to main content
Aired (October 31, 2026): Alamin ang version ng dinuguan ng mga taga-Norte na kilala sa tawag na dinardaraan. Ano nga ba ang pinagkaiba nito sa karaniwang dinuguan na nakasanayan natin?

Hosted by Kara David, ‘Pinas Sarap’ takes its viewers on a weekly gastronomical adventure that gives them a deeper appreciation for Filipino food.

Watch ‘Pinas Sarap' every Saturday, 8:15 PM on GTV. Subscribe to youtube.com/gmapublicaffairs for our full episodes. #PinasSarap

Category

🎈
Fun
Transcript
00:00Sa kasaysayan ng buong mundo, ang mga ancient Greek, ang naitalang pinakamatagal ng nagluluto ng dugo ng baboy.
00:07Melaszomos o black soup ang tawag nila sa lutuin ito.
00:11Isa sa mga tradisyonal na pagkaing sinasahugan ng dugo ng baboy sa buong mundo, ang blood sausage.
00:18Kilalang delicacy ito sa mga bansa sa Europa, Amerika at Asia.
00:23Dito naman sa Pilipinas, ang mga katutubong ifugao mula sa Cordillera region, may version din ng blood sausage, ang pinuneg.
00:31Pero alam nyo ba mga kapuso, bago pa man dumating ang mga Kastila, nagluluto na rin daw ng dugo ng
00:37baboy ang mga sinuunang Pilipino?
00:40Ang baboy kasi, pwede mong sabihing endemic ang baboy sa Pilipinas.
00:44Marami tayong baboy at tayo, pag nagpatay ng hayop, minamaximize natin.
00:51So kinakain natin lahat, walang tapon.
00:53Kaya inuulam natin ito, kinakain natin ito.
00:57So minamaximize natin kung anong pwedeng makuha natin dito sa pagkain na ito sa Pilipinas.
01:02Kasi generally, hindi naman tayo naniniwala na masama ito.
01:06Basta pwedeng kainin.
01:10Sa pagdating ng mga Kastila, natuto naman tayo ng ibang estilo ng pagluluto ng dugo.
01:15Noon kasi, mga Espanyol at mga mayayamang Pilipino lang ang nakakakain ng mga putahing ginamitan ng primera klaseng karne ng
01:23baboy.
01:24Kaya ang dugo at mga laman loob, pinagtsatsagaan ang mga middle class at mahihirap na Pilipino.
01:30Sa sitwasyong ito, nangibabaw ang pagiging masinop at malikahin ng mga Pilipino sa kusina.
01:35Sa Ilocos region, kung saan mababakas pa rin hanggang sa ngayon ang impluensya ng mga Kastila,
01:42isinilang ang isa sa mga bersyon ng dinuguan, ang dinardaraan.
01:47Boom na boom sa Ilocos ang industriya ng bagnet at lungganisa.
01:52Dahil sa araw-araw na produksyon ng bagnet at lungganisa rito, nangangailangan ng malaking supply ng karne ng baboy.
02:00At dahil maraming baboy ang kinakatay, marami ring supply ng dugo.
02:05Ang solusyon para hindi ito masayang, gawin itong dinardaraan.
02:14Nakilala namin sa Vegan City Ilocos Sur, Sidang.
02:17Pagtitinda ng ulam ang kanyang kabuhayan.
02:19At ang isa sa mga ulam na patok sa kanyang mga suki, dinardaraan.
02:26Ang kaibahan daw ng Ilocano version ang dinuguan,
02:29sa halip na laman at taba, bituka ng baboy ang sangkap nito.
02:33Pagkalagay ng mantika, ilalagay natin yung bawang.
02:38Native, para mas masarap at saka maamoy yung pagkaloto ng dinardaraan natin.
02:45Ilalagay natin yung maskara ng baboy.
02:49Bituka.
02:50Ihalo-halo natin.
02:5415 anos pa lang daw si Dang noon, nang matuto siyang magluto ng dinardaraan.
03:00Kaya kami nagtinda ng dinardaraan, dahil kahit noon meron na dinardaraan.
03:05Iyan din ang isang specialty ng vegan.
03:09Ngayon, lagyan natin siya ng konting paminta.
03:13Konting asin.
03:16Soka.
03:18Ang isokang iloko po.
03:22Pag lumapot na ang salsa, ready to serve na ang binardaraan.
03:30Para sa mga Ilocano, bukod sa ulam, the best din daw itong sausawan ng chicharong baboy.
03:36Manganta yun!
03:43Masarap!
03:43Sob lang sarap!
03:44Sob lang sarap!
03:47Sob lang sarap!
03:51Sob lang sarap!
04:08You
Comments

Recommended