00:00At long weekend na nga mga kapuso sa mga gustong sa Maynila lang muna.
00:06May bago ngayon sa Luneta.
00:08Pinagsamang Filipino fiesta at Pasko ang masisilayan sa inilawan nila Christmas tree.
00:15Makisaya tayo roon live sa pagtutok ni Jamie.
00:19Jamie!
00:24Mel, hindi lang Christmas lights at dekorasyon ang tampok.
00:28Sa taon ng pagpapailaw dito sa Rizal Park sa Luneta, tampok rin ang mayamang kultura at tradisyon ng mga Pilipino.
00:39Sa saliw ng masiglang tugtugin at makukulay na pagtatanghal, sinalubong sa Rizal Park sa Luneta ang nalalapit na Kapaskuhan.
00:47Three, two, and one, go!
00:52Pinangunahan ng National Parks Development Committee o NPDC ang Christmas tree lighting ceremony.
00:58Katuwang nila ngayong taon ang mga lokal na pamahalaan ng Lukban, Quezon at Angono, Rizal sa pagpapakita ng makulay na
01:05diwan ng pistang Pilipino.
01:08Filipino Fiesta ang tema ngayong taon, pagpupugay sa makulay na kultura at mayamang tradisyon ng mga Pilipino.
01:16Gawa sa kawayan ng Christmas tree na pinalamutian ng mga salakot, mga parol na gawa sa kapis at iba pang
01:22katutubong produkto.
01:24May mga nagtanghal din hango sa tradisyonal na tugtugin at sayaw ng mga Pilipino.
01:29Pamipamilya ang namasyal at sumaksi sa tao ng pagpapailaw.
01:32Gusto ng anak ko po, magpahangin, maglaro-laro po dito. Nakakatuwa po, lalo-lalo na sa mga bata.
01:39Dagi-lagi namin yan, nililook forward.
01:41Bakit po ma'am, nililook forward natin yung mga ganitong...
01:44Siyempre po, yung Christmas tree is yung simbol ng Christmas. Kaya masayang tignan siya kapag inihilawan.
01:51Nakakasaya po, lalo na sa bahay namin, birang mag-Christmas tree dahil makal sa kuryente.
01:56Sa University of Santo Tomas, sinimula ng taonang Paskuhan sa pamamagitan ng pagbasbas ng Belen at pagpapailaw sa buong campus.
02:06May temang The Star That Guides, The Joy That Binds, ang pagdiriwang na nagbibigay diin sa pag-asa, pagkakaisa at
02:13malasakit sa kapwa.
02:19Mel, sa ganitong paraan, hindi lang ang Pasko ang ipinagdiriwang, kundi ang patuloy ng tradisyong, patuloy na nagbubuklod at nagbibigay
02:27kulay sa kulturang Pilipino.
02:29At yan ang latest mula rito sa Maynila. Balik sa'yo, Mel.
02:32Maraming salamat sa'yo, Jamie Santos.
Comments